Chapter 23

235 0 0
                                    

110414
------3rd Person’s P.O.V.------

Natapos ang bakasyon, balik eskwela na naman ang mga mag-aaral. Isang bagong yugto na naman ng buhay ni Paul ang mabubuksan. First year college na siya. Halos hindi siya makapaniwala na natapos na rin niya ang apat na taong kalbaryo sa pagiging hayskul student.

Journalism ang kinuhang kurso ni Paul. Bukod sa ayaw niya ng komplikadong kurso, eh may background naman siya sa pagiging journalist.

Buti nalang. Matatapos na ang taon. Malalayo na ako dun kay Lulu.

Lingid sa kaalaman ni Paul, may mga subjects parin na kaklase sila ni Luzhen.

***
“LVVU! Here I come.” Bulong ni Luzhen bago siya bumaba sa motor ng ate niya. “Ate, hindi mo ba ako ihahatid sa loob?” sabi niya.

“What? Hoy mujer! College ka na. Magpapahatid ka pa? Isa pa Ze, kabisado mo na naman ang LVVU. Hindi ka na mawawala diyan.”

“Anong kabisado? Hindi ko nga alam kung saan ko makikita ‘tong mga rooms na ‘to eh.” Winagay-way niya naman ang maliit na papel sa harap ng kanyang ate.

“Whatever. Bahala ka na diyan. Bye!” At nagpa-andar na nga ng motor ang ate niya.

Supportive sister. Tch!

Pumasok na siya sa loob ng paaralan. As usual, maraming bagong estudyante. ‘Ku! Kung di lang siya scholar, ‘di siguro siya makakapasok sa isang prestigious na paaralan.

This is it. Papasok na ako as a college student. Nakaka-proud naman.

Naglakad siya papasok ng university. May nadaanan naman siyang grupo ng mga babae. Hindi niya sinasadya na masikuhan ang isa sa mga babae doon.

“Aw! Watch it will you?” saway sakanya nung nasikuhan niyang babae.

Kung maka-sigaw sa’kin ‘tong high school girl na ‘to. Kapal niya ah. Kung maka-maliit sa’kin wagas. Dahil ba sa naka-civilian lang ako at di ako gaanong naka-ayos?

“Ay, sorry ha? Dadaan lang naman ako. Haharang-harang kayo sa daan eh. May-ari ka ng school? Kadugo mo ang mga Villemonteix? Hindi? Aw, alis!” depensa niya.

“How dare you? At pa’no napunta dito sa school na ‘to ang isang commoner na tulad mo?” inirapan niya naman si Luzhen.

“Whatever highschool girl. Isa pang english mo babangasan na kita.”

“At ano naman ang tawag mo sa sarili mo lady without fashion sense?”

“For your information-----”

“For your information, she’s been studying here for almost ten years. Don’t you mess up with her. You’re not halfway there.” Biglang sumulpot si Paul sa pagitan ng alitan nila Luzhen at ng isang highschool girl.

“Paul Lozada?” bulong ng babae habang nakatingin kay Paul. Medyo kilala na si Paul sa loob at labas ng paaralan dahil sa pagiging miyembro ng basketball team.

“Ikaw yung nagpa-picture sa’kin sa country club right? You even made that your display picture.” Nanlaki naman ang mata ng babae.

Gee! Naaalala niya ako?

“Yes! Ako nga yun. Nice, you reme---”pinutol na ni Paul ang sasabihin ng babae.

“The girl who’s so keen on me. The last time I saw you, you asked me right? Well, she’s the answer of that question,” Kumunot noo naman si Luzhen. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Paul. “Let’s go Lu. Classmates pala tayo sa History.” Naiwan naman na nakanganga ang babae.

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon