[21]: Dumpling is Love ♥

270 7 0
                                    

[XAVIER's POV]

Magkakilala pala sila ni Mom? Paano? Ang alam lang naman ng pamilya ko na si Leigh ang unang girlfriend ko.

"Hi Xander. Long time no see huh?" saka siya ngumiti ng malapad. Gusto niya bang idisplay ang ngipin niya? Kasi may kakilaka akong endorser ng toothpaste. Baka gusto niyang mag-apply.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot saka ko tinuon ulit ang pansin ko sa pagkain.

"By the way iho, siya nga pala ang fiance mo."

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Mom. *cough* *cough* "No. Iisang babae lang ang mamahalin at pakakasalan ko."

"That girl? Are you insane Xander? Kahit mayaman sila, hinding-hindi ko siya magugustuhan for you."

"Bakit Mom? Ikaw ba ang teacher ng puso ko? Hindi mo pwedeng diktahan ang pusong nagmamahal."

Yumuko nalang ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. First love ko siya, oo, pero totoy days pa ako non. Sigiro minahal ko siya because she's always there for me. Noong binubully ako lagi sa school. Siya yung nagliligtas sa'kin.

"Aly, do you know about this?" tanong ko sa kanya. Inangat niya ang mukha niya.

"Yes Xander. Ako ang nanghingi ng pabor sa Mommy mo. Noong, umalis kami ng US, namiss kita sobra. Ang lungkot-lungkot dun sa Europe. Gustung-gusto kitang makita pero pinagbawalan ako nina Dad." naiiyak niyang sabi.

Kung tatanungin niyo ako, wala akong nararamdamang pangungulila sa kanya. Kasi may isang Leigh Violet Garcia na hindi ako iniwan through ups and downs.

"This conversation is over Mom. If you'll excuse me, uuwi na ako dahil may gagawin pa akong importante. Bye." saka ako tumayo at naglakad palayo. Hindi naman ako pinigilan ni Mom. Sanay sa siya sa rude attitude ko.

*

*

[CHARLES' POV]

Tinutulungan ko si Leigh gumawa ng dumplings. Ang kukulit nga ni Jace at Ava eh.

Sabi nila tutulong daw silang dalawa. Pero yung gawa nila, ayun kasing pangit ng mga mukha nila. Sumasakit na nga siguro 'tong tiyan ni Leigh kakatawa sa dalawa.

"Magsitigil na nga kayong dalawa. Hindi tayo matatapos ng maaga nito eh. Mag-aalas 7 na ng gabi oh!" sigaw ni Leigh sa dalawa. Ayun natahimik rin.

*

*

"Charles, ayusin mo yung pagkakalagay mo. Baka mahilaw yan." kanina pa niya ako sinisermonan ah. Meron ba siya ngayon at iritado siya?

Inayos ko nalang yung pagkakalagay. "Sam, ok na ba 'to? Kasi ayoko nang makarinig nang isa pang sermon galing sa'yo." sinamaan lang niya ako ng tingin. Kaya lumapit siya sa may gawi ko at tinignan ang pagkakaayos ng mga dumplings.

"Ok na yan." at tinapik niya ang balikat ko with matching thumbs up pa. Bakit nga ulit nandito si Sam? Ahh, oo nga pala. Uminom siya ng tubig kanina. Kaya tumulong na rin siya.

Tinakpan ko nalang yung dumplings. *sigh* maghihintay pa kami.

*

*

[AUSTIN's POV]

"Ash, oy, pansinin mo naman ako." Galit ba siya sa'kin? Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawa na ikaiinit ng mala mayon volcano niyang ulo.

Umupo nalang ako sa tabi niya. Tumagilid ako at tinignan siya na nakaside view. Tutok na tutok siya sa pinapanood namin. Busy kasi yung iba sa paggawa ng dumplings.

"Juice brad oh." tapik sa'kin Tristan sabay abot ng orange juice. Kinuha ko nalang saka siya umupo sa sahig at nakinuod na rin.

*

*

"Ito na yung dumplings oh. Dito na tayo kumain. Para makapanood na rin ako. Hehe!" -Harper

"Manonood ka lang pala eh. Akin na lang yung dumplings mo? ^_^" -Dylan

Ayun, sinubuan siya ni Harper ng dumplings. Haha, sinabay yung dalawang dumplings sa bibig ni Dylan. Yung katabi ko? Grabe makafocus sa movie na pinapanood namin. Inabutan ko lang siya ng isang dumpling, wala pang ilang segundo kinuha niya ito habang yung mata niya nakatuon pa rin sa pinapanood. Grabe siya ah.

Sinubukan kong subuan siya and to my suprise kinain niya ito. Pero yung mata nasa TV pa rin. Maihagis nga yang TV na yan sa labas. Tch.

*

*

[TRISTAN's POV]

"Say ahh! *chuckle*" napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita, si Chloe pala na may hawak na dumplings at sinububo sa'kin. Ngumiti muna ako saka kinain yung binigay niya. Pumapalakpak siya sa tuwa. Ang cute talaga niya. :)

Hinati ko yung isang dumpling ko at sinubo kay Chloe. Nakangiti pa rin siya kahit puno yung baba niya.

"Yung mga laggam oh, nag-aalisan na." sabi ni Seb na nakaturo sa may sahig. At ako naman 'tong si Mr. Tanga, tinignan ko rin kung may mga langgam ba talaga. Pero sa kasamaang palad, wal pong langgam! -___-

Tawa lang ng tawa si Seb. Poker face lang akong nakatingin sa kaya sabay subo ng dumpling. Humanda ka sa'kin Valdez pag nakataon.

*

*

[HUNTER's POV]

Nakakaumay silang lahat!! >__< nasusuka akong nakatingin sa kanila. Wala ba silang mga kamay?

(Miss V: Palakpakan tayo! May mga kamay kami Hunter.)

Ginagago mo ba ako Miss V? Kasi parang effective eh.

(Miss V: -______-")

Psh. Pero seryoso nga? Di ba pwedeng kamay nila gamitin nila pangsubo ng dumpling?

Sinabay ko nalang ng subo yung dalawang dumpling na natitira sa plato ko.

*booogssshhh!"

Napatingin kaming lahat sa front door kung napano na. Si Xander pala.

Sinusundan namin siya ng tingin. Papalapit siya sa kinaroroonan namin.

"Babe, come with me." magsasalita pa sana si Leigh pero nahila na siya ni Xander papunta sa kwarto nila. Nakasunod pa rin ang mata namin sa kanila. Nakatulala.

Ano kayang meron?

-----------

A/N: Puro POV ng boys ngayon ah? ^_^ Naisipan ko lang yung title. Kasi masarap kumain ng dumplings eh.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon