Anong Wish Mo?

23 1 0
                                    

Kate's Point of View

Hey, I'm Kate Ann Sandoval, 18 yrs old. I have a boyfriend and he's Carl Vincent, malapit na birthday niya. 2 days na lang. At gusto ko siyang surpresahin, at gusto kong matupad ang wish niya. Kahit ramdam kong hindi niya na ako mahal, lalaban ako, hindi ako susuko, para sa kanya. Kahit araw-araw kong nalalaman na niloloko niya lang ako. Pero para sa kanya lalaban ako, kasi ganun ko siya kamahal. Tanga na kung tanga eh mahal ko yung tao eh.

Nandito ako sa classroom niya at hinihintay na matapos ang class niya.

Nang sinabi ng Prof. na dismiss ay inabangan ko siya.

Hanggang sa lumabas na siya. Nginitian ko siya pero malamig niya lang akong tiningnan. Parang kumirot ang puso ko pero hindi ko ipinahalata.

Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Ah,hon, malapit na ang birthday mo ah, ano nga pa lang wish mo?"

"Wag mo ng alamin masasaktan ka lang" siya. Nagtaka naman ako.

"Iiih, bilis na kahit ano pa yan gagawin ko ang lahat para matupad ang wish mo" ako. Hindi niya ako pinansin.

Kinulit ko pa siya ng kinulit hanggang sa mainis ka.

"Tinatanong mo kung anong gusto ko?!" Tumango ako.

"Pwes,hiling ko mamatay ka na!" Siya. At tumalikod sa akin. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Yun ang hiling niya?

Kung yun ang hiling niya sige......

Tutuparin ko.

***
Carl's Point of View

2 days after.....

Birthday ko na. At Hindi ko nakita ang sagabal sa buhay ko na si Kate Ann.

Habang nagpaparty kanina Hindi ko rin siya nakita. Wag mo sabihing tinutoo niya ang sinabi Kong hiling ko. TSS, imposible, di niya gagawin yun. Baka nagtampo lang sa akin at Hindi na nagparamdam. Mapuntahan nga sa bahay niya at kausapin siya. May sarili na kasi siyang bahay na binigay ng magulang niya sa kanya.

Pumunta ako sa bahay niya. At nakita ko may mga balloons sa labas. Pumasok na ako ng kusa kasi bukas naman ang pinto.

At nakita ko ang mga balloons sa loob. At may nakalagay pang tarpulin na may nakasulat na ' Happy Birthday, Carl, I love you'. At may mga pictures namin na masaya kami. At may mga pagkain na paborito naming dalawa. Nakaramdam ako ng guilt dahil nagcelebrate pa siya sa bahay niya kahit wala ako.

Hinanap ko si Kate para magsorry, alam kong alam niya ang mga ginagawa kong kalokohan araw-araw, pero hindi ko siya mahanap. Kinabahan ako. Hindi kaya.......

Hindi, Hindi niya gagawin yun hindi siya tanga o baliw para gawin yun.

Pumasok ako sa kwarto niya at.....

Unti-unting tumulo ang luha ko. Kasi si Kate.......

Nagbigti siya pero, may nakita akong papel sa paanan niya. Pinulot ko ang papel at doon ko napagtanto na sulat niya yun.

'Dear Carl,

Surprise, Mahal ko. Naghanda ako para sa'yo, yung mga paborito nating dalawa niluto ko. At para maalala mo ang mga masayang ala-ala nating dalawa. Yung una yung nanliligaw ka sa'kin, yung pangalawa yung sinagot kita, sobarang saya mo pa nga nun. Pangatlo, yung first date natin. Pang-apat ang first monthsary natin. Naalala mo pa ba nung first monthsary natin, nangako tayong dalawa sa isa't isa na walang iwanan, walang susuko. Kahit anong mangyari lalaban tayo. Pero, bakit ganun bakit ikaw yung bumitaw. Bakit sa'ting dalawa ako na lang pala ang kumakapit, ako na lang yung lumalaban. Hay, nagiging madrama na naman ako. Sorry kung sa sulat ko lang to nasabi. Happy Birthday ulit, Hon. Nagawa ko lahat to be a perfect girlfriend. Natupad ko ang pangako ko. Na-surprise pa kita. At..... Natupad ko rin ang wish mo. Sana maging masaya ka sa piling ng taong mamahalin mo. Sana maging sapat na siya sa'yo. Kasi ako.... Hindi ako naging sapat para sa'yo. Wala naman akong karapatan pakielaman ang buhay mo kasi nga..... GIRLFRIEND mo lang ako. Sige na ah, iiwan na kita. Wag mong kakalimutang mahal na mahal kita. Kahit anong hilingin mo tutuparin ko. '

Naiyak na talaga ako. Hindi ko alam, Hindi ko alam ang nararamdaman niya. Naging tanga ako, at hinayaan ko siyang mawala, siya na walang ginawa kundi mahalin lang naman ako. Ang tulad kong, manlolokong lalaki. At ang tanga ko talaga kasi ngayon, ngayon ko lang na-realize na mahal ko pa rin siya. Kung saan huli na ang lahat.

Siguro dapat na rin akong mawala. Wala rin naman akong silbi sa mundong ito. Kasi ang babaing minahal lang naman ako ay wala na, ang babaing niligawan ko, minahal ko. Pero sa huli.... Ako rin naman ang nanlamig, ako ang bumitaw. Kahit sa huling hininga niya, wala siyang ginawa kundi mahalin ako, nakangiti pa siya habang nakasabit ang ulo niya sa lubid. Kaya dapat nga siguro mawala nalang ako.

Kumuha akong lubid at isinabit sa kisame.

Pumatong ako sa upuan at itinali ang lubid sa leeg ko.

Tumalon na ako sa upuan. At ipinikit ko ang Mata ko.

'Malapit na ako dyan, mahal ko. Magkakasama na ulit Tayo. At sa pagkakataong to mamahalin na talaga kita'

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Wish Mo? (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon