"Good evening Cyrus, alam kong pauwi ka na ngayon pero may kelangan lang kasi akong iinform sayo" bati ni Yuri na nakadungaw sa harap ng pintuan ng aking opisina habang may hawak na napakaraming papel.
Tumingin muna ako sa orasan sa aking lamesa, 4:29pm.
"Sige pumasok ka Yuri" pag-imbita ko sa kanya.
"Salamat Cyrus. Ipapakita ko lang sana itong mga survey result ng mga employee natin galing sa mga sales agent. Nagrerequest sila ng renovation sa prod kasi daw sobrang init kahit na gabi." sabi ni Yuri habang pinapakita ang napakadaming papel ng survey.
Dito sa opisina, importante sa akin ang saloobin ng mga empleyado kaya pwede silang mag-open ng kahit anong nakikita nilang kelangan iimprove ng kumpanya, maganda man o hindi.
"Anong problema Yuri? Hindi ba sinabi ko naman sayo na gawin lang natin ang mga sasabihin ng empleyado natin na makakabuti sa kumpanya? Kung magwork edi maganda, kung hindi nagwork atleast nagtry tayo at makikita pa natin kung ano ba ang mas dapat nating gawin." sagot ko sa kanya.
"Oo nga Cyrus, Ipapaprocess ko na nga sana ung renovation kaso kasi kelangan mo muna i-check yung lugar sa gabi para malaman natin kung ano ba ang dapat nating baguhin" sagot naman ni Yuri.
"Alam mo naman na hindi ako pwede sa gabi. Hindi ba pwedeng sa umaga ko iyon tignan? Kahit bukas ng umaga titignan ko yun agad." Nag-aalangan kong sagot. Hanggat maari ay ayokong tumanggi sa mga suyo sakin ng aking katrabaho, lalo na't kaibigan ngunit hindi talaga maari ang nais niya.
"Pasensya na talaga, alam ko naman ang kalagayan mo pero ayoko naman bastang gumawa ng walang pahintulot mo kahit alam ko namang ayos lang sayo yun. Sa gabi kasi kakaonti ang tao sa prod at sa gabi lang din ang nirereklamo ng mga ahente." pakiusap ni Yuri.
"Sige gagawan ko ng paraan bukas ng gabi." sagot ko.
"Salamat talaga Cyrus, Mauuna na ako." Paalam ni Yuri, tumayo na siya at umalis na sa aking opisina.
Si Mercaida Yuri Shin, isa sa mga matatalik kong kaibigan. Siya ang messenger ng kumpanya at lahat ng saloobin ng mga empleyado ay sa kanya dumadaan upang iparating sa akin.
BINABASA MO ANG
As We Meet Again
Mystery / ThrillerAnd if you are to love, love like a moon loves. It doesn't still the night it only unveils the beauty of the dark. How can you love someone from far away? or how far can you love someone? If we are brave enough to love then how brave we are to do...