Hairpin

111 0 0
                                    

-Loveletter-

HAIRPIN

[The key to eternal love]

7 years old ako noon, papauwi na kami ng aking pamilya galing sa pamamasyal si Papa ang driver katabi si Mama na nasa unahang upuan ng kotse, kami naman ng ate ko ang nasa likod. Nakahiga ako noon gamit ko pa ngang unan ang hita ng ate ko. Dalawa lang kaming magkapatid halos pitong taon din ang agwat ng edad namin. Nakakahiya mang aminin na kahit lalaki ako, kapag may umaaway sakin ate ko ang tagapagtanggol ko.... hahaha :) close kami eh!.

         

Sabi ko nga sa sarili ko pag malaki na ako hahanap ako ng babaeng katulad ng ate ko.

          Nagising nalang ako sa mahigpit na yakap ng aking ate. Hindi ko alam ngunit parang may nangyayaring hindi maganda, nakita kong panay ang tapak ng aking Papa sa break ng kotse, ang mukha ng aking Mama na parang takot na takot. Nasa highway kami noon at ang bilis bilis ng andar ng kotse. Nakita ko nalang ang aking ate na nakapikit habang ang higpit higpit ng yakap niya sakin.

“What’s happening, Ate?”

Hinawakan niya ako sa aking mga kamay, sabay tingin sa aking mga mata, bakas sa mata niya ang matinding takot. Ngunit kahit ganoon ay nakuwa pa niyang ngumiti at sinabi saking:

“None Jerb, everything is alright.”

“Hold this, Oh” sabay bigay niya sakin ng paborito niyang hairpin

“Close your eyes and don’t be afraid ah, Ate is here for you.” sabay ulit yakap ng mahigpit sakin.....

[The last thing I remember is being on that car with my family. The scream of my Mom and the tight embrace of my sister while she’s whispering,

“LORD save us, save my brother.”

Then there was a loud noise. A BANG.

Then everything went black.........]

-----------------------------------------------------------------------------

Pagmulat ko palang, bumungad na sakin ang isang lalaki.

“Who are you?” tanong ko sa kanya.

......................Doktor pala siya…

“May nararamdaman kaba, iho?” tanong niya sakin.

Nagising ako sa isang hospital, wala pa akong kaalam alam sa mga nangyari samin. Nakahiga ako noon sa kama ng dumating ang aking Tita Rica at ang kanyang asawa, niyakap niya ako habang umiiyak.

Hairpin -sad story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon