First Step of Hope

15 0 0
                                    

Haaaay.. napakagwapo talaga niyaa.. sobrang HOT niya.. grabe ang tulo ng pawis niya.. sayang naman kung malalaglag lang sa sahig yun.. gawin niyo na lang inumin para energy drink ko araw-araw!

Ako si Erika Mendoza, isang dalagitang baliw na baliw sa isang hamak na lalaki, matangkad siya, okay na rin kulay ng balat niya, at higit sa lahat, basketball player siyaa! <3

Nandito kami sa court ng gym with my friends. Nanonood kami ngayon ng game nila, syempre nakatutok lang ako kay my-ever-loving-labs!

Teka, parang may paparating na ewan sa-

*PAK!*

"Aray koo.."

"Sorry! Ate! Ate! Okay ka lang ba? Uyy! Gising! Atee!!"

Si my-ever-loving-labs ko ba talaga 'to o isa nanaman 'to sa mga panaginip ko? Ang sakit ng ulo koo.. nawawalan na ko ng.. malay..

*wakes up*

"...Huh? Clinic... ba 'to?" Ano ba nangyari? Wag mong sabihin totoo panaginip ko?! Wag mong sabihin siya talaga nasa tabi ko na natutulog?!

Dahan-dahan akong sumilip sa tabi ko kung saan may natutulog na nilalang. Hindi ko makita mukha niya kasi nakatapat mukha niya sa kama. Nakakahinga ba 'to?

"Ummm.. hello?" Niyugyog ko siya para magising.

"Mmhhm.. huh?"

Okay! Come to mama! Show me your face! Hiyaa!!

"Ah! Gising ka na pala Erika!"

.

.

.

//moment of silence//

"SUS MARIA!! Akala ko pa naman ikaw si my-ever-loving-labs ko! Pahabain mo  na nga yang buhok mo Monica! Napagkakamalan tuloy kitang lalaki! Bwiset!"

"Haha! Sorry na Erika! 'Di ko namang ineexpect na mangyari 'to e"

"Akala ko pa naman totoo yung panaginip ko.." Halos mangiyak-ngiyak nakk kasi kahit kailan 'di ko siya nakakausap, o makakuha man lang ng pansin niya, kung ano-ano pang kagagahan na iniisip ko.

Pero tuwing uwian ko galing school, lagi ko siyang iniintay, tapos sikreto ko siyang sinusundan para mangyari uli ang pinakagusto ko, ang paraan para lang makapiling ko siya.

Yun ay ang..

*BHAM!*

"WAH!" Sabay kaming nagulat ni Monica, pero later nun, mas nagulat na ko lalo..

Dahil...

siya si...

"ATE! MAGALING KA NA BA?!"

MY-EVER-LOVING-LABS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Erika FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon