PROLOGUE

89 3 2
                                    


PROLOGUE

THIRD PERSON'S POV

MALALIM na ang gabi nang makalabas si Trina mula sa faculty room. Dumami kasi ang naging trabaho niya dahil siya ang pumalit sa nagresign na professor na si Mr. Dwayne Alvarez. Hindi naman siya makapagreklamo dahil kaibigan niya ang nasabing professor.

Nang makalabas siya sa Grand Royal University kung saan siya nagtatrabaho ay napansin niya ang isang binatang tahimik na nakaupo sa di kalayuan.

Wala na sana siyang balak pang lapitan ang binata nang bigla itong tumayo at pasuray-suray na naglakad.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapadaan ito sa poste ng ilaw at nang makilala niya ito. Mabilis siyang tumakbo at lumapit dito. "Thunder.." mabilis niyang inalalayan ang binata.

Nilapit nito ang mukha sa kanya na parang kinikilala siya. "Ms. Gonzaga?" Paniniguro nito.

Pinaupo niya muna ang binata sa isang wooden bench na nakita niya. Saka ito sinermunan. "Oo. Ako nga. Mukhang naglasing ka. Hindi tama yan." Bahagyang malakas na saad niya.

"Paano kaya kung hindi kita nakita.? Baka napagtripan ka na ng mga masasamang tao dito. And not to mention, you are part of a well-known family. You put your life in danger." Dagdag niya pa. Alam niyang may karapatan naman siyang magsermon dahil estudyante niya ito at guro siya.

"Ma'am, thanks for the concern but I need to do this... I wanted to forget someone. I want to be happy for her ... And drinking is my first escape plan." He said in a hopeless tone. Nakaramdam siya ng awa sa binata.

"Gusto mo bang pag-usapan natin yan over coffee?" Tanong niya.

Umiling naman ito. "No need. I don't want to disturb someone. I can manage myself alone." Tumango siya at iiwan na sana ito.

Pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palayo rito. Nakikita niyang problemado talaga ito.

At kung pagbabasehan niya ang narinig mukhang broken-hearted ang binata. Kaya nagawa nitong maglasing. "It's okay. I wanna help you." Tumingin lang ito saka muling yumuko.

Huminga naman siya ng malalim. "Sige, ganito nalang kung ayaw mong pag-usapan yung problema mo. Samahan mo nalang akong magkape. At makabawas din sa kalasingan mo nang sa gayun makauwi ka ng ligtas. Saka kargo de konsensya pa kita kung mapahamak ka sa daan." Nag-angat ito ng tingin.

"Fine. By the way, Thanks." Saad nito saka tumayo. Napangiti naman siya saka sabay na lumakad sila ng binata.

Natanaw niya ang convience store na malapit. "Doon nalang tayo." Turo niya.

Hindi na niya muling inakay si Thunder dahil mukhang wala namang balak na magpaakay ang binata kahit pa nga medyo hindi diretso ang lakad nito. Nahihiya rin siguro dahil babae siya at nakaka insulto sa pagiging lalaki nito na akayin ng isang babae.

Naiintindihan din naman niya ito dahil lalaki ito at babae siya higit sa lahat estudyante niya ito at guro siya. Hindi nga naman magandang tignan lalo pa't hindi naman ito kalayuan sa G.R.U. baka may makakita pa sa kanila.

Nang makapasok sila sa loob agad na naupo si Thunder sa upuan saka bahagyang sinubsob ang sarili sa mesa.

"Sige hintayin mo nalang ako dyan. Ako na ang bibili." Agad siyang umalis saka bumili ng kape para sa kanila at gamot sa sakit ng ulo para sa binata.

Makailang minuto lang ay nakabalik siya kung nasaan ang lasing na si Thunder.

"Oh inumin mo." Inabot niya yung espreso coffee at gamot kay Thunder.

Tinanggap naman nito. "Salamat Ms. Gonzaga. Bayaran ko nalang --"

"No need. Basta makauwi ka lang ng ligtas okay na iyon bilang kabayaran." Tumango naman ito saka nagsimulang sumimsim ng kape. Napangiti siya at saka uminom na rin ng kape.

Mahabang katahimikan mukhang walang balak ang binata na magsalita. Kaya tinitigan nalang niya ito.

"Bakit kaya nabroken-hearted itong si Thunder? Gwapo naman ito at mabait at matalino. Ang dami ngang babaeng estudyante ko sa ibang klase ang humahanga sa kanya? Sino naman kaya ang babaeng minahal nito?" Tanong niya sa isip habang nakatitig sa binata.

"Huwag mo akong kaawaan, Ma'am. Normal lang ang masaktan. Lalo na kung sobra mong minahal ang isang tao." Napangiti siya sa narinig.

"Nag-oopen up ka ba sa akin? But it's okay I'm willing to hear it. I am all ears."

"Okay. Since you helped me out there. Lulubos- lubusin ko na. Pwede bang magtanong?"

"Sure."

"Paano ba magmove on.?" Nabigla siya sa tanong ng binata. Dahil siya man ay nasa proseso ng paraan kung paano makapag-move on. Dahil hanggang ngayon naaalala pa rin niya ang dating nobyo niya. At masakit din ang kanilang naging paghihiwalay.

"Well. Moving on is a long due process. Hindi pwedeng madaliin pero pwedeng unti-untiin. Simulan mo sa pag-iwas sa kanya. Kung hindi naman maiwasan, makipag-usap lang ng kaswal. Huwag na mag-open ng topic na magpapaalala sa kanya sa iyo. At simulan mo na ding itatak sa puso at isip mo na hindi siya para sa iyo." Yun din kasi ang ginagawa niya pero hindi niya pa alam kung talaga bang nakalaya na siya dahil wala silang closure ng dating nobyo.

"I did that. But she keeps flashing on my mind and that sucks.! I love her so I'd set her free to the one she loves." Marahil may tama pa ng alak ang binata kaya malakas pa ang loob nitong magsalita ng ganoon.

"You set her free.. so set yourself free from her too." Mukhang naunawaan naman nito at tumango.

"Salamat, Ma'am kahit paano gumaan ang pakiramdam ko." Sagot nito matapos ng ilang minuto mukha dinigest ang suhestyon niya.

"And don't drink too much.. mas mainam kung sa bahay nyo ka nalang uminom. Delikado sa labas.." saad niya. Mukhang nakinig naman at tumango sa kanya.

Matapos nilang mainom ang kape ay lumabas na sila.

"Sige mauna na ako mukhang ayos ka naman na," Anya saka ngumiti.

"Salamat. Trina." Nabigla siya sa tinawag nito may kung ano siyang naramdaman. Nang marinig mula rito ang pangalan niya.

"Kung di mo mamasamain, Ma'am. I'd like to call you, Trina. Kapag nasa labas tayo ng G.R.U. hindi naman ganoon kalayo edad natin. Nakakailang kasi kung laging,Ms. Gonzaga. Napakapormal."

"No problem, Thunder." And that's it they both waved a goodbye to each other.

Little did they know that this goodbye is just a start of a new beggining....

New friendship... or something deeper than that...

THUNDER AND TRINA'S LOVESTORY

***

BROKEN HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon