6th Orbit (Cyrus POV)

2 0 0
                                    

Pagpasok sa production room, ang dami ng nakatingin sa amin ni Yuri. Hinanap ko agad ang kaibigan naming si Venusa, ngunit hindi siya ang napukaw ng aking mga mata.

Isang babaeng seryosong nakatingin sa kanyang monitor at kahit halatang nag-uusap at nagkakantyawan ang mga tao sa kanyang likuran ay hindi pa din naaalis ang tingin niya sa kanyang ginagawa.

"Cyruuuus! Baka naman matunaw ang ahente ko." biro sa akin ni Venusa, na siyang nakapag-alis ng atensyon ko sa babaeng iyon.

Hinalikan ko sa pisngi si Venusa at nagyakap kami ng bahagya.

"Grabe! Iisa lang ang kumpanyang pinagtratrabahuhan natin pero ngayon lang kita ulet nakita." sabi ni Venusa at inalis na ang pagkakakapit sa mga yakap namin. Nilapitan naman niya si Yuri at ganun din ang ginawang pagbati.

"Oo e. Pasensya na. Alam mo naman ang kalagayan ko." Pagpapaumanhin ko habang pinagmamasdan silang magyakapan ni Yuri.

"Biro lang. Ano ka ba? Wala din ksi akong oras umakyat sa opisina mo mabuti at nakapunta ka dito. At gabi ha? Ano bang importanteng gagawin mo at kelangan mo pa pumunta ng gabi dito." sabi ni Venusa habang pinaniningkitan ako ng mata.

"Iche-check ko lang yung kelangan baguhin dito sa prod. at ayaw daw simulan ni Yuri nang walang pahintulot ko." sabi ko habang tinatanaw ang kisame ng buong prod.

"Nako ka Yuri! Alam ko namang mataas ang respeto mo kay Cyrus pero papatayin mo ba ang kaibigan natin?" panunumbat ni Venusa.

"Ano ka ba? Okay lang naman sa akin. At ikaw lang naman kasi ang walang respeto sa akin kahit na kung iisipin e boss mo pa din ako. Hahahahaha." Natatawang sabi ko. Patuloy pa din kaming nagusap habang tinitignan ko na ang mga dapat ayusin sa prod.

Sinadya kong dumaan sa station ng babaeng tinatanaw ko kanina. Sinilip ko muna siya at tinignan ko na din ang station ng TL niya. Team Leader Venusa Brooks, ang nakalagay sa lamesa.

Napatingin ako kay Venusa na nakaabang na pala sa paglingon ko.
"Oh bakit?" Pag-amba niya.

"Anong pangalan niya?" tanong ko kay Venusa. Alam kong kilala niya ang tinutukoy ko.

"Lureine Selena Moore, Luna ang palayaw niya. Bakit gusto mo siya?" Bulong sakin ni Venusa.

As We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon