"Nakikiramay ako." Napalingon si Bela sa kanyang likod matapos marinig ang baritonong boses. Nakita nya si Daniel Cruz. Kilala ito sa kanilang Unibersidad dahil miyembro ito ng kanilang University Student Government. Kilala ito bilang isang palakaibigan at masiyahin na tao.
"Salamat." Mahinang tugon ni Bela. Nagsimula na silang maglakad palabas ng Unibersidad. Natanaw ng dalaga si Noah. Nakita niyang napatingin sa kanya si Noah kaya itinaas niya ang kanyang kamay. Ngunit nagtaka siya nang hindi man lamang siya pinansin nito. Pinagkibit balikat niya na lamang ito at inisip na sa susunod na lang niya tatanungin ang tungkol sa kaniyang narinig.
"Kakilala mo ba ang lalaking yun?" Tanong ni Daniel.
"Oo. Isa kasi siya sa mga kaibigan din ni Jason." Baling niya dito.
"Ah. Hindi ka niya kasi nilapitan kaya nagtaka ako." Ngiti nito sa kanya.
"Baka hindi lang ako nakita." Tugon ni Bela. Biglang napatingin si Bela kay Daniel.
"Hindi ba nakakasama mo din minsan noon si Jason?" Harap nito kay Daniel.
"Oo. Madalas tumulong dati sa student government si Jason. Bakit mo natanong?" Baling ni Daniel.
"W-wala ba siyang kakaibang kinilos noong mga nakaraan?" Nag-aalangan na tanong ni Bela. Paano kung meron ngang kakaibang kinilos si Jason noong mga nakaraan at hindi niya ito napansin? Masyado ba syang nagibg kampante at hindi nya ba nagampanan ng maayos ang pagiging isang kaibigan?
"Wala naman. Kaya laking gulat namin noong mabalitaan namin ang nangyari sa kanya." Paliwanag ni Daniel.
"Ganun ba?" Napapayukong sabi niya ngunit agad din umangat ang kanya g ulo nang may maalala siya.
"Meron ba siyang ibang nakasama? Na hindi ko alam... Na maaaring nagdulot ng masamang bagay sa kanya?" Tumigil si Bela sa paglalakad kaya nasa harap niya at nakatalikod si Daniel. Nakita niya'ng biglang napahinto ito sa paglalakad. Dahan dahang lumungon si Daniel.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Seryoso ang boses na tanong niya kay Bela.
"H-hindi ko alam. Baka may iba pala siyang pinagdadaanan noong nabubuhay pa siya." Naluluhang bigkas ng dalaga. Ngumiti at lumapit ng dahan dahan si Daniel.
"Alam kong nababahala ka na marahil ay hindi ka naging mabuting kaibigan sa kanya. Pero gusto kong malaman mo na hindi ka nagkulang bilang kaibigan. Labis ang pagmamahal mo sa kanya at ganun din siya sayo. Wag mong pahirapan ang sarili mo sa pagiisip ng hindi magandang bagay." Pinunasan nito ang luhang dumaloy mula sa mga mata ni Bela. Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito.
"Halika na. Baka abutin ka pa ng gabi sa daan. Hindi na ligtas ang mundo ngayon." Aya nito na tinanguan na lamang ni Bela.
Gumagawa ng research si Bela nang biglang tumunog ang kanyang laptop tanda na may naghatid ng mensahe sa kanya sa facebook. Binuksan niya ito at nakita niyang nasa message request ang mensahe, nangangahulugan na sa isang estranghero ito nagmula.
"Napilitan siyang magpakamatay"
Hindi maipaliwanag ni Bela ang kabang bumalot sa kanya noong nabasa niya ang iisang pangungusap na iyon. Sa loob ng tatlong salita na yun ay nabuo na sa isip niya kung ano ang tinutukoy nito. Ngunit hindi niya alam kung bakit siya ang hintiran ng mensahe na ito. Hindi ba dapat ang mga pulis? Sino ang nagpadala nito? Sandaling tila namanhid at na estatwa ang katawan ni Bela. Pakiramdam niya ay kinakapos siya nang hininga at umiikot ang paligid niya. Ganun katindi ang naging epekto ng isang pangungusap na yun sa kanya. Lumabas sya sa teresa ng kanyang kuwarto upang lumanghap ng sariwang hangin at makapag isip.
Ano ang ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
Lies and Truth
Teen FictionNawala ang simple at tahimik na pamumuhay ni Bela Dorothy matapos ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Sa kaligtnaan ng kanyang paghihinagpis ay malalaman nya ang mga dahilan at rason ng kinasapitan na trahedya ng kanyang kaibigan. Mga baga...