"Nurse, Cyrus is already awake. Please tell the doctor" boses yun ni Venusa.
Hindi ko pa masyado minumulat ang mga mata ko pero pinipilit ko ng bumangon.
"Cyrus, how are you?" Tanong ni Yuri saken.
"What the heck Cyrus! I warned you already!" Sigaw ni Venusa saken.
Tuluyan ko ng minulat ang mga mata ko. Nasa ospital ako, Bakit ako andito? Anong nanyare sa akin? Bakit nag-eenglish ang mga tao?
Hinawakan ko ang ulo ko. Nang nakita kong nakapasok na ang doktor saka ako nagsalita.
"Who are you? What am I doing here?" tanong ko sa kanila.
"Cyrus, Inatake ka na naman ng sakit mo. Hindi ka naman napuruhan sa ulo, wag mo kaming anuhin dyan" banta ni Doc Marsial.
"Nakakainis ka! Akala ko naapektuhan na yung utak mo ng sakit mo! Umayos ka nga!" Nakasimangot na sabi ni Venusa, aamba pa sana siyang hahampasin ako pero sinita siya ni Yuri.
"Hahahaha. Oh e bakit akala niyo kayo lang marunong mag-english, pinakitaan ko lang kayo ng skills ko bakeeeet?" Natatawang sagot ko.
"Marsial, iabot mo saken ung syringe yung pinaka malaki dali!" Sigaw ni Venusa halatang naiinis na.
"Hahaha. Oh chill. Biro lang buti nga hindi ako sumigaw ng "wag mo ko englishin sa sarili kong bansa!" Sabi ko habang umaarte.
"Ano ba kasi nanyare sayo?" Tanong ni Yuri. Halatang nag-aalala silang tatlo sa akin.
Kinuwento ko sa kanila ang naaalala ko bago ako nawalan ng malay. Dahil sa kwento ko kamuntik muntikan na talagang ihampas saken ni Venusa ang Oxygen tank sa tabi niya.
"Pasalamat ka nalang at nasikatan ka kaagad ng araw. Kung napatagal at napadami ang hangin na nalanghap at naramdaman ng balat mo baka tuluyan ka ng hindi nakahinga." seryosong sabi ni Doc Marsial.
"Pasensya na kung pinagalala ko kayo." Paumanhin ko sa kanilang tatlo.
"Nako! Kami talaga ang mayayari sa magulang mo niyan. Sabihin pinapabayaan ka namin." Sumbat ni Venusa.
"Pasensya na din Cyrus. Sana di nalang kita pinapunta kagabi." Nahihiyang sabi ni Yuri.
"Ano ba Yuri? Paulet-ulet kong sinasabi sayo, wala yun." paninigurado ko kay Yuri.
"Basta hindi ka muna pwe-pwedeng lumabas ng gabi Cyrus, may makapal mang-damit o wala." sabi ni Doc Marsial.
BINABASA MO ANG
As We Meet Again
Misterio / SuspensoAnd if you are to love, love like a moon loves. It doesn't still the night it only unveils the beauty of the dark. How can you love someone from far away? or how far can you love someone? If we are brave enough to love then how brave we are to do...