( A One Short Story ♥ )

115 2 3
                                    

I Crush You ♥

- Dark_Princess

Dedicated to: Christineyiz (First follower ♥♥ Paramdam ka naman :3 )



***



Jasmine's POV





Hayy.. Eto na naman ako, pasulyap sulyap ng tingin kay Crush :)




Nakakainis! Gustong gusto ko siyang titigan ng matagal pero di ko magawa.



Nahihiya kasi ako e T^T



Bigla siyang lumingon sakin kaya napaharap ako. Nasa pinakalikod kasi siya e, tas ako sa harap.




Waaah! Mismong mga upuan na ang naghihiwalay sa amin T______T




Biglang dumating yung Filipino teacher namin kaya tumahimik ang klase.



Lumingon muna ako sa likod para tignan siya bago tumayo at magdasal.



Waaahhh!!! Nakatingin siya sakin >/////<



At takenote, nakangiti siya!!! >3<



Pinaupo na kami ng teacher namin pagkatapos.




"Okay mga estudyante, magkakaroon tayo ng proyekto. Dahil malapit na ang Araw ng mga Puso, gagawa tayo ng mga liham para sa ating mga minamahal.


Hahatiin ko kayo sa anim na grupo. Tayo na at magbilang."




"Isa." bilang ni Ella.




"Dalawa." Mariel.




"Tres!" Micah.




"Four!" Angel, katabi ko.




Tae, ako na -___-




"Five." ako.



Hmm, sino kayang ka-group ko? Sana, masisipag =___=



Humarap ako sa likod kaya medyo nakaside ako. Tinitignan ko kung anong number siya ^_____^




"Four." sabi nung katabi ni Carvin.





OH MY GHAD!!!! O_______O





K-ka group ko siya!!!!




OH MY!!!! First time on my history na naka-group ko siya.



Tae, eto na ba ang sign Papa Jesus? ^__^




"Okay, sa harap ang una at pangalawang grupo. Sa gitna ang pangatlo at pang-apat. Sa likod naman, ang panglima." sabi ni Sir.



Mabilis pa sa alas kwatro ako nakarating doon.



Carvin ko!!! Tumabi ka sakin, please T^T



Nandito na yung mga ka-group ko at tanging si 'Crush' na lang ang wala.



Nakapabilog kami kaya wala ng space para kay Carvin.



BWAHAHAHAHAH!!!



Para paraan lang yan ^____^v



Umisod ako patalikod para merong space sa tabi ko. Haha, dito ka na umupo Carvin ^_____^



"Group 5 to?" biglang dumating si Inah.



Tumango naman yung mga ka-group namin.




Tapos.. tapos...





Tapos... lumapit siya sa may gilid ko at doon umupo T_____________T




PWESTO YAN NI CARVIN EHHHHH!!!!!!!




Tapos, pagkaupo ni Inah sa tabi ko, bigla din umupo si Carvin...





Kaso... sa tabi ni Inah >__<




Tsk!!!




Nakinig na lang ako sa mala-anghel pero bossy na boses ni Carvin.



Kahit ganyan siya, crush ko pa rin siya. :P




"Yung nabunot ko is 'Love Letter to my Partner'. So yung gagawin natin, by partner. Kapag magkaparehas kayo ng number, kayo yung mag-partner." sabi ni Carvin tapos sunod sunod na bumunot yung mga ka-group ko.





Tapos unti unti akong lumapit kay Carvin. Nilapit ko yung kamay ko sa kamay niya para bumunot.



"Ouch!" sabay kaming napasigaw ni Carvin ng magdikit yung mga kamay namin.




Luh, ano yun? >////<




"Uhh--S-sorry." sabi niya habang nakahawak sa kamay niya.




"Ahm, sorry din." sabi ko at yumuko.



Tinignan ko naman yung nabunot ko.



Five na naman =___=




"Uy sinong one?" tanong ni Inah.



"Ako, one din." sagot ni Ate Lene.




"Uy two sino?" tanong ni Aldrin.




"Ako!" sabi ni Rain.





"Sino pong four?" tanong ni Nicole.





"Ako, four :)" nakangiting sabi ni Nathan.




Ang swerte ni Nathan. Crush niya yun eh =____=




"Three po? Sino?" sabi ni Bryan.





"Uhh-ako." nahihiyang sabi ni Mich.




Hahahaha, muling ibalik! ~Dati kasing silang mag-on eh ^_____^




Teka, di ko pa pala alam sinong ka-group ko.



"Sino pong five?" agad kaming nagkatinginan ni Carvin ng sabay naming sabihin yun.




Bakit di ko napansing kaming dalawa na lang ang walang partner!!!!???




Halaaaa kinikilig ako >___<




"Uhh--meeting tayo mamaya sa playground ha." sabi niya at tumayo na.




Tumayo na din ako, "S-sige."





**Playground




Nakita ko si Carvin na nandun sa dulo sa may swing.



Naglakad na ako papunta doon.




"Uhm--Carvin.." sabi ko habang nakaupo sa bench sa likod ng swing.




"Ah, nandyan kana pala!" sabi niya tapos ngumiti. Ngumiti din ako.




Naiihi na ko....











sa kilig >////////<




"Nagbunutan ulit kami kanina kung anong theme. Di na kita natawag kasi busy ka---kausap si Nathan." tapos umiwas siya ng tingin.




Ano daw??




"Uhm--tapos?" sabi ko.




"Ha? Ah, eh. Yung nabunot ko---Uhm, relationship proposal." sabi niya at umiwas ulit ng tingin.




"Ah...Teka---Ano nga ulit!??" sigaw ko pagkatapos mag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.




"Uhm--kung gusto mo makipagpalit na lang tayo." sabi niya.




"Huh? Uhm--wag na. Baka sabihin pa nila, unfair tayo."





Wahahaha! Oks na oks sakin yun. Wag mo ng palitan ^________^




"Di sige. Kung ayaw mo, palitan ko na lang."




"Hindi wag na talaga. Gusto ko yun." bigla akong napatakip ng bibig ng sabihin ko yun.




Luh! Nadala lang ako!




"A-ano?" parang namumulang sabi ni Carvin.




Ehhh? Nakakahiya ako!!! T_______T



"Uhm---wala! Nevermind! Paano ba yung gagawin natin?" sabi ko at umiwas ng tingin.




Tumingin sakin si Carvin at ngumiti. Tapos sinabi niya sa akin ang super habang plano niya *insert sarcastic tone*




"Isu-surprise na lang kita sa 14. Para di halatang praktisado. *wink*" sabi niya sabay kindat at umalis na.




ANO DAW!!?????




AT.... AT.... AT....





KININDATAN NIYA KO!!!??? >////////<





**Feb 14**

[ Play the music video on the right ~]




Papasok na ako sa hallway ng third year ng bigla akong harangin ng mga classmates ko.




"Halaaa! Bakit?" tanong ko nang pinipilit nilang takpan yung mga mata ko. Nilagyan nila ako ng blindfold sa mata.




"Sa project namin to. Ikaw, yung gagamitin namin." kinikilig na parang nataaeng sabi nila.




Tss, ba't ako pa.



Hinayaan ko na lang sila na alalayan ako.




"WHOOOHHHH!!" narinig kong nagsigawan yung mga kaklase ko.



Luh, ano kayang ginagawa nila? Naku-curious tuloy ako >___<




"Upo ka dali." umupo naman ako tapos lalong lumakas yung sigawan nila.




Naramdaman kong nag-loosen yung tali kaya inalis ko na.




O_____________O




Sobrang gulat na gulat ako ng makita ko na nasa gitna ako at nasa harap ko si Carvin at may hawak na gitara.




Lahat sila nasisigawan at kinikig.



Hala, eto na ba yun? Di ako ready! Nawala sa isip ko.



"Uhh--Jasmine, para sayo to." sabi ni Carvin na tuluyang nakapagpa-blush sa akin.





"Uhh--Jasmine, can you be my girlfriend? -----FOR REAL?" tanong niya na nakapagpa-car race sa puso ko.



Tumayo ako sa kinauupuan ko.




"Yes Carvin, I'll be your girlfriend----FOR REAL." sabi ko.




Gulat na gulat siyang tumingin sakin. Tapos, tumayo siya at hinug ako.



Ehhhh?? Kinikilig ako!



"Carvin, may aaminin ako./Jas, may aaminin ako." nagtawanan kami ng sabay na naman kami nagsalita.




"Uhh---ikaw na." sabi ni Carvin.



"Ahm, kasi---matagal na kitang crush. Nahihiya lang akong aminin." sabi ko at tumungo dahil pulang pula na ako.




"Ah?---Hahaha, ang cute mo. Hmm? bakit kaya lagi na lang tayong parehas.." agad akong napatingin sakanya nun ng may gulat na mukha.




"T-talaga?" paninigurado ko.




"Oo." sabi niya at ngumiti.




Hinawakan niya yung chin ko at binigyan ako ng super bilis na kiss.



Ghad, ramdam na ramdam ko pa rin yung lips niya!!! >////<



"I crush you, Jasmine." sabi niya.





"I crush you too..----Ah no! I love you pala." sabi ko at ngumiti.




"T-talaga? Akala ko---Haha, I love you too, wifey." sabi niya.





"Wifey agad? Sige na nga hubby!" sabi ko at ngumiti din.




Tapos kinuha niya yung red box at sinuot sakin ang silver necklace na may '14' na nakalagay.




"Thankyou. Sorry wala akong maibibigay sayo." sabi ko at tumungo.




"Ang 'oo' mo ang best gift na natanggap ko." sabi niya.




"I love you, Carvin." sabi ko.





"I love you too, Jasmine." sabi niya.






















"JASMINE LANGUIDO!!!! BAKIT KA NATUTULOG SA ORAS NG KLASE KO!??? GO TO MY OFFICE LATER!!!"






~O________O





*****

A/N:


Unang una sa lahat, excited ako sa Valentines =___=

Pangalawa, ang corny talaga >__>

Pangatlo,pagtiisan nyo na ang ka-cornihan ko kahit panget :3

-prinsesa ♥♥

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon