Part 2

17 0 0
                                    

prom night na excited ang lahat kanya kanyang pasikatan at payabangan ng mga suot, picture dito picture duon ang napapansin ko hehe 

sabay kami ni mike na pumunta ng campus, naka black coat at red neck tie ako kapartner ng black slacks at black shoes syempre hehe  

simple lang pero gwapo daw sabi nila mama hahaha

pagpasok namin ay nakita ko rin ang iba kong kaklaseng babae at ang mga tropa, yung iba lalong gumanda pero yung iba nasobrahan ata sa make up hehe  

di pa man nasasayaw namumula na ang mga pisngi hehe

pero syempre may panalo na ko para sa queen of the night hehe si chloe ^___^

pinagmamasdan ko sya ngayon, WOW! lalo syang gumanda, napapanganga na ko, natutulala.

simple yet so elegant sya tignan sa kanyang suot na white dress tama lang ang make up at nakasmayl pa siya kita yung dimples nya habang naglalakad at bumabati sa mga kakilala nya

grabe ang bilis na ng tibok ng puso ko, sinu ba namang di maiinluv sakanya blessed ang mamahalin niya sa isip isip ko...

papalapit siya samin ngayon, papalapit talaga siya.........

 

"hi vince, hi mike ang gagwapo ah! hehe"

 

narinig ko na lang ang boses na yun na dumaan sa harap namin...

"uy tol! wala na hahaha" *binangga ni mike si vince dahilan para ma out of balance ito kaunti at bumalik sa katinuan

"anu ba mike! bat bigla kana lang nanunulak?" tanong ko sakanya

"dumaan na at nag hi na si chloe nakatulala ka pa rin dyan kaya ayan tinulak na kita pasalamat ka di ko nilakasan haha" paliwanag ni mike

"ahh??? sya ba yung kanina...? asan... na siya???" pautal utal kong sabi

"ou siya yun! at ayun siya oh" *tumuro sa likod namin

lumingon ako at andun nga siya, "tskk panu yun, nakita nya kong nakatulala???" mahina kong sabi

"oo tol naglalaway pa nga eh haha" sagot ni mike narinig pala nya sinabi ko

 

tskk... grabe nakakahiya sabi ko sa sarili ko lalo tuloy akong natotorpe panu ko pa sya malalapitan mamaya nakakhiya nakita nya kong ganun...

hayyyyyy, ramdam kong nabawasan ang excitement ko tssss...

siya nga pala bumili kami ng rose bago pumasok kanina yung plastic lang hehe wala ko balak bumili pinilit lang ako ni mike bigay daw namin sa mga mahal namin, para namang magkakarun to ng kwenta pag binigay ko kay chloe dahil sigurado naman ako marami magbibigay dun bouquet of roses pa....

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

J.S Prom.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon