Sobrang bilis dumaan ng mga araw dahil July na at nutrition month celebration na agad nila ngayon.
Sobrang saya lang kasi mayroon ulit na mga mini tindahan ang bawat sections.
Birthday rin ng mommy niya ngayon at birthday rin ni Gino ngunit matagal-tagal na rin simula ng huli silang nagkausap.
Ang huli nga niyang balita dito ay may bago na ulit itong girlfriend ngunit hindi naman na siya ganoon kainteresado pa sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig nito.
"Mika, tulungan mo nga ako dito sa banana split"
Sabi sa kanya ni Vanes at tumango naman siya saka lumapit dito. Tiningnan niya ang mga ingredients na nakalapag sa katapat nilang table.
"Paano ba ito?"
Tanong niya habang pinapanood si Vanes na magbalat ng saging.
"Lalagyan lang ito ng chocolate syrup tapos kaunting sprinkles at mini marshmallows"
Sabi nito habang ginagawa ang mga sinasabi sa kanya. Madali lang naman pala iyon kaya naman siya na ang gumawa non.
Habang busy sa paglalagay ng sprinkles sa ginawang banana split ay biglang lumapit sa kanya si Brent.
"Pwede makahingi?"
Tanong nito habang itinuturo ang mga sprinkles at mini marshmallows na nasa maliit na garapon.
"Bawal!"
"Ang damot mo naman, eto na lang syrup!"
Sabi nito saka makulit na kinuha ang chocolate syrup at naglagay niyon sa maliit na paper cup na hawak nito.
"Hoy! Tama na, sobrang dami na n'yan!"
Pigil niya dito dahil halos mangalahati na ang chocolate syrup sa paper cup na pinaglagyan nito.
Inagaw na niya dito ang chocolate syrup dahil baka mamaya ay maubos na nito iyon at wala na silang magamit para sa mga gagawin pa niyang banana split.
Baka rin mamaya ay siya pa ang sisihin ni Vanes lalo na at siya pa naman ang pinagkatiwalaan nito sa bagay na iyon.
"Salamat!"
Nakangiting sabi nito at mahina naman siyang natawa habang umiiling-iling.
"Abusado talaga kahit kailan..."
Bulong niya at hindi na nito iyon narinig nito dahil ang iba naman niyang mga kaklase ang ginulo nito ngayon.
Pasaway talaga...
Matapos niyang ayusin lahat ng ititinda nila na mga banana split ay iniwan na niya iyon muli kay Vanes dahil ito daw ang magtitinda non.
"Mika, patulong naman dito"
Tawag sa kanya ni Limuel na tila hindi alam kung ano ang gagawin sa Shake Corner.
"Ano bang problema dito?"
"Ang hirap magshake kasi ang lalaki ng mga yelo"
Sabi nito at mahina naman siyang natawa.
"Kaya nga mayroon tayong ice crasher dito eh"
"Sorry, wala kasi sa bundok ng mga ganito"
Natawa na lang siyang muli saka tinuruan ito na gamitin ang ice crasher na dala ng isa nilang kaklaseng babae na si Addy.
"Nasaan ba si Addy? 'Diba dapat ay siya ang katulong mo dito?"
Tanong niya habang busy naman siya sa blender. Madali naman kasing natuto si Limuel sa ice crasher kaya pinabayaan na niya ito doon.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Подростковая литератураOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"