Third Person Pov
Ngayong gabi na ang pinakahihintay na selebrasyon ng mga Blackirnie kung saan ipapakilala na ang mga bagong miyembro ng kanilang organisasyon.
Pero wala sa kanila ang nakakaalam na may isang taong mahalaga ang magbabalik at maraming pagbabago ang magaganap sa pagdating nito.
Mahigpit na seguridad sa buong mansion ang ipinakalat ni Mister Z sa kanyang mga tauhan. Sari-saring mga tao ang makakasalamuha sa loob ng mansyon na puno ng mga bigating bisita at mahahalata mong marangya ang pamumuhay.
Diwelle's Pov
Pagkababa ko sa sasakyan ay parang gusto na lang umuwi dahil sa mga taong halata mong mayayaman.Eh? Parang di naman ako nababagay dito.
" Lei, uwi na ko" bulong ko sa kanya
" What? Why? Is there any problem"? Tanong niya na may pagtataka
" Nakakahiya. Di ako sanay sa ganito tsaka puro mayayaman lang ang mga nandito." Sabi ko
" Hahaha. That's a no Diwelle. Did you forgot? You are already a member of Black Organization so you must attend this party." Mahabang lintaya niya
Napatango na lang ako as if naman na may choice pa ako. Tsaka bakit ba ngayon ko pa naisipang magback-out kung kelan naman na nandito na ako. Hayst.
" You two. Why are you still standing there?" Sabay kaming napalingon ni Lei kay Zillian na mukhang inip na at napailing na lang kaming dalawa.
Pagpasok pa lang namin sa entrance ay marami ang napalingon sa amin kaya napayuko ako at pumunta na sa mga destined chair namin. Hiwalay ang upuan ko kila Lei kasi nga new member ako.
Palinga-linga ako sa paligid at nang matapat ang paningin ko sa upuan
nila Trix na prenteng umiinom ng wine ay bigla akong nagtaka dahil wala doon si Zillian." Teka nasaan na ang isang yon?" Sabi ko
Binalewala ko na lang dahil baka nasa paligid lang at may ginagawa o baka nag-cr nagkibit- balikat na lang ako at inayos ang gown ko.
'Go Diwelle. You can do this. Ang gagawin mo lang ay haharap sa mga tao.Yun lang' Pangungumbinsi ko sa sarili.
A/N: Abangan nyo po ang sunod nito. Wala pa po kasi yung pinsan ko eh hehe. Abangan nyo po yung part 2 nitong Chapter 11. Thank you❤❤
Blackirnie
BINABASA MO ANG
Black Rose Subdivision (ON GOING)
Fiksi RemajaAng babaeng walang kaalam-alam sa kanilang lilipatang subdivision ay isa palang bangungot. Isang lugar na hindi mo nanaising mapuntahan ngunit s kanya ay kabaligtaran ang naging kanyang pananaw sa lugar. Ang lalaking walang pakialam sa kanyang pali...