1st Orbit (Cyrus POV)

9 0 0
                                    

*cluck* *cluck* *cluck* (alarm sound)

Time check 5:48 am
"Oras na para mag ayos at pumasok sa trabaho, simulan nating masaya ang bawat araw sa pamamagitan ng isang napakagandang ngiti" sabi ko sa sarili habang tinitignan ang salamin sa tabi ng aking kama ng nakangiti.

Bumangon na ako, at nagsimula na maligo at magayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina para kumaen.

"Good morning!" Bati ko sa mga tao sa bahay.

"Good morning sir! kusang gumaganda talaga ang araw namin tuwing nakikita ka" bati ni Aling Daisy habang inaayos ang mga plato sa mesa.

"Paano ba naman bubungad ba naman sayo ay hindi lang ke-Gwapong bata kundi palagi pang nakangiti at talagang lahat ng makakakita ay mahahawa" puri naman ni Aling Calla na inurong ang upuan para makaupo ako.

"Hahaha. Syempre! Kelangan masaya lang tayo araw araw, sayang ang mga oras para malungkot" sagot ko na sinang-ayunan naman ng dalawang matanda.

Sinimulan ko ng kumaen at pagkatapos ay bumiyahe na ako papuntang trabaho.

"Good morning Sir Cyrus" bati ng mga nakakasalubong ko.

"Good morning, just enjoy your day" bati ko naman pabalik sa kanila.

Pagkarating ko sa opisina ko, sumandal ako sa upuan, habang hinihintay ko magstart ang laptop ko pinagmasdan ko ang napaka gandang tanawin ng aming lungsod na makikita sa malaking bintana ng opisina.

Ako nga pala si Cyrus Sun Brillante, may ari ng Brillante Corp., isa sa mga sikat na kumpanya dito sa Makati, na nagproproduce ng mga malalaki at magagandang bulaklak sa mga stores at malls.

Nag-iisang anak lang ako ng mga magulang ko, at dahil maaga nilang gusto magretired at mag-enjoy sa buhay pinamana na nila saken ang kumpanyang ito pagtapak ko ng 21-anyos. Kaya ayon tamang travel na lang silang dalawa. Hahaha.

Ito ang pangatlong taon ko sa kumpanya at masasabi kong masaya talaga ako sa ginagawa ko dahil hindi ko nararamdaman ang stress at lungkot dito. Dahil na din siguro sa mga bulaklak na nakikita ko araw araw at magandang pakikitungo saken ng mga kasama ko sa trabaho.

"Sir, may naghahanap po sa inyo" Tawag ng aking sekretarya na si Claudine, na siyang nagpatigil sa pagtanaw ko sa lungsod na nasisinagan ng araw.

As We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon