Finale

442 5 3
                                    

Hae Min's POV

Pangako, hindi na kita guguluhin...

Pangako, hindi na kita guguluhin...

Pangako, hindi na kita guguluhin...

Paulit-ulit sa utak ko ang huling sinabi kanina ni Sehun. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang dinudurog na naman ni Sehun ang puso ko ngayon.

Yun nga ba talaga ang gusto ko??? Ang hindi na siya makita pang muli??? O natatakot lang ba akong masaktan niya ulit???

Mahal ko pa rin ba talaga siya??? Utak ko lang ba ang may ayaw na bumalik sa kanya??? Yun din ba ang gusto ng puso ko???

Eh bakit ganito??? Bakit parang gusto kong tumalon nalang ngayon sa pinakamataas na gusali para maalis lang yung sakit na nararamdaman ko sa sinabi niya???

Baka kasi umaasa ako na mag-eextra effort siya para patawarin ko... Baka yun lang hinihintay ko...

Yun nga ba??? Pero sumuko na siya... Hindi na daw niya ako guguluhin... Ibig sabihin, hindi na siya magpapakitang talaga sakin???

Pero akala ko ba, ayaw ko ng mahalin siyang muli??? Ang gulo mo naman, Hae Min....

"Haaaaiiizzzttt...." napabuntong hininga ko.

"Wui... Ano nangyayari sayo? Kagabi ka pa ganyan paguwi niyo ni Marco galing sa Grad Ball mo ah. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni unnie sakin habang nakaharap kaming dalawa sa t.v.

Kasalukuyang nanonood kami ng movie ngunit ang isip ko'y wala sa palabas kundi kay Sehun.

"Naguguluhan ako, unnie..." usal ko.

Humarap si unnie sakin at malamlam na tinignan ako. "Tungkol ba 'to kay Sehun?"

Napapitlag ako sa tanong niya.

Bakit alam ni unnie???

"Pa-papaano m-mong..."

"Nalaman? Syempre babae rin ako. At alam ko na malaking epekto sayo ang muling pagkikita niyo ni Sehun."

Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim.

"May mga bagay talaga na magulong isipin lalo na kapag pinipilit mong utusan ang utak sa bagay na ayaw naman ng puso mo gawin."

"Pero, unnie... Sa ginawa niya sakin noon, parang di ko na ata kayang mahalin siya ulit..."

"Hindi mo kaya, o natatakot ka?" nakangiting tanong niya sabay abot nito saking kanan na palad at masuyong hinawakan. "Kung hindi ka susugal sa nararamdaman mo, mas lalong hindi mapapanatag ang isip at puso mo. Dadalhin mo yan sa mahabang panahon, sige ka." pabirong pananakot nito sakin.

"Isa pa, hindi mo naman siya kailangan mahalin ulit. Dahil alam kong hindi naman nawala ang pagmamahal mo sa kanya. Tama ba?" dagdag pa nito.

Ummm.... Tama nga ba si unnie??? Hindi nga ba nawala ang pagmamahal ko kay Sehun??? Kaya ba naguguluhan ako??? Niloloko ko lang ba sarili ko???

"Lalo ata ako naguluhan sa mga sinabi mo, unnie. Ahahaha!"

"Kasi ngaaaaa.." marahan akong dinutnot ni unnie sa sentido ko, "Pinipilit niyang utak mo na gawin ang ayaw ng puso mo. Nakadepensa agad ang iniisip mo, para di ka masaktan. Pero para saan pa yang nararamdaman mo? Nako kung ganyan rin lang, maghukay ka na sa garden natin at ibaon mo dun yang feelings mo para kay Sehun. Baka sakali may magbago. Ahahaha!"

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon