"Morning" bati ko kay Dawn, nanay ko. Kung nagtataka kayo kung bakit first name lang ang tawag ko at hindi nanay, mama, mommy o mamshie ang tawag ko sa kanya, sila ang may gusto nun ng tatay ko.
"Good night Luna, buti nagising ka na gigisingin na sana kita. Matutulog na din ako may pagkain ka na dyan sa mesa. I-lock mo ang pinto pag-aalis ka na ha? Ingat ka. I love you." bati ni dawn habang paakyat ng hagdan papalapit sa akin, hinalikan niya ko sa pisngi at umakyat ng tuluyan para pumasok na sa kwarto.
Kumaen na ko sa mesa at pagkatapos ay naligo at nag-ayos na para pumasok sa trabaho.
Pagdating sa trabaho, nilagay ko na ang gamit ko sa locker ko at kinuha ang headset. Pagpasok sa prod, dumeretso na ako sa assigned station ko at ini-start ang pc.
"Haaaay grabe queing!" reklamo ng kaibigan kong si Tala.
"Huuuy Luna! Ang aga mo naman alas-dies palang ha? Di ba 11pm pa shift mo?" Tanong niya habang hawak hawak yung telepono sa mesa niya. Panigurado naka-mute na naman to.
"Lagi naman ako maaga pumapasok ha? Sumobra lang aga ngayon, maaga ako gumising kasi gusto kong makita si Dawn." Sagot ko sa kanya habang kinakabit ang headset ko sa telepono.
Nagkibit balikat lang siya at pinindot ang mute button para bumalik na sa kausap.Nang makita kong tapos na magstart ang pc naglog-in na ko para makapagpunch in.
*typing* Lureine Selena Moore
Yan ang buo kong pangalan, pero "Luna" ang tawag sa akin ng karamihan. Isa akong sales agent sa Brillante Corp. Oo tama kayo isa akong bampira, tulog sa umaga, gising sa gabi.
Mag-iisang taon na ko sa trabaho ko, ako ang panganay sa magkakapatid kaya kelangan kumayod. May trabaho din naman si Dawn at si Dark, ang tatay ko, pero gusto ko makatulong sa kanila.
Meron akong kapatid na triplets puro lalaki, nasa grade 7 na sila ngayong pasukan.
*tiktok* tiktok*
Time check 10:59pm, hinawakan ko na ang mouse at kelangan ko na mag-avail.*toot*
"Thank you for calling Brillante Corporation, My name is Luna, How may I help you today?"
BINABASA MO ANG
As We Meet Again
Misteri / ThrillerAnd if you are to love, love like a moon loves. It doesn't still the night it only unveils the beauty of the dark. How can you love someone from far away? or how far can you love someone? If we are brave enough to love then how brave we are to do...