Kabanata 17
Umulan nang malakas matapos namin mamili. Mabuti na lang at nakauwi na kami. Wala kaming mga dalang payong dahil nuknukan naman ng init kanina kaya hindi na namin naisipan pang magdala dahil mabilis lang naman kami mamimili. Hindi ko alam na aabutan pa kami ng ulan sa simpleng grocery.
Napanguso ako.
Ang dalawang lalaki na magkatapat sa sofa ay medyo basa gawa nang sinulong namin ang ulan mula sa gate dahil wala kaming dalang payong.
"May extra damit naman sa taas. Kunin ko lang." Sabi ni Nomari at pumanhik pataas.
Hindi na sumama pa si Mandy sa amin dahil dumiretso siya sa boyfriend niyang si Leo. Aniya'y dadaan na lang sila rito bukas. Si Caden at Khalid naman tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili kaya kasama namin silang dalawa ngayon.
Tahimik ang buong sala. Si Khalid, nakatingin lang sa labas ng bukas na pinto habang patuloy ang pag ulan ng malakas. Si Caden naman ay iniikot ng tingin ang buong kabahayan.
Umakyat kaya muna ako sa taas? Hindi naman ako medyo nabasa pero kailangan ko rin magbihis...
Tinignan ko ang dalawa. Masama na naman ang timpla ni Caden. Kanina okay naman siya bago kami pumasok dito sa bahay nila Nomari pero ngayon busangot na naman ang mukha niya.
Ano bang problema niya? Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Sala sa init, sala sa lamig. Kanina okay naman tapos ngayon hindi na naman.
"Ikaw lang mag-isa rito?" basag ni Caden sa katahimikan.
Akmang sasagot ako nang sumagot naman si Khalid kaya napatingin sakaniya si Caden.
"Oo, minsan nandito naman sila Nomari pero madalas wala kaya binibisita ko siya." Ngumisi si Khalid.
Nakita ko ang saglit na pag galaw ng panga ni Caden. Maayos siyang nakaupo at straight na straight ang likod kumpara kay Khalid na prente at kumportableng naka-upo habang naka de-kwatro.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko."
"Sungit. Sinagot ko lang naman tanong mo para hindi na mahirapan magsulat si Vallia."
Pinigilan kong huwag matawa sa sagot ni Caden.
Binalingan ko si Khalid at kinunutan ng noo pero nagkibit balikat lang siya sa akin.
Matagal pa ba si Nomari? Gusto ko na muna umakyat at magbihis. Pakiramdam ko ang baho ko na dahil sa maghapong paglabas tapos naulanan pa ng kaunti. Baka naman amoy kulob na ako?
"Kapag wala sila Nomari dito sino ang nagluluto ng pagkain mo? At ano naman ang kinakain mo?" tanong ulit ni Caden na sinagot na naman ulit ni Khalid.
"Hmm... 'pag wala sila Nomari saktong nandito ako, e. Iyong niluluto ko naman depende sa napamili ko. Minsan gulay, minsan karne."
"Bakit ba sabat ka nang sabat?"
"Sinasagot na nga tanong mo nagagalit ka pa?"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko."
"Pero sinasagot ko lang ang tanong mo."
"Pero hindi nga ikaw ang tinatanong ko."
Gusto kong matawa nang makita kong inirapan niya si Khalid pero baka lalong sumama ang mood niya kaya naman tumayo na lang ako para kumuha ng tubig dahil inuuhaw na rin ako.
Lumipad ang tingin sa akin ni Caden at napatayo.
"Saan ka pupunta?"
Tinuro ko ang kusina at dumiretso na roon. Pagdating ko sa kusina kinuha ko ang isang pitsel sa fridge, kumuha rin ako ng apat na baso at lagayan para sana ilagay ang mga baso roon pero nakuha na ni Caden.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Ficção GeralStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime