Pagpasok ni Bell sa loob ng bar kung saan kasalukuyang tumutugtog ang Silver Belles ay pumili siya ng mesang malayo sa stage. Gusto kasi niyang malayang pagmasdan si Jing-jing habang nagpi-perform ang dalaga. Iniiwasan niyang makita agad siya ng dalaga o ng sinuman sa mga kabanda nitong lahat ay nakakakilala sa kanya.
Nang matapos ang set ng banda ay saka lang tumayo si Bell at lumapit sa stage upang magpakita kay Jing-jing. Base sa reaksyon nito pagkakita sa kanya ay halata niyang nagulat ito nang makita siya. Bagay na hindi niya alam kung bakit. Hindi ba at sinabi naman na niya sa dalaga na susunduin niya ito ngayong gabi? Obviously she didn't believe him. Pero si Lucibelle na siyang nagsabi sa kanya kung ano'ng oras ang set ng banda nito at kung paano pumunta sa bar na iyon ay kinindatan siya at nag-thumbs up sign pa sa kanya. Pero ang dalawang lalaking miyembro ng Silver Belles na sina Cinda at Santi ay may kasamang pagtataka at may bahid ng pagdududa ang tingin sa kanya.
Binati niya ang buong banda. Binati at kinausap din naman siya ng mga iyon.
"Oh! Bago ko pa nga pala makalimutan, guys. Kami na ni Bell. Kaya from now on, gabi-gabi na niya akong susunduin kapag may show tayo," kaswal na kaswal ang tono ni Jing-jing nang ianunsyo iyon.
Umabrisyete pa ang dalaga sa kanya at matamis na nginitian siya.
"Hindi ba, my sugar cakes, honey pie, choco syrup? At hindi lang iyon, from now on ay libre na raw kayo lagi sa restaurant niya. The sky is the limit kapag kakain kayo roon. Right, my baby love?"
Bell should be glad. Mukhang nakumbinsi na ang dalaga sa plano niyang magpanggap silang magkasintahan para maalis ang pagseselos ni Marie sa dalaga. Pero sa halip na matuwa siya ay kinabahan siya. Para kasing may iba pang nilalaman ang ekspresyon ni Jing-jing nang tignan siya. At malinaw rin base sa mga sinasabi nito ngayon na handa itong samantalahin ang palabas nila para isahan na naman siya.
Hanggat maaari ayaw niyang may ibang makaalam tungkol sa kasunduan nila. Mas maraming nakakaalam, mas malaki ang tsansang matuklasan ni Marie na palabas lang lahat ng iyon. Kahit mga kabanda ni Jing-jing ay mas mabuting hindi malaman ang totoo tungkol sa pagiging magkasintahan nila. Lalo pa at alam niyang malapit din si Darrell sa mga ito.
"Right," tango niya bilang tugon kay Jing-jing. "We have to go. See you!" saka siya maagap na nagpaalam na sa mga kabanda ni Jing-jing.
Halatang nabigla at hindi makapaniwala sina Cinda at Santi sa nalaman. Pero sina Lucibelle at Chrisma ay parehong malawak ang mga ngiti at nanunukso ang tingin sa kanila ni Jing-jing. May kutob siyang alam ng dalawang babae ang tungkol sa usapan nila ni Jing-jing. Pero posible rin namang boto lang ang mga ito sa kanya para sa dalaga. Hindi niya alam.
Pero ang alam niya ay kailangan na nilang makaalis ng dalaga roon bago pa maisagawa ni Jing-jing ang iba pang kapilyahang binabalak nito. Nasisiguro niyang may binabalak itong gawin laban sa kanya dahil kabisado na niya ang malditang kislap sa mga mata nito.
"Teka, isabay na natin sina Chrisma at Luci pauwi. Magkasama kami sa bahay ni Luci, remember? At madadaanan natin ang bahay nina Chrisma kaya ihatid na muna natin siya," ani Jing-jing.
"Kina Courtney ako uuwi ngayon, Jing, kay Cinda na ako sasabay pauwi," tanggi ni Lucibelle.
"At susunduin naman ako ni Wayne kaya hindi na ninyo ako kailangang isabay pa. Sige na, mauna na kayo," segunda naman ni Chrisma.
"Ako na lang ang sasabay sa inyo, Jing, Bell. Wala akong dalang sasakyan---"
"Sa amin ni Wayne ka na sumabay, Santi," putol ni Chrisma sa paghiling ni Santi.
BINABASA MO ANG
SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELL
RomantizmPosible bang ma-in love sa isang dating kaaway? Posible! Lalo na kung malapit na ang Pasko!