𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

789 157 184
                                    

↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❸ᙬ

╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗

                  "𝕸s. Avinir bakit ka umiiyak?" Nakadapa siya ngayon sa sofa habang patuloy siya sa pag-iyak niya.

"Huhuhuhu! ゚(゚ノД`゚)゚ " Hindi niya ito kinibo at nag-ngawa pa lalo.

"Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa'kin Ms. Avinir.." Bahagya naman niyang iniangat ang mukha niya para makapagsalita siya rito.

"L-L-Luirica! 'Yung mga Tulips.. W-wala n-na!!  Huhuhhhu! ・゚゚・(>д<)・゚゚・" At nagpatuloy itong muli sa paghagulgol nito.

"Huh—? Anong ibig mong sabihin Ms. Avinir?" Hirap man ay sinubukan niyang sabihin ang nangyari rito kanina.

Kapag naaalala niya 'yung sinapit ng mga tanim niya sa garden nila ay lalo talaga siyang naiiyak at nagdadamdam sa nasaksihan niya.

15 𝖒𝖎𝖓𝖚𝖙𝖊𝖘 𝖆𝖌𝖔..  ⏪⏪

"Ano ba 'yan.. 'Di ko mahanap 'yong lalagyanan ng mga gamot." Kanina pa siya paikot-ikot sa paghahanap dito kaya ng mapagod ay bumalik na lang siya sa kwarto niya.

"Hala! Ang galing bukas na!" Napatakbo na lang siya sa loob pagpasok niya dahil sa nakita niya roon atsaka dinampot ang magandang kahon na iyon kung saan niya ito iniwan kanina.

Pero ganu'n na lang ang pagtataka niya dahil sa pagkakatanda niya nakasara naman ito bago siya umalis kanina— ni hindi niya nga ito nabuksan kahit na anong pilit niya pero ito ngayon 'yung kahon at nakabukas na.

"Ayy, wala pa lang laman.." May panghihinayang na sabi niya matapos sinuri niya ng maigi ang kabuuan nito.

"Di bale, maganda naman siya paglalagyan ko na lang siguro 'to ng mga kung ano-ano." Nakangiting sabi niya roon.

Whooshh..  🍃🍃

Napalingon siya kaagad sa direksyon kung saan nagmula 'yung malakas na hangin na iyon at nang mapansin niyang galing ito sa nakabukas niyang bintana ay saka siya bahagyang lumapit dito.

"Huh?  Bakit pati ito nakabukas na?  Nakasara rin naman ito kanina ah." Dala ng kuryusidad niya ay napalingon siya sa buong paligid ng kwarto niya para suriin kung may kakaiba pa bang nangyari sa silid niya pero ng wala naman na siyang makita pang kakaiba rito ay tiningnan niya na lang muna ang labas ng bintana niya.

"Hindi.." Ganu'n na lamang ang gulat niya sa nakita niya at nanlalaki ang mga matang nabitawan niya ang kahong hawak niya saka dali-dali siyang bumaba ng hagdan nila palabas hanggang marating niya ang garden nila.

A-anong nangyari rito..? Labis na panlulumo kaagad ang naramdaman niya sa mga nakita niya roon.

Ang mga tanim niya kasing Tulips ay tila tinupok ng apoy dahil tanging kulay itim na lang ang makikita mo roon.. Tila naging abo ba lahat ng tanim niya at kahit na katiting na piraso ay wala talagang naiwan sa mga 'yon.

Imposible..  Paano?  Dahil kung magkasunog man dito paniguradong malalaman naman agad 'yun nila Luirica,.. Bakit ang mga tanim ko lang? Sinong may gawa nito? Gulong-gulo na isip niya.

Hinawakan niya pa ang lupa roon pati na ang abo ng mga tanim niya na matagal niya ring inalagaan kaya doon niya napatunayang hindi nga siya nananaginip lang.

Ilang minuto rin siyang nanatili roon at dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa sa mga ito malungkot at masama ang loob niyang bumalik siya sa loob ng mansyon nila at dala ng labis na pagdadamdam niyang 'yon 'di niya na napigilan pa atsaka mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya at doon nga nagsimula na siyang umiyak ng sobra.

𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon