Chapter 5

27 3 2
                                    

Her First Kiss

Nagising ako ng maaga, kumain, nagbihis at pumasok sa school. Kaya eto ako ngayon naglalakad sa corridor papasok sa room namin ng lutang ewan ko ba kung bakit ako lutang ngayon baka siguro puyat lang ako kagabi kakaisip sa mga nangyari.

Natauhan lang ako ng biglang may tumapik sa likod ko, "Hoy! Bakit ang bagal mo maglakad? Tapos may pahinto hinto ka pa jan? Hala! Sige ka mauntog ka jan!" Si Sammy pala. "Tsk lutang!" Sabi niya pa.

Napabuntong hininga lang ako sa sinabi niya pero bigla nanaman niya akong tinapik kaya sinamaan ko na siya ng tingin. "Tsk! Oh ano problema natin at bakit ka lutang?" Taas kilay niyang tanong. Bwiset to sarap ahitan ng kilay!

"Iniisip ko kasi kung bakit ang ganda ganda ko naman pero hindi ako magustuhan ng bias ko." I lied dahil hindi naman talaga yun ang iniisip ko kanina pero minsan iniisip ko din yan bakit di ako gusto ng bias ko? Bakit parang hindi kami o ako nag eexist sakanila? Lol HAHAHA."Tsaka iniisip ko kung gutom ba ang BTS? O baka ginutom sila ni manong BIGHIT charot HAHAHAHA," Dagdag ko sabay tawa.

"Tangek hindi ka gusto ng bias mong si J-Hope kasi ako ang gusto ng bias mo, mang aagaw ka lang talaga ng asawa! Tsaka hindi niya kasi alam na nag eexist ka kaya di ka niya gusto!" Sigaw niya sakin. "At tsaka  baket mo naman natanong kung gutom ba ang BTS o kung ginugutom ba sila ni manong BIGHIT? Aber?!" Mataray niyang dagdag.

"Eh kasi tignan mo ha, si Jungkook  kinanta Samgyeopsal tapos si J-Hope kumanta ng Chicken Noodle Soup kaya naisip ko hindi kaya gutom sila? Tapos siguro sunod si Suga na tapos ang kakantahin niya Kimchi tapos si Jimin kakantahin naman niya Lachimolala tapos si V Bibimbap tapos si RM Tteokbokki tapos si Jin Spicy Noodl---Aray ano ba!" Naphinto ako sa pag sasalita nung bigla niya akong batukan.

"Ulok para kang tanga bahalakajan! Adik ampota!" Sabay iwan niya sakin kaya agad ko siyang hinabol.

"Hoy hintayin moko! Pwede naman yun diba?!" Sigaw ko sakanya kaya binilisan niya pa ang paglalakad niya, dahil sa sobrang bilis niyang maglakad ay muntik pa siyang madapa kaya nagpigil nalang ako ng tawa, tumakbo nalang ako para maabutan siya.

"Oy wait!" Sigaw ko ulit.

Bigla siyang huminto para intayin ako at tsaka niya ako sinamaan ng tingin nung mapansin niya na nagpipigil ako ng tawa. "Dalian mo jan! Malelate na tayo oh!" Sabay tingin niya sa wristwatch niya, kaya ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil parang wala lang sakanya yung kamuntikan siyang madapa.

Pumasok na kami sa aming classroom at kasunod nun ay ang pag pasok ng aming unang lecturer. Mukhang hindi siya pamilyar sakin.

"Okay, Good morning class!" Bati niya saamin.

"Good morning Mrs. Mayonila." Tugon nila. Nila lang dahil hindi ko nga siya kilala hehehehe.

"Okay I don't want to see any piece of paper under your chair so check it out!" Strikto ngunit maarte niyang sabi kaya agad na nagsitinginan ang aking mga kaklase sa ilalim ng upuan nila, ako hindi na kailangan dahil wala namang kalat. "Okay you may all have your seat," Sabi niya nang masiguro niyang wala ng kalat at agad na bumaling saakin. "Ow, are you the newbie?" Tanong niya saakin.

"Yes Mrs. Mayonila I am," Sagot ko sakanya.

"Can you please go here in front and introduce yourself?" Nakangiti niyang tanong.

Hindi ko na siya sinagot kaya pumunta nalang ako sa harapan at nag pakilala. "Good morning everyone! I'm Kiana Grace Fumiya." Pagpapakilala ko.

"It's that's all Ms. Fumiya?" Taas kilay niyang tanong.

"Yes Maam." Sagot ko.

"Okay you can take your seat now." Agad na muwestra  niya sa upuan ko kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. "Okay, Ms. Fumiya, I'm Mrs. Rosario Mayonila your English Teacher." Pagpapakilala niya. Pagkatapos niya magpakilala ay nagdiscuss lang siya ng nag discuss hanggang sa matapos siya at mag dismiss.

Matapos niyang mag klase ay tumayo na ako para kuhain ang aking bag at pumunta na sa next subject ko. Pag first subject kasi magkakaklase kaming lahat pero pag sa ibang subject na nagkakahiwahiwalay na kami dahil magkakaiba  kami ng mga lecturers.

"Bakit ganun ka mag introduce kanina? Buti hindi ka binulyawan nun, masungit pa naman yun terror yung matangdang yun eh." Biglang pagsulpot ni Sammy. Mukha nga psh!

"Bakit hindi ba introduce yun? Paanong introduce ba gusto niya? Yung ikukwento ko pa talambuhay ko sa harap niya?" Inosente kong tanong sakanya kaya napasapo nalang siya sa mukha niya.

Bigla nalang niya akong binatukan, "Ewan ko sayo! Engot!" Sigaw niya saakin tsaka tinapik ako sa likod, "Kitakits nalang sa cafeteria mamaya mwuah!" Paalam niya sabay halik sa pisngi ko kaya agad ko itong pinunasan.

"Yuck!" Sigaw ko sakanya habang naglalakad na siya palayo at itinaas nalang niya ang kanang kamay niya para mag paalam.

Nagdaan ang ilang oras at break time na namin. Naglalakad ako dito sa corridor ng makita ko si Sammy na papalapit saakin at natanaw ko naman si Greg na nakasandal sa dingding mg corridor at nakangiti saakin kaya ginantihan ko nalang din siya ng ngiti.

Nung malalagpasan ko na sana siya ay bigla na lang niya ako pinatid dahilan para mawalan ako ng balanse, at madadapa na sana ako ngunit may bigla nalang sumalo sakin, ngunit nung pagkasalo niya saakin ay kasabay nun ay bigla na lamang kaming sabay na nahulog at pagkahulog namin ay sabay kaming bumagsak at... at...at...May naramdaman nalang ako na malambot na labi sa labi ko. Shit!

Literal na nanlaki ang aking mata sa nangyari at lalong nanlaki ang mga mata ko nung malaman ko kung sino ang aking nahalikan at habang nakatingin ako sakanya ay nakita ko ring nanlaki ang mga mata niya.

N-Nahalikan ko siya?! I-Ibig sabihin siya ang f-first kiss ko?!




(A/N): Natatawa talaga ako sa update ko ngayon HAHAHAHAHAHA by the way, thankyou po sa mga nag votes sa previous chapter thankyou po sa support hehehehehe sana mag vote din po kayo dito hehehehe lovelots 😍💜

How They Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon