Chapter 18

1.3K 17 4
                                    

Chapter 18:
Disguise

Stephanie's Point of View

"K-kyzer! Hindi kita ginagago!"

"So anong tawag mo diyan sa mga litratong 'yan?"

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya?

"W-we're j-just-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Jerson.

"We're just friends. Nagkakilala na kami dati pa." Sabi ni Jerson.

"Ikaw ba si Stephanie? 'Wag kang sumabat kung hindi ka kasali sa usapan!" Sarkastikong wika ng aking asawa saka binalik niya sa akin ang kanyang tingin. "Magkaibigan lang?" Seryosong tanong niya.

"Oo!" Wika ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"D-dahil a-alam kong pagseselosan mo siya."

"Mas pagseselosan ko siya dahil inilihim mo siya sa akin Stephanie!" Wika niya.

At ano namang tawag dun sa halikan niyo ni Ashleen? Tangina ka! Kung pwede ko lang itanong sa 'yo 'yan. Kung pwede lang talaga. Dahil kung itatanog ko iyan sa 'yo, mas lalo lang tayong mag-aaway.

"Ano bang sinabi sa iyo ni Ashleen, Kyzer?" Tanong ko.

"W-wala." Nauutal niyang sagot.

"Wala nga ba talaga? Asawa mo ako! Dapat alam ko ang lahat!"

"Ikaw ba! Alam ko na ba ang lahat tungkol sa 'yo, Stephanie? Si Jerson lang ba ang lalaking inililihim mo sa akin? O marami pa. Ilan sila, Stephanie! Ilan silang kabit mo!"

Isang malakas na sampal ang natamo niya sa akin. Ikaw pa talaga ang nagasabing may kabit ha!

"Kung sino man ang may kabit sa atin dito, ikaw 'yon. Hindi ako." Matigas kong wika saka naglakad na papasok ng subdivision.

Iniwan ko silang dalawa. Bahala na sila kung magpatayan sila doon. Wala akong pakealam!

Pagkarating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Kyzer at inilagay ko ang aking mga damit sa maleta.

Lalalabas na sana ako ng kwarto pero hinarangan ni Kyzer ang pinto.

"Saan ka pupunta? Bakit ka may dalang maleta? Aalis ka? Pupunta ka sa kabit mo? Ano!" Pasigaw niyang wika.

"Huwag mong ilipat sa akin ang kalokohang ginagawa mo! Akala mo ba, hindi ko alam? Akala mo ba na hindi ko alam na may relasyon kayo ni Ashleen? 'Wag mo akong itulad sa 'yo dahil hindi ako cheater katulad mo!" Wika ko saka itinulak siya paatras dahilan kung bakit nakalabas ako ng kwarto.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang nalaman ko tungkol sa kanya at sa sikretarya niya.

Sumusobra na kasi siya!

"Stephanie! Wala kaming relasyon ni Ashleen!" Wika niya dahilan kung bakit napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Wag mo nang i-deny pa. Kitang-kita kong naghalikan kayo ni Ashleen sa dalampasigan!" Sabi ko dahilan kung bakit nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Ha Kyzer?"

"H-hindi namin iyon sinasadya!" Aniya.

"Hindi nga ba?" Wika ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Teka, saan ako pupunta ngayon? Tangina naman Stephanie!

Ay! Doon kay Armando! Tama!

Si Armando ay gay best friend ko noong high school, until now. Pero madalang nalang kami nagkikita dahil sa busy schedules.

Nag-abang ako ng taxi sa labas ng subdivision at pumunta ako sa bar kung nasaan ang aking kotse. Nakuha ko na kasi ang duplicate ng susi nito kaya magagamit ko na ang kotse ko ulit.

Pagkarating ko sa bar, bumaba agad ako ng taxi at pinuntahan ko agad ang kotse ko.

Chineck ko muna ang labas ng sasakyan kung may sira. Meron kasing mga taong sumisira ng kotse para ibenta ang nakuha nilang parte ng sasakyan.

Thank God! Walang sira!

Pumasok na ako sa kotse at umalis na ako.

Malapit lang naman ang bahay ni Armando mula sa bar kaya hindi magkukulang ang natitirang gasolina sa aking car.

Pagkarating ko sa kanilang bahay, bumaba agad ako ng kotse at akmang kakatok na sana sa kanilang gate nang makarinig ako ng dalawang taong nagsisigawan sa loob, at ilang saglit lang, may lumabas na lalaki mula sa gate. Sumunod naman si Armando na sumilip lang sa gate.

"Wag na 'wag ka nang babalik dito ha! Bwiset ka! May asawa ka na pala putangina ka!" Pasigaw na wika ni Armando. Kumalma naman siya nang napansin niya ako sa labas ng gate. "S-stephanie! K-kanina ka pa?"

Nasa loob na kami ng bahay niya, nakaupo ako ngayon sa sofa.

"S-sino ang lalaking 'yon?" Bigla kong tanong.

"Ah, 'yon ba, jowa ko. Pinalayas ko na kasi may asawa na pala. Ginawa ako kabit ng putanginang lalaking 'yon. Ikaw? Bakit ka napasyal dito?"

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Umalis ako sa bahay."

"Alam ko." Aniya.

"Paano mo nalaman?"

"Kasi nandito ka. Malamang, umalis ka ng bahay niyo."

"Mando naman eh! Seryoso ako!"

"Charot lang, bakit ka umalis?"

"Nag-away kasi kami ng asawa ko. Nahuli ko kasi siya na may kabit."

"Alam mo, ang mga lalaki, kahit nahuli mo na o nakita mo na, igigiit pa rin nila 'yan hangga't wala kang sapat na ebidensya para tumikon iyang mga bibig nila! Katulad ng mga pictures, videos, o kahit anong ebidensya."

"So mag ha-hire pa ako ng espiya?"

"No! Ikaw mismo ang magiging espiya!"

"How?"

"Mag disguise ka."

"Hindi ako marunong mag makeup na pang disguise my dear."

"I'm here darling! Nakalimutan mo na ba na makeup artist itong friendship mo?"

"Edi gawin na natin."

Agad na sinimulan ni Armando ang pag makeup sa akin.

Pagkatapos ng isang oras, tapos na rin ang kanyang pagme-makeup sa akin.

"Ayan! Hindi ka na makikilala ng asawa mo!" Sabi niya saka hinarap na niya ako sa salamin.

Gosh, ibang iba na ang mukha ko!

Pinaliit niya ang mata ko, ang ilong ko mas pinatangos niya. Iba talaga ang nagagawa ng prosthetics.

"Good job friendship!"

"Thankie! Hindi mo na kailangan bayaran 'yan. Magkaibigan naman tayo."

"Salamat!"

"May damit ako diyan. Gamitin mo muna para hindi mahalata ng asawa mo na ikaw 'yan."

Nandito na ako ngayon sa loob ng company. Paano ako nakapasok? Simple lang. Hindi naman kasi strict ang guards namin dito, kaya kapag nakasuot ka lang ng dress tapos mumurahing shoulder bag, mapagkakamalan ka na nilang nagtatrabaho dito.

"Kabisaduhin mo muna ang lugar. Kahit kayo pa ang may-ari ng kompanyang 'yan, sabi mo nga hindi ka nagtatrabaho doon. Para kapag nagkabukohan, alam mo na ang lugar na iyong pagtataguan. Kasi ang pagdi-disguise, isang uri na 'yan ng pag-iispiya dipende sa sitwasyon. Hindi mo alam kung kailan ka mahuhuli kaya mabuti na ang maingat." Iyan ang sabi sa akin ni Armando kanina bago ako pumunta dito.

Nag ikot-ikot muna ako dito sa loob. My gosh, hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang kompanya namin.

Habang naglalakad ako, may nabangga akong isang lalaki.

Nilingon ko siya.

Si Kyzer!

"Miss, are you okay? Wait, parang kilala kita." Sabi niya.

Tangina! Ito na yata ang katapusan ko!

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon