Chapter 21: Debate day!

7.6K 311 95
                                    

Diana's POV

"Art?!" Napalakas ang boses ko sa tuwa ng makita kong nakatayo si Arty sa harapan ng bahay namin, "Art!! Kaya mo ng pumasok ng school?!"

Hindi ko sya inaasahang makita ngayon.

Niyakap ko sya ng mahigpit, natutuwa ako dahil sakto! debate na namin ngayon, "Oo! Ha-ha, sobra mo naman akong namiss." Natatawa nitong sabi.

"Sobra!!" Sabi ko sakanya ng kumalas na ako sa yakap, "Sabay na tayo pumasok.."

"Oo naman, dahil habang naglalakad tayo—magkokwento kapa sakin." Pabiro nitong tinusok ang waist ko gamit ang index finger nya, I winced sa ginawa nya.

"Gusto kong malaman ang nangyari sayo, akala ko ba kay MICHAEL. TAN. ang punta mo?" Madiin nitong sabi, makahulugan ang mga titig nya saakin; parang iniisip nya na may tinatago ako sakanya.

"Oo, kay Michael Tan nga." Mabilis kong sagot.

Tumigil sya sa paglalakad, "Natulog ka sa bahay nila Nephra!" Sabay turo saakin.

"Um.. oo.. so?" Tumalikod ako agad at nagsimula na ulit maglakad.

Anong big deal?

Tumakbo sya para maabutan nya ako, "So? Yun lang?.. Dee?..

..Uy! Normal lang yun sayo?!"

Ayaw talaga akong tigilan neto!

"Hindi! I mean.. may nainom kase ako, sleeping drop ata yung tawag dun. Kaya nakatulog ako..

..atsaka hindi ko naman alam na bahay pala nila Nephra yung pinuntahan ko; ito palang si Michael, ang binigay na address sakin.. yung address nila Nephra." Paliwanag ko sakanya.

"Nainom?" Nagtataka nitong tanong, ".. pero ang sabi saakin ni Nephra, may rehearsal daw kayo para sa debate kaya hindi ka nakauwi.."

Rehearsal? Naguguluhan narin ako ngayon.

"Nagtataka nga ako, hindi ako makapaniwala na kasama mo sya. Hindi ba't ayaw na ayaw nyang nakikita ka?" Aray naman.

Tumango ako ng bahagya, totoo naman yun; mainit ang dugo nito sakin. "Baka yun nalang ang naisip nyang dahilan, hindi naman nya inaasahan na makakatulog ako dun eh.

..buti nga at tumawag pa yun, kung nagkataong hindi sya nakatawag ay sigurado ako na hindi makakatulog sina mama kakahanap sakin.."

He nodded, "Kung sabagay, may point ka dyan.. mabuti nga at hindi sya nagtaray nung araw nayun. Pina-alam nya sakin na nandun ka sa bahay nya."

"Told you. Maging thankful nalang tayo.." Nakangiti kong sabi.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon umaga, ang sarap maglakad.

"Ano?.. malaki ba ang bahay nila? Napadaan daw yung isa nating classmate doon, noon..

..at napakalaki daw ng bahay nila Nephra!!" Mayroong hand gestures pa ito habang nagsasalita.

This is all exciting; even for Arty, unreachable kasi ang tingin ng lahat kay Nephra.

Hindi ka basta-basta makakapasok ng bahay nila o makakalapit sakanya.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon