Umuwi na ako sa bahay pagkatapos makipagkwentuhan sa mga kaibigan. Hindi muna ako pinapasok ngayon ni Doc Marsial para makapagpahinga.
Nakatanggap ako ng napaka daming mensahe mula sa mga kaibigan at talagang nagalala sila lahat sa akin.From Venusa
"Get well Cyrus. Stop being so hard headed."From Mercaida Yuri
"Cyrus sorry talaga ha? Magpahinga ka na, ipapasa ko nalang mamaya sa opisina mo yung plano sa prod. Salamat ulet."From Doc Marsial
Nurse Era will be there to check on you. Expect her at least 10am. Drink your medicine and you need more vitamin D, exposed your bare skin to sun light. Get well bro.From Era
Hey! I heard what happened to you. I will be there at exactly 9:45am. See you.Hindi ko na muna nireplyan lahat ng text at humiga muna ako para makapagpahinga. Ilang minuto lang ay nakatulog na ako dahil na din siguro sa sobrang pagod at puyat. Nagising nalang ako ng may naramdaman akong humawak sa aking muhka.
"Era? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ko. Napataklob naman ako agad ng kumot sa katawan ko dahil tanging underwear lang ang suot ko. Nakatapat kasi ako sa araw nung natutulog ako.
"Pasensya na Cyrus. Pinapasok na ako nila Aling Daisy kasi sabi nila hindi ka pa daw kumakain. Kelangan mo na uminom ng gamot mo mamayang alas-onse." Nag-aalalang sabi niya.
"Ganun ba? Sige salamat. Okay lang ba hintayin mo nalang ako sa kusina, magbibihis lang ako" Pakikiusap ko sa kanya.
"Sige, ako na din magdadala ng mga gamot mo." Kinuha niya ang mga gamot na nakalagay sa mesa ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.
Kumuha naman ako agad ng damit at nagbihis. Pagkatapos ay pinuntahan ko na si Era sa kusina.
Matalik na kaibigan din namin si Era o mas kilala na Nurse Era Rodriguez. Sobrang matatalik ko silang kaibigan kaya hindi na sana ako mahihiya sa nanyare kanina kaso nung nakaraang taon umamin siya sa akin na may nararamdaman siya para sa akin ngunit kapatid na ang turing ko kay Era. Kapatid na ang turing ko sa kanilang lahat, at anak na din ang turing sa kanila ng aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
As We Meet Again
Mystery / ThrillerAnd if you are to love, love like a moon loves. It doesn't still the night it only unveils the beauty of the dark. How can you love someone from far away? or how far can you love someone? If we are brave enough to love then how brave we are to do...