Sinanay Mo Kasi ....

121 2 1
                                    

Pag gising ko sa umaga malambing na mensahe agad ang iyong mababasa.."Good Morning, kaen ka na ng almusal, wag kang papagutom, text mo na lang ako agad pag gising mo ah?" parang ang sarap bumangon no? kahit alam mong magiging busy ka na naman sa araw na yon, at sa gabi naman.

"Good Night, Matulog ka ng mahimbing, wag ka ng magpupuyat ah? tigilan mo na yung kakalaro mo dyan, at wag ka mag-alala dahil andito parin naman ako mahal parin naman kita."

Pag gising mo sa umaga, sarap isipin nakadilat man o nakapikit ang yong mga mata, ramdam mong may isang taong nag papahalaga sayo, hindi kayo nawawalan ng mapag-uusapan, kase hindi lang isang tao ang nagbibigay ng katanungan, palitan kayo ng mga bagay na mapaguusapan, palitan ng mahahabang halakhak seryoso o kalokohan man ang pinag uusapan.

Handa ang bawat isa na makinig at umintindi, kadramahan man o kasiyahan marunong umunawa ang isat-isa, sa tuwing daraanan ka ng kalungkutan, nanjan sya para makahanap ka ng rason para ngumiti o basta makita mo sya, para sayo sapat na yon para mawala ang simangot sayong muka, nagsilbing panyo para sayong luha, nagsilbing unan para yumakap sayo sa tuwing malumbay, ramdam mong mapalad ka dahil may isang tulad nyang nandyan para sayo.

Nandyan sya palagi maliwanag man o madilim ang langit, sa pag sikat ng araw at hanggang sa pag lubog nito, ramdam mong hinding hindi ka na muling mag-iisa, napakasarap sa pakiramdam, na sa dinami-daming taong mas higit pa sayo, mas pinili parin nyang mag lakad kasama mo.Sa pag babaka sakali na iba sya sa lahat ng nakilala mo. iba dahil hindi lang sya puro salita.Iba dahil hindi lang laging nyang bukang bibig ang salitang mahal kita.Alam at alam mong mahal ka nya.

Pero alam mo kung ano ang masakit dun? kung ang lahat ng mga bagay na ito ay panandalian lang bigla bigla na lang ng bago ang ihip ng hangin.

Tila tumigil ata ang pag ikot ng mundo, hindi mo na namamalayan na tuluyan na pala syang sumasabay sa lamig ng panahon.Sa hindi mo malamang kadahilanan? unti unti nyang nilalayo ang sarili nya na tila isang bulang lumilipad na nag hihintay na lang mawala. Biglaan na lang syang nag bago, pero bakit ganon?Bakit bigla na lang ng kaganto? bakit bigla ka na lang mawawala? ni hindi ka manlang nag iwan ng rason kung bakit mas pinili mong lumayo? sagutin mo naman sana? Ang dating umagang nagsisimula sa mensaheng masaya!Ngayon ay isa na lang normal na araw na hinihintay mo na lang matapos. Ang mahimbing na tulog sa gabi ay napalitan na lang ng pag tatalo ng puso at isipan.

Bakit ang laging tanong sa sarili? bakit walang kasagutan? bakit hanggang sa pag pikit ng mga mata sinanay mo akong nandyan ka? sinanay mo akong kausap ka? sinanay mo akong isa kang insperasyon, at pag-asa sa malungkot kong buhay.

Naging rason ka para sa tuloy tuloy kong pag laban, naging sa rason ka para sa mga halakhak at sa pag limot sa kalungkutan, binigyan mo ako ng rason para magtiwalang muli.

Sabay ngayon, bigla bigla ka na lang mawawala. Ngayon binigyan mo ako ulit ng rason para magkaron ulit ng luha sa aking mga mata.

Ngayon binigyan mo ako ng rason para matakot na muling mag tiwala! Sana hindi mo na lang ako sinanay na nandyan ka? kung sa huli ay iiwan mo rin pala ako.Binigyan mo lang sya ng rason para maniwala na hindi ka pala naiiba sa kanila? katulad ka rin lang pala nila.Pero sa bagay, nag baka sakali lang naman ako. nag baka sakali lang ako na iba ka sa lahat ng taong nakilala ko!Nakakalungkot lang isipin na pinaramdam mo sa akin na nag kamali ako.

Pero alam mo, babangon ako at WHO YOU KA SAKEN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinanay Mo Kasi ....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon