Chapter 26 (LQ?)

5 0 0
                                    


Justine's POV:

Cleaners si Joy ngayon.Hinihintay ko pa siya at problema ko kung paano ako makakalabas.Nasa labas si Jess,sa tapat lang ng pintuan.

"Joy dalian mo diyan.Lintek ka pumapasok na yung mga susunod na magro-room oh." Aniko sakanya nang nakita kung pumapasok na yung ibang Grade 12 dito sa room.

Tumalikod ako,baka makita ako ni Jess.

Ang bagal magwalis nitong babaeng 'to.Nakakainis.Iiwanan ko 'to.

"Justine..." ani nang nasa likod ko.

Napapikit naman ako at umiwas para makadaan siya.

Ilang sandali pa,hindi pa siya dumaan.Letche.Akala ko ba dadaan 'to.Nasa likod ko parin siya.

"Mag-usap naman tayo oh." Aniya.

"Ano?" Ani ko.

"I said,let's talk." Aniya.

Nakacomplete uniform siya ngayon.Blouse check,slacks na bakat pwet check at black shoes pak na pak.

"Alam ko,nakakaintindi naman akong tagalog e.." palakang 'to.qiqil moq bH3s.

"..ibig kong sabihin,anong pag-uusapan natin?Business Proposal? Surv--" ani ko.

Pinutol ako bastos talaga tong Vargas na 'to.

"Justine,ano ba."aniya na mukhang naiinis pa.Kapal moks mga dai.

"Tch..kung ano man yang pag-uusapan nating walang kwenta.Sorry,i don't have time for that and i'm not interested,Vargas." Aniko nang diretso sakanya.Tapos hila kay Joy.

"..let's go." Ani ko kay Joy at nilampasan si Jess.

"Di ako sasabay ngayon ah." Ani ni Joy nang nakalayo na kami sa room

"Ah sige." Aniko.

"..san ka pupunta?" Tanong ko kay Joy.

"Sabay kami ng pinsan ko,may pupuntahan pa kami." Aniya.Tumango naman ako.Nagpaiwan na siya sa tapat ng puno.Nauna na akong naglakad.

Nakasalubong ko yung tatlo sa may malapit sa gate.Pupunta daw kaming mall ngayon.Nagpapasa sila,bibili daw silang heels.

"Sa loob ako ah." Aniko nang papalapit na kami sa tricycle.Tumakbo naman agad ako sa loob.Nag-unahan yung tatlo sa pagpasok.Ang ending sa likod si Margie.Katabi ko si Aira,sa maliit na upuan  naman si Lia.

Pagdating namin sa mall.Pagkapasok na pagkapasok namin nakasalubong ko yung babae na pamilyar sakin.

San ko na nga ba 'to nakita?

Nagulat ako nung naagtama paningin namin ay nginitian niya ako.Ngumiti na lang din ako.
Hinila naman ako nang mga kasama ko papasok sa isang shop.

Puro heels ang naroon.

Nakaupo yung tatlo sa harap nang salamin at nagsusukat.Ako naman umiikot ikot tinitignan yung mga magagandang takong.Ang ganda nang mga style.Parang mga latest design.

Lumapit na ako sa tatlo.

"Bibili kayong lahat?" Tanong ko sakanila.

"Oo..ikaw?" Tanong saakin ni Aira.

"Bukas na siguro,kasabay ng gown." Aniko.

Nakapili na yung tatlo.Inabot na nung saleslady yung box nang heels na binili nila.Lumabas na kami roon.

"Uwi na tayo?" Tanong naman ni Margie nang nakalabas kami ng shop.

"Kain muna kaya tayo..nagugutom na ako." Ani naman ni Lia.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now