"Ang project niyo ngayon ay medyo mahirap kaya groupwork ang mangyayari. Make sure each of you have a group. Bukas ko sasabihin ang mga info basta siguraduhin niyo na may grupo na kayo bukas. That's all class dismiss."
Hindi ako kumibo habang ang mga kaklase ko pinag-uusapan na kung sinong kagrupo nila.
I am always like this. An outcast. No one dares to speak nor come near to me. Tulad noon, mag-isa ko na naman sa project na ito.
Dahil wala rin naman akong gagawin ay lumabas na ako para umuwi. Nothing changed. The way they stare at me, it looks like I did something wrong to them.
Malapit na ako sa gate nang makarinig ako ng iyak. Iyak ng babae. I don't know pero kusang humakbang ang mga paa ko upang hanapin kung saan ito nagmumula.
Until I saw a girl sitting on the ground, embracing her knees. Napansin ko din na nakasuot siya ng tulad ng uniform namin kaso mukhang lukot-lukot at galing siya sa away.
My feets automatically step forward to her and sat beside her. Napansin niya ako kaya tumigil siya sa pag-iyak at nahagip ng mga mata ko na nakitingin siya sa akin sa mga oras na ito. Sa sahig ako nakatingin kaya kahit pumunta siya sa harapan ko ay hindi ko makita ang mukha niya.
Hanggang sa pinantay ko ang ulo ko sa ulo niya na siyang kinabigla niya kaya bigla siyang napaupo.
Agad ko naman siyang tinulungan upang makatayo. Halata sa mukha niya ang matinding gulat.
"I'm so sorry kung nagulat kita. I was just wondering kung bakit ka umiiyak dito." hindi siya sumagot, she's still shocked I guess.
"Is this true? You are talking to me?" hindi niya makapaniwalang sabi. I awkwardly nodded.
"Yes I'm talking to you wala namang ibang tao dito."
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap. "Outcast ka rin ba?" tanong ko kasi tulad ko parang napakaimposible para sa akin na kausapin ng iba. Baka 'yon yung nararamdaman niya ngayon.
"Outcast? Y-Yes, I'm an outcast."
"You can call me Drei." nakangiting pakilala ko.
"Hailey."
After that incident madalas nakaming magkita ni Hailey kapag free time namin. Naging malapit kami sa isa't isa.
"Drei, bakit walang gustong makipagkaibigan sayo? Gwapo ka naman at isa pa top1 kaya anong inaarte-arte ng mga tao ngayon?" tanong niya nagkibit-balikat nalang ako.
Nandito kami sa unang lugar kung saan nagkita kami habang siya nakaupo at nakapatong ang ulo ko sa lap niya habang nagce-cellphone.
"Ikaw rin naman, sa totoo lang mas maganda ka kaysa sa mga babaeng pinapantasya nila sa room. Ang alam ko ang mga kauri ko magagandang babae ang habol. Nakakapagtaka lang na hindi ka pinapansin."
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik.
"Wala ka ring social media accounts, gustong umiwas sa mga stalker?" natatawang sabi ko.
Ilang beses kong sinearch ang pangalan niya sa iba't ibang social media sites pero wala talaga.
"Alam mo naman ang magaganda, habulin. At isa pa I want my life to be private. They don't need to know every little detail about me. What I hate the most is being the topic ng mga pinag-uusapan. Like duh, bakit kasi nila pakikialaman ang buhay ng iba." Natawa nalang ako sa sinabi niya. Tama naman siya.
May nakita akong pulang panyo sa bulsa ng palda niya and it looks familiar, hindi ko alam kung saan ko ito nakita noon.
Narinig namin ang buzz ng buzzer indication na start na ng klase. 3rd floor ang room ko samantalang sa kanya sa 4th at kahit minsan hindi niya ako pinayagang ihatid siya. Hindi na ako nagpumilit, si Hailey 'yon, walang makakapigil sa kanya.