Chapter 35

941 29 21
                                    

Isang linggo ang lumipas bago ako nakalabas ng ospital..isang linggo akong nag-isip isip at unti unting isinisink in sa utak ko..ang realidad na naghihintay sa paglabas ko..isang linggo kong pilit na tinatanggap ang kakulangan na ngayon ay napunan sa pagkatao ko.isang linggo akong nangulila kay seth..isang linggo akong di makalapit sa kanya..isang linggo akong lumalaban at umaasa na imumulat nya ang mga mata nya.isang linggo akong umasa na isang araw ay makikita ko muli ang mg ngiti at tawa nya..

Dalawang linggo na ang lumipas.magaling na ang sugat sa ko sa kaliwang kamay ko..naghilom na ang mga sugat sa iba pang bahagi ng katawan ko.pero ang sugat at pilat na idinulot ng mga magulang ko sa akin..ay sariwa pa din..malalim pa din ang sugat na yun..pakiramdam ko nga ay nagmarka na ang sugat na yun sa katawan ko.bagamat sariwa pa ang sugat na yun..di pa din nawawala sa puso ko ang pag-asang hihilom din iyon.hihilom din ang sugat sa puso ko.sa tamang oras at sa tamang panahon.

Alam kong mali sila..pero tao lng ako..at wala akong karapatan na di ibigay sa mga magulang ko.ang kapatawarang hiningi..at bulong buhay nilang pinagsisisihan..

------------------

Kasalukuyan akong nakatayo sa damuhan..nakatingin ako sa kawalan..tinititigan ko at pilit kong kinakausap ang isang lapida..napaupo ako at pimagmamasdan pa din ang lapidang nasa harapan ko..humihingi ako ng tawad sa taong nasa loob ng lapidang ito..nagpakilala ako sa taong nasa loob loob ng lapidang ito..napaluha ako..nakaramdam ako ng pangungulila..nakaramdam ako ng lukso ng dugo..at di ko napigilang yakapin ang lapidang nasa harapan ko..nakayakap pa din ako sa lapida ng biglang may malamig at malaks na hangin na dumampi at bumalot sa katawan ko..

Napatayo ako..at napabitiw sa lapida..napangiti ako.dahil pakiramdam ko ay nagparamdam sakin ang taong nasa loob ng lapidang ito..sinindihan ko ng kandilang dala-dala ko..at pinalipad ko ang mga puting lobo na dala dala ko..iniwan ko din ang kwintas na pagmamay-ari ng kapatid ko..

"Kung nasaan ka man ngayon athena..sana ay masaya ka at mapayapa sa kinaroroonan mo..bulong ko sa lapida ng kakambal ko..

Pagkalipas ng isang oras kong pananatili sa sementeryo..ay agad akong umalis at bumalik sa ospital...

Pagkatapos ng trenta minuto kong pagbyahe mula sa sementeryo...ay agd din akong nakarating sa ospital na tinutuluyan ni seth pansamantala..

Pagbaba ko sa kotseng sundo ko.ay nagmadali akong bumaba dito.

Pagtapak palang ng paa ko sa semento..ay kabado na ako.

Kabado ako at di mapakali sa kahihinatnan ng araw na ito.dahil ang araw na ito.ay ang kauna-unahang makikita at masisilayan kong muli ang taong pinakamamahal ko..

Ito ang unang araw na malalapitan ko at masisilayan ang tunay na kondisyon o kalagayan ni seth..

Inihakbang ko ang mga nanginginig at nenenerbyos kong paa

Naglakad ako ng ilang minuto pa..bago ko narating ang kwartong tinutuluyan ni seth..

Nang nasa harap na ko ng pinto.ay mas lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko.

Huming ako ng napakalalim..bago ko ipinihit ang knob ng pintuan..

Pagkabukas ko sa pintuan..ay agad bumungad sa harapan ko ang isang babae na kamukha ni seth..nakaupo ito..at kinakausap si seth..

Napako ako sa kinatatayuan ko.sa sandaling makita ko ng malapitan si seth..

Nakahinga ako ng maayos sa mga sandaling narinig ko ang medyo paos na boses nya..

Naglakad ako ng dahan dahan..papalapit sa kinahihigaan ni seth..

Nang nasa harapan na ako ni seth ay nginitian ko ito at di ko napigilang yakapin ito..

Niyakap ko ito ng mahigpit at tumulo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Mahal kita seth!paghahayag ko ng nararamdaman ko dito.habang nakakapit pa din ako at nakayakap dito..

Napaubo si seth sa sinabi ko..

Napabitaw ako sa pagkakayakap dito...at tinitigan ko ito..

Tinitigan din ako ni seth..bakas sa mukha nito ang pagkalito..nakakunot ng mga kilay at noo nito..

"Si...sino ka?!naguguluhan na bulalas ni seth sakin..

Pagkadinig ko sa sinabi nya..ay natigilan ako..tumigil ang lahat ng nasa paligid ko..

Napaluha ako muli...

"Si..ako si athena seth...ako ang girlfriend mo..mahina kong pagpapaliwanag at pagpapakilala dito..

Napangisi lang ito..bago nagsalita..

"Wala akong girlfriend na nagngangalang athena..mahinahon ngunit may pagkapilyong sagot nito sakin.

"Kuya!biglang singit ng pamilyar na boses na nanggaling sa likuran ko..

Napalingon ako sa boses.na yun..

At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko..

Napakunot ako ng noo at kilay ko..bago ako uli nakapagsalita..

"La..lance?!naguguluhan kong pagkukumpirma sa nakita ko..

"Kuya?papanong?naguguluhan at nalilito kong tanong kay lance..

Nagpapalit palit ako ng tingin sa pagitan nina seth at lance..

"Sino sya lance?biglang tanong ni seth kay lance..

Napalingon uli ako kay seth..at napagtanto kong di ako at wala ako sa ala-ala nito..

"Sya si..panimula ni lance..nakakunot ang kilay nito at tila ba nag-iisip ng isasagot nya kay seth..

"Kuya seth..sya si athena...girlfriend mo...pagpapakilala sakin ni lance kay seth..

"Pero?si dianne ang girlfriend ko...may pagkahysterical na pagpapaliwanag ni seth samin...

Napahawak ito sa ulo nyang may benda pa.

"Oouccchhh...

Natigilan ako sa sinabi ni seth sakin..napako.ako sa kinatatayuan ko.

Nanghina ako at napahawak ako kay lance..

Sa mga sandaling iyon...ay di ko alam ang gagawin ko..ni hindi na nga ata gumana ang utak at isip ko ng mga sandaling yun..

"May amnesia si seth athena...mahinahong pagpapaliwanag ni lance sakin.habang inaalalayan ako nito sa panghihina ko..

"Pero?papanong?naguguluhan kong pag-usisa kay seth..hinila at pilit kong niyuyogyog ito hbang hawak hawak nito at pilit akong itinatayo sa mabigat na balikat ko..

Naghysterical na ako sa mga oras na yun..napahawak ako sa ulo ko at pailing iling ako..

"Hindi...hindi..hindi pupwedeng...papano?paanong?bakit????indenial kong itinatanong kay lance..

"Nagka traumatic amnesia sya sa sunog na naganap ng bday mo..mahinahon pa ding pagpapaliwanag sakin ni lance.habang kinaklama nito ang pagiging hysterical ko.

Napasabunot lang ako sa buhok ko..at napahikbi..

Niyakap ako ni lance ng mahigpit..at hinayaan nya akong ilabas ang pagkadismaya at panlulumong nararamdaman ko..

******WAKAS*******

.

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon