12th Orbit (Cyrus POV)

0 0 0
                                    

Pagkatapos ko makipagusap kay Doc Marsial, dumeretso na ako sa kumpanya.

Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ay nakita ko na agad si Yuri na nakadungaw sa pintuan ng aking opisina.

"Good morning Yuri, tuloy ka." Nakangiti kong bati.

"Good morning Cyrus, kakamustahin lang sana kita." Nahihiyang bati niya.

"Okay na ako Yuri, maraming salamat sa pagaalala at pagpunta kahapon sa ospital." paninigurado ko sa kanya.

"Mabuti naman, gusto ko lang humingi ng pasensya. Nagdala ako ng ice cream, alam kong paborito mo iyan." Sagot naman niya sabay lapag ng ice cream sa lamesa ko.

"Hahaha. Salamat Yuri, hindi ka na sana nagabala okay lang naman sakin at hindi mo iyon kasalanan." nakangiti pa ding sabi ko.

"Pero pasensya pa din talaga, kung hindi kita pinilit pumunta ng gabi dito hindi sana manyayare sayo iyon" Nakayukong sabi niya.

Nang naalala ko ang nanyare kagabi, napangiti ako lalo.

"Ano ka ba Yuri? Tigilan mo na nga iyan kakahingi ng pasensya. Gusto ko nga magpasalamat sayo e. Kung di dahil sayo hindi ko makikilala yung napaka misteryosang babae na yun." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Si Luna? Kaibigan ko din siya. Madalas ko siya kasama noong ahente palang ako dito sa kumpanya." Pagpapaliwanag niya.

"Talaga? Ang galing naman. Kung ganun pwede mo ba akong tulungan?" nakangiting tanong ko.

"Kahit ano Cyrus, makabawi lang ako sa nanyare sayo kagabi." Nahihiya na namang sagot niya.

"Salamat, gusto ko lang kasi siya makilala, kaso hindi ko naman siya pwepwede dalawin ng gabi. Okay lang ba kung may mga ipapabigay ako sa kanya?" nahihiya ko na ding tanong.

Nakita kong nagliwanag ang muhka ni Yuri. "Oo naman Cyrus. Para saan pa at naging messenger ako ng kumpanya. Yan pa din naman ang trabaho ko diba? Hahaha" Natatawang sagot niya.

"Salamat talaga Yuri. Kaso hindi ko alam kung ano ba ang mga ibibigay ko kay Luna." Nag aalala kong sabi sa kanya.

"Isipin mo na ng mabuti ang mga sasabihin mo, ako na ang bahala sa ibibigay mo." paninigurado sa akin ni Yuri, na muhkang alam na alam na ang dapat gawin.

Habang naghihintay akong magstart ang PC nagkwentuhan muna kami ni Yuri tungkol sa mga kaganapan sa kanila noon ni Luna.

As We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon