Patuloy parin sa paghahanap ng usa si Kaisir pero hindi niya parin makita ang usa dahil alerto na ito.
"Kainis!" Inis na sambit ni Kaisir.
"Wag ka mainis Kaisir, hanapin mo yung usa." Wika ni Kristian.
nag lakad ng mabilis si Kaisir para hanapin ang usa habang si Kristian naman ay sumusunod sa kaniyang anak.
"Nahanap mo na?" tanong ni Kristian.
Pumunta si kaisir a isang bangin at nakita na niya ang usa sabay kumaway ito sa kaniyang ama para malaman na nahanap na ang usa.
Mabilis naman na pumunta si Kristian sa kaniyang anak at nag tago sila sa isang madamong lugar para hindi makita ng usa.
"Okay.. focus ka lang sa papanain mo.."
Sinunod naman ni Kaisir ang mga payo ni Kristian at itinutok ang pana sa usa.
"Magaling.. ngayon tirahin mo na!" wika ni Kristian.
Agad naman pinana ni Kaisir ang usa at natumba ito. Lumapit sila sa usa pero hindi pa ito namatay, kinuha ang kutsilyo mula kay Kaisir at pinahawak niya ito.
"Tapusin mo na Kaisir." sambit ni Kristian.
"P-pero..."
Nanginginig ang mga kamay ni Kaisir dahil sa unang pagkakataon ay isa-saksak niya ang isang usa.
Hinawak ni Kristian ang mga kamay ni Kaisir sabay isinaksak ito sa leeg ng usa para mamatay na.Maluha-luha ang mga mata ni Kaisir dahil pinatay na niya ng usa ng malapitan, tatahanin sana ni Kristian ang kaniyang anak pero hindi na niya lang tinuloy.
"Umuwi na tayo." Saad ni Kristian.
Tumango na lamang si Kaisir at tumayo samantalang si Kristian ay tumayo at binuhat ang usa na nahuli nila.
"Okay lang iyan anak, basta huwag kang magpapadala sa damdamin mo baka yan ang magpapahamak sayo." Cold na sambit ni Kristian.
"Kaya pala noong may kumalaban sayo na isang malaking nilalang pinatay mo na agad." wika ni Kaisir.
"Oo tama ka Kaisir." sagot naman ni Kristian.
"Ama.. sino nga pala si Blaire? isa ba siyang nilalang dito sa Midgard?" tanong ni Kaisir.
"Hindi siya basta-bastang nilalang Kaisir.." Malamig na sagot ni Kristian sabay nag lakad na pauwi.
"Sandali ama! sino ba talaga siya??" tanong ulit ni Kaisir habang sumusunod sa kaniyang ama na si Kristian.
"Isa siya sa mga kasamahan ko noon..." sagot ni Kristian.
"Bakit kayo nagkahiwalay-hiwalay mag kakagrupo?" tanong ulit ni Kaisir.
"Tama na muna Kaisir, uuwi pa tayo.."
Habang naglalakad sina Kristian at Kaisir, pagdating nila sa ilog may isang nilalang na di nila inakala na datating.
Tumigil sa paglalakad ang mag-ama at ibinaba ni Kristian ang usa na buhat niya.
"Draugr.. ngayon ko lang siya nakita nang malapitan." Wika ni Kaisir.
Kinuha ni Kristian ang kaniyang Frost Axe at inihanda niya ito sa pag hagis.
Nang humarap ang Draugr agad na hinagis ang Axe ni Kristian sa Draugr at namatay."Wow.." manghang sambit ni Kaisir.
Nilapat ang kamay ni Kristian para bumalik ang Axe sa kaniya, nang bumalik nga ito, agad niyang inilagay ang axe sa likod niya.
BINABASA MO ANG
The Frostians: Ragnarok
FantasyA book 2 of the frostians series! Kristian and his team (Da Squad) had fulfilled their mission after defeating Ken Z and King Genesis in the modern realm now the Da Squad had disbanded for the sake of peace and protect the world from evil. Years a...