"HUSGA"
written by: silentphilo_911Saan nga ba pupunta sa mundong puno ng mapanghusga? Isa yan sa mga tanong na lagi kong naiisip.
"Pokpok!!"
"Malandi!!"
"Mana sa nanay nya pokpok!!"
At kung ano ano pang mga salita na iisa lang ang ibig sabihin, POKPOK. Pero kagaya ng nakagawian hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy. Iba't ibang uri ng tingin ang binigay nila sa akin, may pandidiri, may tuwang tuwa at may naaawa? Napatawa tuloy ako ng mahina, awa? Hindi ko alam na meron rin palang naaawa sa akin.
Nadaanan ko sina James na nag-uusap-usap. Ipinagkakalat nya na may nangyari sa amin kahit na wala namang talaga, hindi ko na lang pinansin at isinasawalang bahala kasi hindi naman totoo. Hindi lang si James ang unang gumawa ng ganyang kwento marami na sila mapababae man o mapalalaki, dun sila masaya eh. Na isip ko dati kung sakali kayang magpaliwanag ako o sabihin kong hindi naman yun totoo may maniniwala kaya??---
Hanggang sa pag-uwi ako pa rin ang topic nila. Napatawa ako ng mahina kasi kailan ba hindi ako pinag-usapan at hinusgahan? Halos ata araw-araw nila akong makita o kahit hindi nila ako makita, huhusgahan pa rin nila ako.Malapit na ko sa bahay ng matanaw kong may kausap si Mama na hindi ko kilalang lalaki. Hindi kasi yun yung kausap nya kahapon, nung nakaraan o kaya nung isang linggo. Oo, tama sila pokpok nga ang Nanay ko. Dumiretso ako sa loob ng bahay, naabutan ko mga kapatid kong nanood ng tv bale lima kaming lahat at yung isa ay may sakit sa puso. Hindi ko napigilang mapaluha dahil naaawa ako sa mga kapatid ko na hinuhusgahan rin ng mga tao. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang may humigit sa kamay ko at pagtingin ko ay si Mama.
"Pasensya ka na anak ha? Wala kasi akong ibang choice kundi ang gawin to. Gustuhin ko mang maghanap ng matinong trabaho pero kapag nalalaman nilang dati akong GRO gusto nilang akong maghubad o di naman kaya hindi nila ako tatanggapin." tsaka nya hinawakan ang dalawa kong kamay ng mahigpit.
"Anak, may sakit pa sa puso ang kapatid mo. At alam kong nahihirapan ka dahil sa panghuhusga nila sayo at sa mga kapatid mo pero tandaan mo to anak ginagawa ko to para sa inyo at ayus lang sa akin to makapagtapos lang kayo sa pag-aaral nyo at magkaroon ng magandang buhay." ngumiti sya sa akin na para bang ayus lang talaga ang lahat kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit at humagulgol ng iyak. Pangako Nay magtatapos ako.
__M🌑
YOU ARE READING
Short Stories
RandomThis just some short Stories that I made. Hope you'll like it or i will like you!! Charoot!!