Chapter 40 - As I Lay Me Down

70 2 2
                                    

From: Kurt
Hey got my fone back! :)
Tot ul dropby 2day? :(

Pagkarating ko sa bahay ay agad na nabasa ko ang text na iyon ni Kurt.

Matagal kong pinagmasdan ang text nito. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ito. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang banggitin ang mga nakita ko. Sinasabi ng isip ko na hindi na kailangang sagutin ito ngunit sa kabilang banda ay sinasabi ng puso ko na ipaglaban ang pagmamahal ko.

Nagsimulang pumindot ang mga daliri ko at saka ipinadala ang reply ko kay Kurt na may bakas ng pagseselos.

I did then found out u wer w/ ur gf.
<Message Sent>

Ilang saglit lang pagkatapos kong ipinadala ang text ko ay agad na nag-ring ang aking phone.

Kurt
Calling...

Hindi ako handang makausap si Kurt at marinig ang mga kumpirmasyon nito tungkol sa kanila ni Megan kaya't mabilis na kinansela ko ang tawag nito. Wala pang isang minuto ay tumawag itong muli kaya't kahit labag sa aking kalooban ay saglit na pinatay ko ang aking phone upang hindi na ito muling makatawag at wala ring pagkakataon na magkausap kami.

Ilang oras akong papaling-paling sa higaan. 3 in the morning nang napagpasiyahan ko na kunin at buksan muli ang aking phone. Pawang nahulugan ng mabigat na bagay ang aking dibdib dahil sa sakit na naramdaman ng aking puso nang malaman na wala man lamang kahit isang text na ipininadala si Kurt.

Masakit ang aking loob na naghanda at nagbihis paalis ng bahay. Gusto kong maramdaman muli ang pagmamahal ni Kurt. Gusto kong balikan ang mga sandaling iyon sa beach kasama si Kurt at pagmasdan muli ang pinakamagandang pagsikat ng araw na nakita ko sa buong buhay ko.

Dahil sa halos wala akong tulog ay napapapikit ako habang nagmamaneho at pawang sandali akong nakaidlip nang mapanaginipan ko si Kurt sakay ng nakahinto nitong sasakyan sa labas ng subdivision.

Madilim pa nang makarating ako sa beach. Tinanggal ko ang aking sapatos at binitbit ang kumot na dinala ko. Nang muli kong madama ang malamig na lupa sa aking mga paa ay napapikit ako habang naaalala ang pakiramdam noong una akong dinala ni Kurt dito.

Inilatag ko ang kumot at saka inilapat ang aking katawan doon. Pinahaba ko ang aking kanang kamay na pawang naghihintay na hawakan ito ni Kurt. Tila may hapdi akong naramdaman sa aking puso nang maalala ko na nag-iisa lamang ako na narito sa beach. Muli akong napapikit habang yakap ang aking sarili.

"I wish you're here, Kurt."

Mahina kong bulong sa hangin habang umaasa na kasama ko ngayon si Kurt. Ninanais na hagkan ako nito at nananalangin na sa mga sandaling ito ay lunurin ako nito sa pagmamahal.

Ilang saglit pa ay dahan-dahan ng sumisikat ang araw. Sa unti-unti nitong pag-akyat ay unti-unti rin ang pag-apaw ng aking puso sa pagmamahal para kay Kurt.

"Nikki!"

Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa malayo.

Agad na napalingon ako kung saan nanggaling ang tawag na iyon at laking gulat ko nang malaman na kay Kurt ang boses na iyon.

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga at agad ay tumakbo ako patungo dito. Lumulundag ang aking puso sa tuwa habang nakapaa na tumatakbo papalapit dito. Kasabay nito ay ang pagtugtog ng kantang 'As I lay me down' ni Sophie B. Hawkins sa aking isipan dahil husto ito sa nangyayari sa akin ngayon.

As I lay me down to sleep
This I pray
That you will hold me dear
Though I'm far away
I'll whisper your name into the sky
And I will wake up happy

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon