Kumpulan dito, kumpulan doon kanya kanyang pwesto ang mga tambay . Mga manginginom at mga batang naglalaro sa kalye. kung sa mata ng iba ay natural na ito , para kay lorlie ay hindi, masakit sa mata yan ang pakiramdam nya, makipot na nga ang daanan ay nakaharang pa sila. skwater na nga ang lugar, mas lalo pang pinapangit tignan, kuryenteng puro sabit-sabit, miski tubig ay sabit rin, mga bahay na itinayo sa lupang may nag mamay-ari, kung sino pa ang nangungupahan sila pa ang matapang . kung sino pa ang nakikikabit sila pa ang galit.
Barangay Minahal, Pinagsawaan City. lugar kung saan ang chismisan ay nagkalat. kwento rito kuwento roon, di matapos na chismisan at bangayan. kanya kanyang chismis bawat eskinita, may sari sariling kwentong tinatahi dinaig pa ang gagambang nagsasapot ng bahay.
buhay na buhay si aling lilet , bidang bida nanaman sa chismis na nakalap, idagdag mo pa sila aling Charm na pag nakaharap ay kala mo anghel sa bait , ngunit isa din palang tsismosa ng barangay.
Halika't puntahan natin ang aming barangay
YOU ARE READING
Ang Chismosa Naming Kapit-bahay
Short StoryCCTV nowadays are not those non-living things but those who live and maybe one of you. Is there any case to be filed, or any remedies to stop this one. Can i conquer this or I will suffer. ?