matapos ang ilang minuto pang pag upo ay napagdesisyunan ko ng umuwi kahit di pa tapos ang prom. night, di na rin ako nagpaalam kay mike
pagkauwi ko ay saka ko nalang sya tinext para di na nila ko hanapin pa.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay kahit papano bumalik pa sa normal yung naging takbo ng buhay ko, madalas ko pa rin naiisip si chloe mahal ko pa rin sya pero hanggang dun nalang yun pilit ko pa rin kinakalimutan yung nararamdaman ko para sakanya. Nagfocus nalang ako sa pag aaral, sa ngayon kasi top 2 ko sa class still pwede pa for a podium finish sa graduation. At isa pa simula nung magtapos ang prom night madalas ko nang makita na kasama niya si jason, sila na nga ata... Sila rin kasi ang naging queen at king of the night nun kaya mas lalo ko na syang kelangan makalimutan...
Sa wakas graduation na, masaya pa rin naman wala nga lang yung feeling na kumpleto, top 3 ako sa class kahit na bumaba from 2 okey lang todo suporta pa rin parents ko sakin...
Two weeks after ng graduation heto ako nag iisip kung anung pinakamagandang gawin, gusto kong magbakasyon for a week or two for refreshment sana para maalis ko yung kay chloe, naiisip ko pa rin sya hanggang ngayon eh puro iwas na nga ginawa ko sakanya ewan ko lang kung napansin din nya paminsan minsa din kasi ay nagkakatinginan kami pero umiiwas ako agad sabay alis.
Itetext ko na si mike baka gusto nyang sumama, pagkakuha ko ng phone ko ay nagtext pala siya. Inopen ko yung message nya.
"tol buksan mu fb mu, tignan mu yung nakapost sa group natin nung 3rd year hehe"
fb? hindi ko na binubuksan yun eh, baka nga deleted na yung account ko dun, nagreply ako.
"anung meron?" *send
"basta tol ikw na tumngin." reply nya saken,
di ko na sya kinulit, inopen ko yung account ko sa fb buti pwede pa, pumunta ko sa grup na sinasabi nya, at ayun nalaman ko na gusto nyang sabihin...
ANNOUNCEMENT: Dahil sa request ng pinakamaganda nating muse at queen of the night nung jsprom ay inaanyayahan po ang lahat na dumalo
sa munting pagsasalo sa darating na linggo basahin nyu nalang po yung event na ginawa for the details, attend po kayong lahat ah!
asahan namin kayo. Salamat party party na! ^_________^
Event details:
Date: Sunday April 15
Time: 8:00 am onwards
Join Event
nahiga ko sa kama, bakit kila chloe pa??? tanong ko sa sarili ko, sinusubukan ko ngang kalimutan ang nararamdaman ko sakanya at alam ko na kapag pumunta ko at makita ko ulit sya ay may posibilidad na bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya adik pa naman tong puso ko (sakanya) hayyy, gusto ko sanang pumunta dahil sa alam kong magiging masaya yun close kasi kaming lahat nung 3rd year pinakamasayang taon sa hayskul, pero ewan ko ba kaming dalawa nga lang ata ni chloe ang hindi magkaclose nun tapos ngayon sa bahay pa nila gaganapin, di nalang ako pupunta di nya naman siguro yun mahahalata...
..
.
.
.
.
.
.
.
.
FAST FORWARD. . . . . . . . . . . . . . . . .
Sunday na, andito ako ngayon nakaupo sa isang bench sa isang unibersidad sa maynila, nag inquire kasi ako para sa school na papasukan ko sa kolehiyo. Dumaan si mike sa bahay at sigurado nainis yun dahil di niya ko naabutan dun di kasi ako nagsabi sakanya na hindi ako makakasama. Mag aalas kwatro na ng hapon sigurado nagkakasiyahan na sila mike sa munting reunion kila chloe, di ako pumunta mas mabuti na rin siguro yung ganto...
Naghihintay na ko ng masasakyan pauwi nang mag ring ang cellphone ko, tumatawag si mike, sinagot ko ang tawag niya
"tol pasensya na hindi ako nakapunta ah dito ko pauwi na nag inquire kasi ako para sa papasukan ko sa college eh pasensya na tol." hindi ko na sya pinagsalita pinaliwanag ko na agad bakit hindi ako nakapunta
hindi sya agad sumagot, parang may nag uusap pa sila.
mag end call na sana ko, nang may biglang sumagot, "sayang naman vince..." isang pamilyar na boses ang sumagot sa akin, malungkot ang pagkakasabi nya,
kahit na minsanan ko lang narinig ang boses nya ay alam kong skanya ang tinig na yun, si chloe ang kausap ko...
nararamdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ramdam kong malungkot sya.
"hmm sinu to?" tanong ko kahit alam kong sya ang kausp ko ngayon,
naghintay pa ulit ako bago sya sumagot "ingat pauwe vince ah, okey lang kahit di ka nakapunta next tym nalang, pauwi na rin naman sila eh..." wahhhhh ang lungkot ng pagkakasabi nya naguguilty ako sa hindi ko pagpunta anung gagawin ko ngayon ayaw ko naman na magtatampo sya sakin hayyy...
"hmmm wala naman na ko gagawin pag uwe eh... pwede... kong dumaan dyan hehe" pautal utal kong sabi bahala na gusto ko lang mawala yung tampo niya saken at maging okey kami...
halos isang minuto din bago sya sumagot kinakabahan na ko baka iniisip niyang napipilitan lang ako kung anu anu na pumapasok sa isip ko...
"talaga vince?" ramdam kong medyo sumigla na ang pagsagot nya sakin
"ah.. oh..oO. deretso ko dyan naghihintay lang ako masasakyan hehe wag kana malungkot ah smayl kana hehe" pinipilit kong hindi mabulol sa mga sinasabi ko
"salamat vince! ingat ah hintayin ka namin" hayy salamat okey na rin sya, mabuti pala talaga sa cp makipag usap natatanggal yung hiya mu sa isang tao nakakausap mu sya ng hindi ganung natataranta hehe, isa pang narealize ko lakas talaga mangonsensya ng mga babae at epektib pa heheh
Sumakay na ko ng bus at deretso na sakanila, dun ko nalang iisipin kung anung gagawin ko pero sa ngayon aalalahanin ko muna yung naging pag uusap namin kanina hehe ^_____
"Vince kamusta? long time no see ah"
"Yun oh dumating na yung pinakagwapo kong classmate"
"Tagal mu vince ah tara kain haha"
Yan ay iilan sa mga comment na narinig ko pagdating ko, pero yung masaya dun ay nung makita kong nakangiti si chloe sakin, medyo marami pa sila kaya tingin ko ayos pa yung oras ng pagdating ko.
Hindi pa ko nag iinit sa kinauupuan ko ay syang paalam naman ng iba para umuwi na, badtrip hinintay lang pala ko sana umuwi na lang sila agad.
Iilan nalang kaming natira.
"Vince musta lakad kwento ka naman hehe" tanong sakin ni michelle
"ahm ayos naman maayos yung place tingin ko nga dun na din ako mag enrol, dun na din kayo para magkakasama pa rin tayo hehe" pabiro kong sagot
"Pero nakakatampo din kasi muntik ka ng hindi makapunta dahil dun..." gulat kong singit na sabi ni chloe habang papalapit sya samin, inabutan nya din ako ng juice at makakain.
"ahmm.. salamat.." tipid kong sagot, di ko alam sasabihin ko sa sinabi nya nagtatampo pala talaga siya
"pero dahil andito kana okey na yun, salamat sa pagpunta vince hehe" bawi nyang sagot "kain kana ah tikman mu yung binake namin tinira namin nya para sayo hihi" patuloy niya pa pagtapos ay naupo na rin sya sa tabi ni michelle
Hindi na ko nagulat sa sinabi ni chloe inaasahan ko na rin kasi na sya ang maghahanda ng para sakin hehe, mas nagulat pa ata ang mga kasama namin dahil antahimik lang nila, hinihintay ata ang magiging sagot ko.
"hindi ko kasi kayang tanggihan ka chloe hehe" sagot ko na ikinagulat ng lahat napatingin sila saken maging si chloe ay napalingon din sakin
patay! yung sagot ko, siguradong nagulat sila dahil ngayon lang nila narinig mula sa akin yung ganun, yari ako neto... napalunok nalang ako ng di oras...
sinisiko ko ni mike "tol nice one!" bulong nya saken
"anung nice dun yari nga ko eh!" sagot ko
"akong bahala tol haha" sabi nya pa.
"yun oh nice one tol haha ganyan pala epekto pag mag inquire magawa nga hahaha" singit ni mike sabay tawa ng malakas tamang tama pambasag katahimikan
"haha nice one vince ngayon ko lang narinig sayo mga katagang yan ah haha" -michelle
"ang sweet mu pala vince salamat hihi" -chloe
nanahimik nalang ako di ko na pinansin ang iba pang kantyaw na naririnig ko, alam ko ng eto na ang susunod na mangyayari... badterp naman oh...
sandali pa ay balik normal na ang usapan, buti naman...
"chloe diba papaayos mu yung pc sa kwarto mu tamang tama andito na si vince saglit lang yun para sakanya! haha"
"ayy oo nga pala kaya lang kumakain pa sya eh maya nalang..." -chloe
sasagot pa sana ko ng humarang si mike sa harap ko sabay kindat sa akin, tsk planado nya nanaman to..
"ahh hindi chloe okey lang maya ko nalang to kainin ayusin na namin baka makalimutan pa mamaya eh." pangungumbinsi ko sakanya
"hmm ganun ba sige kayo bahala hihi tara sunod kayo sakin" -chloe
sumunod kami sakanya.........
ITUTULOY. . . . . . .
BINABASA MO ANG
J.S Prom.
Teen FictionStory #1 J.S Prom. There will still be this "someone" that will much more appreciate the simple things you give rather than those expensive things they give. ^____^ A/N: 3 Parts po ang bawat story, yung intro part, sad part and the happy part o yung...