"Zy, kakain na daw " tawag sakin ni Ashlee. Tumango lang ako saka naglakad na palabas nang kwarto. Pagbaba ko nakaayos na ang hapag kainan. Ako na lang ata kulang eh nandito na silang tatlo eh."Yan lang muna niluto ko. Bukas na lang ako magluluto nang marami. Gabi na eh alam kong unti lang ang kakainin natin. " sabi ni kuya
"Maupo na kayo. Kain na tayo " dugtong ni kuya.
Pagkaupong pangkaupo namin nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang silang tatlo nagku kwentuhan.
Pagkatapos kumain, sila kuya at Ashlee na rin ang nagligpit. Sinisipag siguro silang dalawa.
Pumunta na lang kami ni Drake sa sala at nanuod nang TV. Tutok na tutok si Drake sa pinapanuod namin. Eh paank ba naman cartoons ang pinapanuod namin. Yun daw ang gusto niyang panuorin eh. Napailing na lang ako.
Maya maya lumabas na din sila kuya sa kusina na may dalang mansanas na nasa plato. Nilapag nila iyon sa center table at umupo din sa sofa.
Narinig ko ang pagtawa ni kuya kaya nilingon ko siya.
Nasa cellphone ni Ashlee ang mga mata nila. Pasimple kong sinilip ang pinapanuod nila. It's just a ramdom funny videos.
Sumandal ako sa sofa saka nanuod na lang balik.
Ilang oras kaming nanuod nang TV ni Drake hanggang sa nauna nang umakyat sila kuya sa kanya kanya nilamg kwarto.
Tinignan ko tong katabi ko. Tutok na tutok parin ang mata sa TV.
Tinapik ko siya kaya nilingon niya ako.
"Hindi ka pa ba inaantok? Anong oras na oh " sabi ko, napatingin naman siya sa wall clock na nada taas ng TV.
"It's eleven in the evening " sabi niya saka binalik ang tingin sa pinapanuod niya. Napailing na lang ako saka pumikit na lang. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, nagising na lang ako na nasa kwarto ko. Binuhat siguro ako ni Drake.
Tumayo ako at dumiretso sa cr para makapag linis ng katawan. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng shirt at pants. Ngayong umaga kami babalik ng Manila. May mga kailangan pa kaming mga aasikasuhin.
Napalingon agad ako sa pintuan nang bumukas yon.
"Akala ko tulog ka pa. Tatawagin na sana kita para makapag agahan na tayo. Nagluto ako ng agahan. " sabi ni kuya na nakahilig sa pintuan.
Tumango lang ako saka binalik ang suklay sa bag ko at sinuot ang salamin ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka lumabas ng kwarto bitbit ang bag at sapatos ko.
Pagbaba ko nilapag ko muna sa sala ang dala ko bago ako pumunta sa dinning area.
Pagpasok ko nakaupo na silang tatlo. Ako na lang ang iniintay. Agad akong umupo at nagsimula ng kumain. Habang kumakain kami, nag uusap sila kuya about business. Nakikisali naman si Ashlee kala mo naman may alam. Napangiti ako ng palihim sa naisip ko.
Pagkatapos kumain, nilinis namin kung ano ang mga dapat linis tsaka kami nag ayos para sa pag alis namin.
Bumalik silang tatlo sa mga kwarto nila habang ako nagsa sapatos na lang. Wala naman na akong naiwan sa kwarto na gamit lahat naman na nasa bag. Magsasapatos na lang naman ako.
Pagkatapos kong magsapatos saktong bumaba na din sila.
"Tara na " sabi ni kuya. Siya ang magda-drive ng kotse ni Drake. Ewan ko kung bakit. Pinag usapan na siguro nila kahapon kung sino magda drive.
Sa likod ako naupo kasama si Ash. Si Drake nasa tabi ni kuya na nagda-drive.
Habang nasa biyahe kami kanya kanya kami. Si Ash kumakain habang nanunuod ng movie sa cellphone niya. Si Drake naman kumakain ng chocolate chips.
YOU ARE READING
Cold Girl
Teen FictionZyrene Demonic Helton Also known as COLD GIRL Isang babaeng malamig pa sa Yelo. Naging malamig dahil Lang sa isang pangyayari. Maaari kaya ang isang Zyrene Demonic Helton ay magbago? O habang buhay na siyang magiging malamig