8th Orbit (Cyrus POV)

2 0 0
                                    

"Mag-iingat ka pauwi ha? Tawagan mo ko pagnakauwi ka na." Bilin ni Venusa.

"Hala pa-fall ka te?" biro ko sa kanya.

Isang batok naman ang natanggap ko agad sa kanya.

"Kapal ng face mo friend, Nag-aalala lang ako sayo kasi maihipan ka na ng masamang hangin, wag lang panggabing hangin." Nakasimangot na sabi ni Venusa.

"Hahaha. Oo na. Sige salamat." Bumeso na ko kay Venusa at humarap kay Yuri.

"Wala ka na bang ipapagawa ngayon Yuri? Baka gusto mo pang ipasilip yung bawat station ng mga ahente. Hahaha." Biro ko kay Yuri, naabala sa pagsilip sa mga papel na sinulat ko kanina.

"Haha. Wala na Cyrus. Salamat talaga sa pagpunta at pagtulong na icheck ung prod ng gantong oras. Alam ko kung gaano kadelikado to sayo." Nahihiyang sabi ni Yuri.

"Ano ka ba? Okay lang talaga. Hindi to utang na loob Yuri. Para to sa kumpanya, alam kong pare-pareho natin gustong mapanatili ang kaayusan ng kumpanya." Sabi ko sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.

"Salamat sa inyong dalawa, alam kong ginagawa niyo ng maayos ang mga trabaho niyo." Dagdag ko pa.

"Para saan pa na magkakaibigan tayo kung di ka namin tutulungan at saka malaki ang respeto namin sa magulang mo Cyrus. Parang mga magulang na namin sila, and the other thing bayad naman to noh. duuuuh? Hahaha" Biro ni Venusa.

Nagtawanan kaming tatlo at nagpaalam na din ng tuluyan sa isa't isa. Hinatid muna namin si Yuri sa sasakyan niya at nag-over time lang talaga siya ngayong araw. Bumalik naman si Venusa sa prod dahil pang gabi ang trabaho niya.

Palabas na ang kotse ko sa building ng opisina ng natanaw ko ang babaeng pinagmamasdan ko kanina, si Luna.

Bumibili siya sa loob ng isang convenient store, siguro ay meal break niya ngayon. Gustong gusto ko titigan ang muhka niya pero dahil tinted ang kotse ko hindi ko iyon masyado matanaw.

Binuksan ko ng bahagya ang bintana ng kotse para mas makita ko siya ng tuluyan. Nagbabayad na siya sa counter ng nangati ang aking katawan, sinilip ko ang aking kamay na namumula at may mga pantal. Bigla nalang akong hindi makahinga pagkatapos dumilim na ang paligid.

As We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon