COPY-PASTE SI CRUSH
High School Life??
Ano ba talaga ang buhay ng High School??
Marame, lahat na lang mararanasan mo kaya tanungin mo ang karamihan..
Ang iba enjoy daw ang high school
Masaya daw??
Bangungot ???
Masakit??
Sa panahon ngayon, sarap balikan ang high school life.
Ang daming kalokohan na alam.
High school..! Dito mo mararanasan ma-inlove sa tama’t maling tao at pagkakataon.
Mahirap kalimutan ang mga bagay-bagay na gusto mo ng kalimutan lalo na’t ang mga kaibigan mo’y isang echoserang palaka na halos na lang ipaulit-ulit sayo ang gusto mo ng kalimutan.. ikwento pa sa iba kung sinong crush mo, mahal mo at maging ang ex mo kaya buong campus kulang na lang malaman nila.
Sarap pektusan sa apdo amg mga ganun eh noh! Kulang sa pansin pero kahit ganun sila marami tayong nagging alaala na mababaon at na –ibaon na sa limot..
Haysss… High School.. O my high school life.
At dahil dyan.. naalala ko ang isang yugto ng aking karanasan (Ang lalim nun ah)
Ang pag-ibig ko’y nagsimula sa
“Pa-kopya Effect” ng classmate ko.
Ako nga pala si Fame!
Ako yung tipong author ng mga sagot ng mga kaklase mo. Lahat saken nanggagaling yung mga sagot nila. Ultimo papel at ballpen sayo manghihingi at hihiram.. Pero ayos lang
Mabaet naman ako… :)
Answer page 12, Exercise 1-2. Sabi ng teacher naming sa Math..
Eto na..Kanya-kanya ng diskarte amg mga luka’t luko kong classmate..
Yung isa, humahaba ang leeg kaya pati pangalan mo nakopya na rin.. (Sobrang makapangkopya eh noh!)
Yung isa naman,cool lang ang pangongopya kasi KATABI AKO :)
Yung iba naman, pasa- pasa na ang sagot hanggang likod
Ang saya nila.. kaya ang papel ko
Ayun… GUSOT LANG NAMAN , kala mo’y pang-iwang (yung pampunas sa pwet hehehe!)
PASS YOUR PAPER!
Dali-dali naming pinasa namen yung workbook sa unahan
Exchange your workbook to your opposite row!
Matapos ma-checkan yung exercise namen, ang resulta
10 over 10 LAHAT!!Malamang pare-pareho yung sagot namen.. Akalain mo yun..
Matapos ang Math subject!!
Ang sama ng 1st subject, kabadtrip agad yung tipong dugo na kaagad yung utak ng classmate mo kakaisip kung paano makakadiskarte sila sa pangongopya sayo.