A PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---
ERASE, ERASE...HMM...
A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER...
I know it is not polite to brag about your own greatness. But I am an old man. Iba naman na ang batas sa mga tulad kong matatanda na, hindi ba? And if I cannot brag about my greatness, then how will my descendants know about it when I am dead and gone? That is not right, right?
And let me tell you, I reall am the greatest grandfather any grandchild could have. Just ask my grandchildren. On second thought, do not ask them. They will just probably joke about me and tell you that I am a meddling, manipulative and scheming old man.
I am not. Really. In fact, I am the most loving and most caring grandfather in the whole wide world.
At kapag narinig ninyong sinasabi ng mga apo ko iyon lalo na nina Ravin, Simoun, Bastian, Giac, Flynn, Hisoka, Joleen, Irvine, Ethan, Teree at Danieca, isipin ninyo na lamang na nagbibiro sila. Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga matatawag na pangingialam, pagmamanipula at pagiging tuso ang hanapan ko sila ng kaparehang makakasama nila sa buhay, hindi ba? Hindi talaga.
Kaya naman walang awa, este, buong kagalakan ko uling
pakikialaman, ah, gagabayan pala ang apo kong si Zrael para magkaroon din siya ng sarili niyang happy ending tulad ng mga
pinsan at kapatid niya. At kailangan kong maging maingat
dahil batid kong alerto siya sa aking bawat hakbang at sinasabi.
Zrael may seem like an easygoing guy but this grandson of mine has hidden depths. Behind his ever ready smiles and mischievous grins lies a romantic heart too wary of the trap he thinks love would create for him.
But I know just the perfect girl for him. I suspect he knows it too. Lamang ay pinipigilan niya ang sarili niyang tuluyang mahulog sa dalagang iyon. Well, I will gladly help him take that wonderful fall. Sa ayaw man niya o sa gusto.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-SHAPE OF MY HEART
DragosteAlam ni Georgette na siya ang huling babaeng papasok sa isipan ni Zrael kung ang pag-uusapan ay makakasama sa buhay. Hindi nga ba at noong lang sa mismong kaarawan nito ay tinawanan lang nito ang tsismis na narinig ukol sa lihim niyang pagsinta dito...