Kabanata 4:

17 0 0
                                    

Kabanata 4:

"Anong ibig mong sabihin? Ano bang nakatadhana? Ano ba ang nakasulat sa mga tala? At bakit sa dinami-raming taong mapaglalaruan ng tadhana, ako pa amg napili niya?" Sunod sunod na tanong ko na naging dahilan upang tumawa siya

"Hinay-hinay lang binibini.. Nag-iisa lang ako.. Matanda pa at uugod-ugod" saad niya at tumawa na namang muli

Ano bang nakakatawa?

"Noong araw kasi.. May isang babaeng humiling sa balon na kung tawagin ay 'Balon ng Kahilingan---" pinutol ko ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagsasalita

"Oh tapos? Ano namang koneksyon ko dun?" Saad ko habang nakataas ang aking isang kilay

Saan ko ba nakuha ang katarayan kong ito?

"Hindi ka ba naturuan ng magandang asal sa inyo binibini? Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo at hindi mo dapat pinuputol ang sasabihin ng nagsasalita" sermon niya sa akin

Napakaseryoso ng mukha niya kaya naman napalunok ako ng ilang ulit..

Mali yatang naging magaspang ang ugali ko..

Humingi ako ng tawad sa kaniya at sinenyasan siya na ako'y tatahimik na at makikinig na lamang

"Hiniling niya sa balon na kung sino man ang ipagkakasundo sa taong hindi naman niya mahal.. Ay tutulungan ng balon na makatakas sa kapalarang ito at ang dalawang taong iyon ay pagtatagpuin ng tadhana.. Kahit sinong tao at kahit anong panahon nagmula.. Basta ba't pinagkasundo atsaka walang pagmamahal ang naroroon" saad niya

"Ang ibig bang sabihin nun.. May makikilala akong lalaki na nanggaling rin sa ibang panahon o sa panahong ito?"

Tango lang ang ibinigay niyang sagot sa akin..

Kailan at saan kaya kami magkikita ng lalaking ito? At sa anong panahon kaya siya nanggaling?

Tinalikuran ko muna ang mahiwagang babae atsaka nag isip isip..

Ilang minuto rin akong nag isip isip bago naisipang humarap muli sa kaniya ngunit pagharap ko sa kinaroroonan niya, wala na siya..

Naglaho siya ng parang bula..

Nakakapagtaka mang isipin kung bakit bigla na lamang siyang naglaho ngunit hindi na ako nabigla sapagkat alam ko namang makapangyarihan siya..

Pumasok na ako sa loob ng bahay at tinungo ang nakalaan na silid para sa akin..

Humiga ako sa aking pansamantalang higaan at ilang segundo pa ang nakalipas, bigla na lamang bumigat ang talukap ng aking mga mata na naging sanhi upang ako'y makatulog..

*************

"Girllll!! I'm back na.. Fresh from the supermarket.. I also bought clothes from you kasi nga.. I know naman na wala kang clothes so here" saad ng boses..

Sino ba iyong nagsasalita?

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Binibining Everhett na nakangiti sa akin

"I pili pili the one dresses na long ha. Tapos may sleeves na rin. Baka kasi di mo suotin pagwalang sleeves o napakaiksi.. I hope magustuhan mo iyan girl" saad niya habang nakatingin ng diretso sa akin

NAKAKAILANG ANG MGA TITIG NIYA!

"S--salamat binibini.. Sana'y pagpalain ka ng Diyos" saad ko atsaka tinignan ang mga damit na binili niya..

Napakaganda ng mga damit!

"Isukat mo na yan girl.. Baka di magkasya.. After nun.. You pili pili one dress tapos yun na lang yung isuot mo mamayang gabi and theennn.. Let's kwento kwento para naman my malaman akong infos tungkol sa iyo" saad niya

Pumasok na ako sa palikuran atsaka sinimulan ko nang sukatin ang mga damit na binili niya..

Pinili ko ang bistidang kulay puti..

Simple lang siya ngunit napakaganda pa rin nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simple lang siya ngunit napakaganda pa rin nito..

Hindi ko lubos akalain na mararanasan kong pumarito sa hinaharap..

*******

"Girl? Where are you from pala? I mean.. Saan ka nagmula or saan ka nakatira? Your face is I know, bago pa lang dito" saad niya

Paano ko sasabihin na nanggaling ako sa panahong napakalayo pa sa 2019?

Baka hindi niya ako paniwalaaan.

Pero wala namang masama kung susubukan ko, diba?

"Uhmm.. Sa panahong.. 1946.." saad ko na ikinagulat niya

"How? Why? Wow. Damn. So like nagtime travel ka papunta rito? My gosh! I don't understand! Like di ko talaga gets. Explain to me further naman oh. Mababaliw na ako rito kakaisip.. Sa kaniya. Charot." Saad niya atsaka humagikgik

Kwenento ko sa kaniya ang nangyari sa akin dahilan upang mas lalo siyang mahiwagaan.

"So like nagtime travel ka nga? Oh wait.. Baka di mo naintindihan ang time travel.. Google? Where are you na ba?" Saad niya na ikinakunot ng noo ko.

Gugol? Ano ba yun?

"Oh! Here it is na! It's paglalakbay ng oras. So you like.. Lakbay lakbay pala" saad niya at agad naman akong napatango.

"The heck! What's lakbay? Argg. I need to attend na talaga Filipino lectures." Naiinis na bulong niya

Napatawa naman ako ng mahina.. Kahit na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya..

Hayst.. Paano kaya ako makakabalik sa panahon ko? At ano namang ambag ng lalaking sinagip rin sa kasal na di naman niya gusto sa nakatadhanang ito.

Mukhang magtatagal pa ako sa panahong ito dahil hindi ko pa siya nakakaharap.. O nakaharap ko na nga ba siya?

I Love You Since 2064Where stories live. Discover now