7: Alone

4 0 0
                                    

Maika POV

Ngayong umaga mag-isa lang ako. Feel ko lonely ako. Wala rin naman akong kasama sa bahay today halos lahat kasi iniwan ako. May pupuntahan siguro sila. Hindi man lang nila ako inisip. Huhuhu. Wala akong magawa kaya pumunta muna ako sa living room.

Pagkababa ko nang hagdan, umupo agad ako sa sofa maybe I can watch my favorite movie today entitled My Revenge. Grabe ilang beses ko na pala itong napanuod kaso kasi masarap ulit-ulitin.

Ilang oras ang lumipas natapos ko na rin yung movie. Tinignan ko naman cp ko wala man lang silang text. Feel ko rin tuloy walang nagmamahal sa akin. Kahit kasi boyfriend ko walang text sa akin siguro busy nga sila.

Pumunta nalang ako ng kitchen para syempre magluto. Gusto ko magluto ng pasta with red sauce in short spaghetti. HAHAHAHAHA.

Inihanda ko na lahat ng mga sangkap. I'm so excited na talaga magluto minsan ko lang kasi gawin ito eh. Lagi kasing palpak luto ko. Minsan matabang kung minsan naman maasim. Sana ngayon magawa ko naman ito ng tama.

Malapit ko na matapos yunt niluluto ko nang biglang may tumunog sa may living room, cp ko pala yun. Dali-dali kong tinignan kung sino yung nagtext.

1 message

From: Mama

Darling, hindi pala kami makakauwi. Ingat ka nalang. Bukas naman uuwi na kami. Mwuah.

-end-

Pagkabasa ko nang text ng aking mama nanlulumo ako na bumalik nang kusina. Tinuloy ko na lamang yung niluluto ko. Natapos ko naman agad yung spaghetti kaya inihanda ko na para makain ko na. Bahala na kung ako lang mag-isa kakain nito, papakabusog talaga ako.

Ilang sandali pa sumubo ako na ako.

~Ackkkkkkkk~

Pumunta agad akong sink para isuka yung sinubo ko. Hindi ko maintindihan yung lasa. Hindi na naman masarap luto ko. Hays.

Napagdesisyunan ko na lumabas nalang nang bahay para bumili sa isang malapit na tindahan. Bibili ako nang pancit canton para naman makakain ako nang matinong pagkain. Naloloka ako kapag ako yung nagluluto mismo mas mabuti na ready-to-cook nalang.

Pagkabili ko, hindi naman sinasadya na may mabunggo ako.

"Aray! Pwede ba miss tignan mo dinadaanan mo" Sean

"Sorry-"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagreact.

"IKAW NA NAMAN?!"Sean

"YOU?!"sabi ko kasi nagulat ako na siya pala yun. All along kasi nakatungo lang ako kasi nga malungkot ako kaya nga nakabangga ako.

"Napakamalas naman. Just stay away from me. Ayaw ko na makakita ulit ng panget na kagaya mo.

"FYI, hindi ako lumalapit sa iyo baka nga ikaw yung sumusunod sa akin. Gusto mo ako ano? Para lang aware ka ayaw ko rin na makita ka!"

"Miss, ang kapal naman ng mukha mo. Kuha ako ng kutsilyo, tatapyasan ko para maging manipis." Sabi niya sabay halakhak.


Sinuntok ko naman siya sa mukha para tumigil na.

"Sh*t"rinig kong daing niya pero wala akong pake.


Akala niya hindi ko siya papatulan ah? Kainis. Umalis ako agad at umuwi na nang bahay. Nasira ba naman agad araw ko eh. Hindi nalang ako tantanan ng panget na yun.

When Destiny Tied Us [Slow Update]Where stories live. Discover now