Hae Min's POV
"Congrats, graduate!!!" tili ni mama sabay yakap nito ng mahigpit sakin.
"Maaaa... Yung buhok koooo.... ahahah!" malambing na angil ko habang magkayakap kami.
Araw ng graduation ko ngayon. Kumpleto ang buong pamilya kong dumalo at bakas sa kanilang mga mukha ang pagiging proud nila sakin.
Syempre ganun rin ang nararamdaman ko para sa sarili. Proud at walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapaliwanag pero parang mas masaya pa nga ako ngayon kumpara nung grumaduate ako ng college sa New York. Marahil dahil nandito sila mama upang saksihan ang pag-akyat ko ng entablado.
Napakasarap pala sa pakiramdam na naririnig at nakikita ang aking pamilyang nagch-cheer sa crowd sa accomplishment ko. Hindi man regular/normal graduation ito, dahil crash course lang naman, pero higit pa dun yung saya ko ngayon.
"Chef Hae Min. Wooowwww..." papuri ni Marco habang pumapalakpak.
Natatawang tumingin ako dito, "Nako, 'small time' chef lang ako. Di tulad mo, professional talaga. But you'll have to wait for two years before you graduate. Matagal ka pang magsusunog ng kilay." biro ko sa kanya na ikinatawa namin lahat.
Saglit pa kaming nagstay sa auditorium at kumuha ng ilang pictures bago dumiretso sa Regina Bistecca, isa sa mga kilalang restaurant dito sa Florence. Simpleng celebration lang, para sa pagtatapos ko.
Nang makakain kami ng tanghalian, dumiretso uwi narin kami ni unnie at Giada dahil aayusan pa nila ako para sa Grad Ball na gaganapin mamayang gabi. Sila mama, Giovanni at Marco nama'y nagtungo sa isang art gallery na bagong bukas.
Hindi lang kaming mga nagtake ng crash course sa culinary arts ang mag-aattend ng Grad Ball kundi pati narin ang mga grumaduate sa iba't ibang departamento ay makakasalamuha rin namin.
May nakahanda na akong susuotin para mamayang gabi. Actually, si Giada ang nagregalo nito sakin. Long, v-neck open-back chiffon gown na kulay light pink ito na talaga namang nagustuhan ko. Mahusay din ang taste ni Giada pagdating sa damit gaya ng bestfriend kong si Zia.
"Is my date ready?"
Napalingon kaming tatlo sa pintuan nang magtanong ang nakadungaw na si Marco. Kasalukuyang ikinakabit ni unnie Heidi ang isang pares ng dangling earrings sa aking tenga.
"In a minute, Marco." sabi sa kanya ni unnie.
"That's what you said 30 minutes ago." he mumbled before turning his back at us in defeat.
Natawa naman kami sa inasal nito na kala mo'y nagmamaktol na bata. Hindi rin nagtagal, natapos na rin nila akong ayusan. Nang bumaba kami, nakaabang na sila Marco, mama at Giovanni sa living room. Kita sa mga reaksyon nila ang pagkamangha nang masilayan nila ako. Agad namang lumapit si mama sakin sabay hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Ang ganda talaga ng anak ko. Manang-mana sakin." nakangiting wika niya, "I hope you'll soon find someone who'll truly appreciate your beauty, my princess." dagdag pa nito sa huli na ikinabigla ko.
"Hay nako ma, saan naman nanggaling yan sentimyento mong yan? Hahaha! Masaya akong single at wala sa plano ko ang umibig ulit. Sa ngayon." mariing sabi ko sa huli.
"Iha, alam ko labis kang nasaktan sa huling karelasyon mo. Pero hindi ibig sabihin non ay isasara mo na ang puso mong magmahal muli. At sa tingin ko, dito sa Italy mo makikilala ang lalaking mamahalin mo at mamahalin ka rin ng totoo. We can set you up with great bachelors here. Am I right, Heidi dear?"
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...