Dedicated to my another Favorite Authorsha_sha0808
Note: there will be grammatical errors and typos that you will read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.
ILANG oras ang lumipas, dahil maganda ang araw ni Eunice ay madali lang siya nakakapagtrabaho lahat ng costumer nila ay nakakatanggap sa kanya ng kaaya-ayang ngiti mula sa kanya. Napalis lang iyon nang makita niyang may kausap ang kanyang kabigan na si Aneth na isang babae si Alice iyon alam niya kahit nakatalikod ito sa kanya kilalang-kilala na niya. Iniwan niya ang kanyang ina at inabilihin ang isang inorder ng isang costumer na inasikaso naman nito kaya agad siyang lumapit sa dalawa.
"Pakinggan mo lang ako bago mo paalisin ako," sabi ni Alice ng makita nitong malapit nasiya sa puwesto ng dalawa.
"Payagan mo na magsalita siyang Aneth." sabi niya sa kaibigan."Hindi wala akong tiwala sa kanya," ngunit ayaw ni Aneth dahil tumutol ito.
"Alice, magsalita ka na pakiusap at ano ang tungkol sa inyo ni Andrew?" seryosong tanong ni Eunice kaya wala ng nagawa kundi hayaan ni Aneth na magsalita na lang si Alice. Ngumiti si Alice bago ito nagsalita; "Salamat sa pagpapahintulot mo sa akin na magsasalita, sinabi ko sa iyo at si Andrew ay isang masamang tao ngunit, iginiit mo na hindi ganoon si Andrew, alam mo ba ng kaarawan niya ay alam niyang 'di ka marunong uminom kaya nalasing ka kaya hindi ka niya tinutulan dahil sinadya niya na malasing ka upang makatulog ka, at nagkunwari siyang lasing na para iyon ang maalala mo kinabukasan at alam mo ba ang ginawa niya habang nakatulog ka na sa sobrang kalasingan? Hinikayat niya ako makipagkita sa kanya sa silid niya at may nagyari sa amin. Heto para maniwala ka tingnan mo ito." At ipinakita nito sa kanila ni Aneth ang mga larawan. Nanginginig si Eunice habang inaabot at tinitingnan niyang maigi ang mga litrato hindi siya makapaniwala sa mga litratong nakikita.
Sinampal ni Aneth si Alice ng makita din niya ang mga litrato na iyon. "Napaka baboy mo, sinong matinong babae ang mag papakuha nang mga ganyang larawan sa iyong sarili at ipinakita mo pa sa amin, ah? Ngayon umalis ka na rito bago pa kita makaladkad palabas ng restuwran na ito," galit na galit na sabi ni Aneth kay Alice.
Tumanggi si Alice na umalis, hinihintay niyang magsalita si Eunice, ngunit itinulak ni Aneth si Alice.
"Tama na!" sigaw ni Aneth at itinulak ulit niya si Alice. Sinubukan ni Alice na maghiganti ngunit pinipigilan na ito ng mga service crew nila.
"Ayokong makita kang muli dito simula ngayon sa restawran na ito." dinuro niya si Alice habang umiiyak si Eunice. Itinapon ni Aneth ang mga larawan kay Alice na kuha sa cellphone nito. Ngumiti lang na nakakaluko si Alice bago kinuha ang cellphone niya at sumama na lang sa mga guardia na ipinasama ng dalawang crew nina Eunice.
Napa-upo si Eunice habang umiiyak matapos makaalis ni Alice. Nagtataka naman ang kanyang ina kong bakit ang masayang kanina niyang anak ay ngayon ay umiiyak na. Ipinaliwanag niya ang lahat sa kanyang ina ang lahat ng naganap kanina dahil sa ikuweninto ng anak niya ay galit na galit ito pero wala naman siyang magawa dahil nasasaktan na ang damdamin ng kanyang anak.
ANDREW
Nakaramdam ako ng pagod matapos kong ihatid si Eunice sa kanilang bahay hinintay ko pa siya dahil inihatid ko rin siya sa restawran ng kanyang ina. Napagpasyahan kong magpahinga muna dahil medyo may tama pa ako ng espiristo ng alak kagabi. Mamaya ko na lang siyang hapon pupuntahan upang dadalawin siya sa restawran. Iimbitahin ko rin kasi siya na mag didinner kami mamayang gabi. Bago ako magpahinga ay tumawag ako doon sa paborito kong hotel and restaurant sa may Makati. Pagkalipas ng anim na oras ay naalimpungatan ako dahil sa alarm na sinet up ko kanina bago matulog. Alas tress na ng hapon kaya dali-dali akong naligo at nagbihis upang puntahan na si Eunice sa restawran. Pagdating ko ng restauran ay madami pa ang mga kumakain kaya medyo busy din pala si Eunice dahil hindi niya ako napansin matapos kong maka-upo sa dati kong puwisto kung saan kami dati nagkatitigan ni Eunice at nagkakilala. Nakita ako ni Aneth at seryoso niya akong tiningnan, dumiretso ito sa akin nang hindi nakangiti.
"Anong ginagawa mo dito? Matapos mong gumawa ng kababuyan ang kapal din ng mukha mong magpakita pa rito, sabi na nga ba at walang magandang maidudulot ka sa bestfriend ko, How dare you to do that to my bestfriend." nagpupuyapos sa galit na sabi niya.
I'm confused! "What are you talking about?" I ask here.
"Oh, nagpapanggap kang parang wala kang alam." si Aneth.
Seryoso ako naguguluhan "Anong ibig mong sabihin, hindi ko talaga alam kung ano ang pinag-sasabi mo." ulit ko dito.
Walang pasabi itong umalis at pag balik nito ay may ipinakita ito sa akin, isang cellphone at itinapat ito ng malapit sa aking mukha, ipinakita niya sa akin ang mga larawan ko na nakahubad at nakapatong sa akin si Alice. Lumaki ang mga mata kong napatingin kay Aneth.
"Aneth wala akong alam tungkol dito, maniwala ka." lutang na sabi ko sa kanya.
Dumating agad Eunice at galit ding nagsalita. "Ginawa mo akong tanga, pinagkatiwalaan kita, sabi ko baka nagbago kana. Kaya binigyan kita ng pagkakataon na maipakita mo sa akin ang pagmamahal mo, hindi ko na isip ang mga nakaraan mo dahil mahal na mahal na kita. Pero bakit ganoon Andrew? Kaninang umaga pa lang tayo nag umpisa, sinira mo na agad hindi mo man lang pina-abot ng ilang buwan or taon ang pagiibigan natin." Ang kanyang mga salita ay malinaw kahit namamaos na siya kaiiyak.
"Paniwalaan mo ako, Eunice. Hindi ko alam tungkol d'yan maniwala ka, mahal kita Eunice lahat ng nakaraan ko ibinaon ko na sa limot simula nang makilala kita, galit lang sila sa akin kaya nila sinisiraan ako sa iyo. Please belive me i say the truth knowing with God. I swear."
"Idon't know kong paniniwalaan pa kita, pero ito na ang ebedinsya mag sisinungaling ka pa. I hate you and I don't want to see your face, again." aniya at naglakad palabas ng restawran na iwan kami ni Aneth.
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha, hindi ko makakaya kung mawawala sa akin si Eunice. Palaisipan sa akin kong bakit nagawa ni Alice ang mga ito. Alam ko na ang motibo ni Alice, ngunit akala ko okay na kami?" Naikuyom ko ang mga kamao ko, dahil sa sobrang galit at pagkasawi.
"Narinig mo siya, umalis ka na dito." galit na galit pa iyon sa iyo sa susunod ka na lang na mga araw magpaliwanag sa kanya." Sabi ni Aneth hindi na ito mukhang galit sa akin ngunit napakaseryoso naman ng mukha nito hindi ko mabasa ang damdamin nito sa nagyari.
Lumuhod ako at nagmakaawa kay Aneth hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako sa harapan nito, wala akong pakialam kung ano ang isipin ng mga tao dito sa loob ang gusto ko lang ay makahingi ng tulong sa kaibigan ni Eunice.
"Parang awa muna Aneth, magtiwala ka sa akin. Wala akong alam tungkol dito. Tulungan mo akong kumbinsihin si Eunice na maniwala siya sa akin,Please?" nagsusumamo kong saad dito.
"Wala ako sa posisyon para tumulong sa iyo, best friend ko ang nasaktan mo, pasensya na, sa palagay ko 'di kita matutulungan. Galit ako sa iyo at si Eunice ay matagal ko na siyang kaibigan at parang kapatid ko na siya. Kaya sorry, hindi kita matutulungan." pagkatapos niyang sabihin iyon ay tatalikuran na niya ako, kaya lang ay hinawakan ko siya sa kanyang braso.
"Pakiusap Aneth, Please help me!" umiiyak ko pa ring pakiusap ko sa kanya. Bumuntong hininga ito at hinila ako nito palabas nang restawran.
SAMANTALA natapos na ni Alice ang kanyang misyon niya, natutuwa siya dahil sa pamamagitan ni Alvin makakaganti na rin siya kay Andrew. Kailangan niya pa ito para mapasakanya si Andrew. Tuloy ang ikalawang plano niya pero sa pagkakataon na nito ay para na lang sa kanya iyon. Nakangising demonyo ito habang pinagmamasdan niya si Andrew na hila-hila ni Aneth.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
What If I'm Loving YOU- COMPLETE (edit version)
RomancePocketbook version feels in wattpad Title : What if I'm Loving YOU (Andrew+Eunice)story Genre: Romance Start Writen: October 05,2019 Finish Written: November 11,2019 Eunice Tailor, isang maganda at inosenteng babae, makakakuha nang atinsyon sa isa...