Hello! Update ko na ulit :)
Salamat sa mga readers and fans na nagbasa at nag vote! Na-appreciate ko talaga yung walang sawa niyong pagbabasa nito. :’))
----------------------------------------------------------------------------
“A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous.”
“WHAT??!!! Ibig mong sabihin alam na niya?!” gulat na gulat na tanong nina Chandria sakin. Nandito kami ngayon sa girls locker room kasama sina Ann at Johanna. Walang taong pumupunta dito after dismissal kaya dito namin napagpasyahan mag-usap.
“Malamang!” sagot ko naman sa kanila.
“Eh, teka nga. Paano niya naman nalaman? Eh wala naman tayong pinagsabihan.” Napaisip ako sa sinabi ni Johanna. Oo nga no…Paano niya ba nalaman??
[Flashback]
“Kilala mo ba si Mara Schnittka?”
“Syempre naman, siya kaya ang bunsong anak ng mga Schnittka. Siya nga ngayon ang balita sa mga news, radios and newspapers.”
“Nakita mo na ba siya sa personal?” Ano ‘to? Imbestigador?!
“Hindi pa eh.”
“Pero alam mong bestfriend sila ng bestfriend mo?”
“Anong pinag-uusapan nyo dyan? Mukhang importante yata.” Napatanong si Sam.
“Wala naman. Tinanong ko lang naman kung kilala niya o nakita na ba niya si Mara. Eh diba? Bestfriend mo din yun Bernardo?” nakita kong mukhang naweirduhan din si Dria kay DJ.
BINABASA MO ANG
My Life In High School (On-Hold)
Novela Juvenilthis story is not about just love..its also about family, friendship and trust... ano kaya ang mangyayari kapag may nakaalam na sa tunay na pagkatao ni Julia Montes. Babalik pa rin ba sa dati ang lahat or will change something she never expect to c...