Chapter 4: Classmates
Lance's POVNagaalala na ko. Dalawang araw na hindi nagigising si Ami. Dalawang araw na rin kaming walang pasok dahil nga doon sa nangyari. Nabalitaan ko nalang kasi sa mga kaibigan niya na naaksidente daw siya. Hindi nila maipaliwanag ang nangyari dahil masyado daw out-of-this-world yung nangyari. Ewan ko kung nagloloko ba o ano basta ang importante ay magising na si Ami.
"Umalis lang ako, ganto na nangyari sayo" bulong ko. Umalis talaga ako para maghanap ng part-time pero ito pala ang aabutan ko. Pangalawang araw palang namin doon, as transferee pa, nagkaganto na agad.
"Di ko na alam ang gagawin sayo" bulong ko ulit habang hinahawi ang kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Nagulat nalang ako ng gumalaw ito. Lumabas ako para tawagin yung mga kaibigan niya.
Ami's POV
Masakit sa mata. Nakakasilaw. Ano ba yan. Ng nakapagadjust ako ay mabilis kong inimulat ang aking nga mata.
"Ami! Kamusta ka!"
"Ey. Anong nangyari sayo, ha?"
"Umalis lang ako, anyare sayo?""A-anong nangyari?" tanong ko habang umubo sa kama. Inalalayan naman nila ako.
"Maynaalala ka ba? Do you still remember us?" tanong ni Sabine
"Tangek, malamang" natatawa kong sagot na ikinaluwag ng mukha nila.
Magsasalita pa sana sila ngunit maykumatok sa pintuan at pinagbuksan ito ni Lance. Pumasok ang tatlong pulis. Ano ginawa ko?
"Ami Vie Gutierrez, maari mo bang ikwento saamin ang mga nangyari nung nangyari ang insidenteng iyon?"
~
Matapos ang lahat ng mga tanong ay pinauwi muna ako ng paaralan upang makapagpahinga. Sabi nila dalawang araw na walang pasok dahil sisiguraduhin pa kung ligtas ito. Bukas daw ay meron na. Hindi ko nakwento sa mga pulis iyong sinabi ng dalawang lalaki saakin. Di pa yata sila naniwala nung sinabi kong may dalawang lalaki doon. Hayst. Nasa kwarto na si Lance habang ako ay nasa sarili ko namang kwarto.
So, hindi nga panaginip iyon? Their words is still stuck on my mind.
"We're the twins, might be opposite but the same. "
"Hindi ka nanamin papakawalan, Ami Vie Gutierrez. Dahil ikaw na ang nakatatak na pangalan sa misyon namin."
Give me creeps. Totoo pa yun? Normal pa ba yun? Aba, di na yata. Ano ba itong pinasok ko. Siguro wala naman na to' bukas. Sana.
~
Ginising ako ni Lance ng napaka-aga, kailangan niya na daw kasi ako isabay papuntang school. Baka daw kasi maymangyari ulit saakin na masama. Idadamay niya pa ko sa gising niya. Hayst.
"Masmasama na kulang sa tulog!" dahilan ko sakanya habang naglalakad kami.
"Tigil mo nga yang bibig mo, aga aga e. Nakakahiya." natatawa niyang sambit.
Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa school. Pumasok na kami at nagpaalam na si Lance dahil kailangan niya ng pumasok. Sinara ang entrance sa main lobby kaya inilipat muna panandalian ang office. Pumunta muna akong canteen kasi why not? Gutom na ako e. Nakita ko si Sabine tila kanina pa tumatakbo sa paligid.
"Ami!" sabi niya at niyakap ako.
"Hey." nakangiti namang sambit ni precious na parang pagod din. Ano bang ginawa ng mga to'?
"Hinanap ka namin sa buong school." hingal na sabi ni Sabine.
"Huh? Eh pano kung wala pa ko dito? Edi nagsayang lang kayo ng oras."
"Ano ka ba. What are bestfriends for?" napangiti naman ako sa sabi ni Sabine.
"Kumain kaya muna tayo. Nakakauhaw. Mamaya pa naman ang klase." rinig kong sabi ni Precious.
Sumang-ayon naman kami. Wala naman kaming masyadong kinuha. Tanging fries lang at juice. Naubos na nila yung juice nila pero hanggang ngayon ay lumalaklak parin sila ng tubig. Napangiti naman ako, di ko akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila.
"Ano. Masarap ba yung tubig?" natatawa kong sabi sakanila.
"Sobra" sabay nilang sagot.
Natawa ako at tumingin sa ibang tao na andito sa canteen. Medyo tumahimik simula noong nangyari iyon. Yung iba nga ay lumipat. Pero yung iba ay parang wala lang sakanila, either di nila naabutan or hindi sila natakot sa nangyari. Meron ding tumitingin tingin saakin dahil siguro alam nila ako yung matapang na pumasok doon. Pero hindi talaga, para lang akong hinila. Ang weird at mabigat sa pakiramdam noong pumasok ako.
Napatakip ako sa bibig ko ng nakakita ako ng dalawang lalaki sa maybandang dulo ng canteen. Imposible. Hindi. Hindi sila yon. Nabigla ako ng tumingin yung isa saakin, yung nakaputi noon. Ngumiti ito saakin at kinawayan pa ako. Hindi ko naman ito makawayan sa bigla ko. Napatingin din yung isa saakin yung nakapula noon. Napairap naman ito. Aba? Anong ginawa ko?
"Oy! Ami! Sa kawalan ka nanaman nakatingin." rinig kong sabi ni Sabine habang winawagayway iyong kamay niya sa mukha ko. Nung itinigil niya ito ay wala na yung dalawa sa pwesto nila kanina.
Ano nanaman ba nangyayari?
"Malapit na magsimula yung klase, tara na." rinig kong sabi ni precious kaya pumunta na kami sa room namin.
Nang makarating ang umupo na kami sa kaniya kaniyang upuan. Lutang parin ako dahil iniisip ko parin yung kanina. Natauhan din ako nung pumasok na si Sir Romulo. Adviser namin at first subject teacher.
"Okay class, Prepare to meet the new students." napataas naman kilay ko. Sino naman? Nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Sabine. Nagsimula ng magbulungan ang lahat.
"Students daw. So di lang isa?!"
"Sana lalaki tapos gwapo"
"Sana babae tapos napakaganda"Hindi ako napakilala nung unang araw ko pa lamang dito. Nalate kasi si sir ng dating at nagmamadali maglesson dahil maymeeting pa. Kaya nung naghihintay kami sa next teacher ay pinakilala ako ni Sabine sa harap.
"Sana sa pangalawang araw din nila ay walang mangyaring masama." biro ni Sabine kaya napatawa ako.
Nagulat naman ako ng biglang pumasok iyong hindi ko inaasahang mga tao. Kung tao pa man din sila. Kinalibutan ako noong nakita ko silang nakatingin sila saakin. Hindi naman mapakali ang mga babae.
"Please inroduce, yourselves"
Parang biglang tumigil ang lahat at kaming tatlo lang ang nakakagalaw
"I'm Ziro. The angel and this is Leo. The devil" pagpapakilala nung isa habang nakatingin saakin. Di napigilan ng mga babae na tumili. At nakornihan naman yung mga lalaki sa pagpapakilala nila bilang Angel at Devil.
"Don't worry. We will give you happiness throughout your life" at doon na tuluyang tumigil ang lahat.
YOU ARE READING
NOT SO ORDINARY
Roman d'amourSiya si Ami. Hinahangad na maabot ang kanyang pangarap. Ngunit. Hindi niya alam na maydalawang lalaki na dadating sa buhay niya. Ang anghel at Ang demonyo. "We're the twins, might be opposite but the same. Andito kami upang pasayhin at sirain ang b...