HANGAD

16 0 0
                                    


Note: Short story lang po ito at sana magustuhan nyo :)

A/N : Madaming typo error sana maunawaan at unawain nyo po dahil di ko na magawang i-edit tenkssss 😘

ps: inspired ito sa isang kanta sana magustuhan nyo

————————————————————————————————————————

Ako si Daniel o ang tawag sakin ng aking pamilya at mga nakakakilala ay Danny, 16 years old na ako, maputi na maputla ang balat ko. Hindi kasi ako naarawan dahil hindi ako madalas nalabas ng bahay at higit sa lahat ay payat ako. Hindi naman sa payat na parang butot balat na sakto lang para sakin.

May kaya ang pamilya namin dahil ang mga magulang ko ay mga professional, si mama ay Nurse at papa naman ay Engineer, may katulong din kami sa bahay pero hindi naman ako maluho tulad ng ibang bata dyan. Mag isa lang din akong anak ng aking mga magulang kaya pag ganyang busy sila sa trabaho ay madalas magisa lang ako o minsan si ate Anna ang kausap ko, yung yaya namin.
Mabait siya at kasundo ko siguro dahil sa laging kami ang madalas magkasama sa bahay.

Hindi ako napasok sa regular na school dahil sakitin ako. Homebased ako nag aaral kaya kahit na naiinggit ako sa iba na normal napasok sa school hindi ko na lang masyadong iniinda. Nasanay na ko.

May kaibigan ako dito sa lugar namin, kapit bahay lang namin. Si Jerome kasing edad ko lang din mas matangkad siya, maganda katawan parang mas matanda na siya sakin pero may istura actually gwapo kung sabihin ng iba. Pero siya sa normal school nag aaral,mahilig mag basketball kaya maganda ang katawan. Pero sa dami ng nagkakagusto sa kaniya wala akong nababalitaan na nag ka gf na siya. Ewan ko ba dyan pag tinatanong ko kung may nagugustuhan siya sinasabi nya naman na marami pero isa lang daw ang gusto niyang maging syota, pero laging sinasabi na secret daw.

Minsan nga inasar ko na baka bading siya pero ang ending ayun hindi ako kinibo lang isang linggo. Parang babae na gusto sinusuyo kalaking tao haha. Pero sa totoo lang hindi ko din maamin sa kanya na ako ang may gusto sa kanya. Natatakot kasi ako na baka pag malaman niya ay layuan niya ako. Siya lang kasi ang kaibigan ko simula noon kaya imbis na umamin ay kinimkim ko na lang. Mas mahalaga pa din ang pagkakaibigan namin.

............

Sa sobrang close namin nyan halos araw araw nasa bahay, after school derecho na sa bahay para makipag laro, hilig kasi niyan maglaro ng Xbox wala daw kasi siya non kaya ayun siya na halos lumuma ng lauran na yun.

Pag weekends naman syempre buong maghapon asa bahay namin, parang anak na din ang turing nila mama sa kaniya siguro naisip nila na isang anak lang ako kaya natutuwa silang mag kaibigan ako.

Pati sa pagtulog magkatabi din kami niyan lagi ako niyayakap, lagi niyang sinasabi na parang baby bunso nya daw ako, parehas kasi kaming only child. Sa mga ganung pagkakataon lubos naman ako natutuwa kaya habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pag tingin ko sa kanya.

Pero sumagi na din sa isip ko na kailangan kong limitahan ang nararamdaman ko sa kanya baka masaktan lang ako sa huli o magkasakitan lang kami pareho at ayun ang hindi ko kaya.

.......

Isang umaga sinabi niya sa akin na samahan ko siya may liga daw kasi maglalaro siya ng basketball. Ako naman si supportive bestfriend ayun todo support, pati mga gamit niya pamalit, inumin at pag punas ay bitbit ko. Sinabi ko nga daig ko pa ang supportive gf sa ginagawa ko at tinawanan niya lang ako sabay yakap.

Ayan sa isa sa mga bagay kung bakit ko siya nagustuhan, mahilig yumakap kasi asa labas kami. Lagi niya lang sinasabi sakin pag sinasaway ko yan na nakakahiya ay wala silang pakielam. Kahit na nagsusungit ako deep inside kinikilig talaga ako.

Hangad (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon