PROLOGUE

6 0 0
                                    

PART 1

Third person's POV

"Pain demands to be felt."-John Green, The Fault in our Stars

A teacher taught us na walang matuwid na daan katulad ng sinasabi ni PNOY.

Kasi kung ang lahat ng daan ay matuwid, edi magkakabangaan tayo. 

Ang daan ng ating buhay ay puro pakurba, maraming junction, crossing at dead end. 

Ibig sabihin: Life is 99% pain, suffering, and sadness. 1% lang daw ang happiness.

Life is nothing and not meaningful daw kung walang pain and suffering. 

Because in this world, happiness is much too high a cost parang ginto at ticket sa Mars.

Parang star na hard to reach. Parang blue moon, once in a lifetime. Parang glass material, fragile. 

Only few of us are fortunate enough to afford this luxury. In this realistic and unforgiving world,

sadness, anxiety, stress, insecurities,depression,loneliness are the cheaper choices 

and the only ending you'll know is death itself. 

Pero if you lived your life right, you won't have any regrets in the end

then, and only then you can attain happiness.

Kasi kumbaga sa karera, pagkatapos ng lahat ng pagod at paghihirap,

ang happiness ang "finish line" natin.

Sabi niya, yung 1% daw na happiness is what life really is.

"Ba't ganyan?"

Isa 'yan sa mga tanong mo diba? Dahil naniniwala ka sa "happily ever after" at rainbows.

Alam mo ba yung kantang "Maling akala" ng Brownman Revival? sabi dun maraming namamatay sa maling akala. 

Totoo yun and it applies to this.  Namamatay ang lahat ng tao na malungkot o walang happiness sa maling

pag-aakala. Kasi tayong mga tao, we work hanggang sa mapagod tayo ng husto.

Hanap tayo ng hanap ng happiness na 'di namamalayan na nasa sa atin na pala 'yun: pamilya, kaibigan

buhay, pag-ibig, pag-asa at paniniwala sa mas makapangyarihan. We always take them for granted kaya tuloy hindi natin 'to nae-enjoy.

Kasi akala natin na ang happiness 'yun yung nabibili natin lahat ang gusto natin(materialism), living a secured life,

magkaroon ng magandang trabaho, marrying the perfect person, being always on top, 

gaining high profit without ever being content and just keeps on 

wanting more and more until we become so greedy that it leads to self-destruction. 

'Yan ang dahilan mas mataas ang bahagdan ng kalungkotan.

Only God himself died sorrowful na hindi dahil sa maling akala kundi dahil yun ang itinakda.

Siguro dadating din ang panahon na aakyat din ang bahagdan ng happiness. Pero malayo pa siguro 'yun.

Hindi naman 'yun impossible eh. Kailangan lang nating magbago. Yun lang.

Untitled(yet)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon