Dylan as Lance
Gunter's POV
Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung tama ba ang ginawa ko. Matapos mangyari sa amin ni Lance ay tila hindi pa rin ako sigurado kung parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Kahit na hindi ako sigurado sa kaniyang damdamin para sa akin ay binigay ko pa rin ang lahat ng gusto niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging mapagbigay ako sa taong mahal ko pero ito ang unang pagkakataon na nilunok ko ang pride ko para lang mapaligaya siya. Sa totoo lang ay kanina pa ako gising pero patuloy kong pinipikit ang aking mata dahil natatakot akong malaman na baka pagmulat ko ng aking mata ay panaginip lang ang lahat ng mga to. Hindi parin mawala ang labis na kirot sa aking pwetan hanggang sa aking balakang. Pakiramdam ko ay hindi ako makakalakad ng ilang araw dahil sa sakit.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang balat sa aking pisngi. Kasalukuyang nakahiga ako ngayon sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Di ko man idilat ang aking mata ay alam kong nasa ganitong ayos kaming dalawa. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang pabango na tila hindi nawala kahit na labis ang kaniyang pagpapawis kanina. Para akong aso na hindi matigil sa kakaamoy sa kaniyang katawan. Bawat singhot ay para bang nahihibang ako sa bawat pagpasok nito sa aking ilong. Nang hindi na ako makapagpigil ay unti-unti kong dinilat ang aking mata para malaman kong nanaginip lang ba ako pero nang pagdilat ko ng aking mata ay ang kaniyang paningin kaagad ang aking nakita. Sinalubong niya ako ng ngiti at dahil hindi ko inaasahan yun ay napilitan na rin akong ngumiti. Umiwas ako ng pagtingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng labis na pagkahiya pero nagawa niyang hawakan ang aking baba para muling pagtagpuin ang paningin.
"You're mine, kaya simula ngayon ay ako lang ang pwedeng gumawa sayo nito. Tandaan mo yan!" sabi niya na hindi ko maintindihan kung nagbabanta ba siya sa akin.
"I love you" dugtong pa niya at biglang nagbago ang tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya naman.
"Papano si Euphy?" ang tanging naitanong ko.
"Matagal ng wala kami ni Euphy at wala na akong nararamdaman sa kaniya dahil may mahal na ako at ikaw yun!" sabi niya at bigla na naman akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako sanay na ganito ang trato sa akin ni Lance kaya hindi ko maiwasang mahiya sa kaniyang sinasabi. Bago ko magawang iwasan ang kaniyang paningin ay nagawa niyang hawakan ang aking pisngi at hinalikan ang aking mga labi.
"Nag-aantay ako sa sagot mo" sabi niya matapos niya akong halikan.
"Bakit mo pa ba tinatanong ang bagay na alam mo naman ang sagot?" tila ang init-init ng mukha ko ngayon. Sobrang nakakahiya ang tagpo na to na hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Gusto kong marinig mismo sayo yun!" Mapilit talaga siya at nais niyang marinig ang aking sasabihin. Napakagat labi ako habang nag-iisip ng isasagot sa kaniya.
"Ahhh... I" ang buong akala ko ay may sapat na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero bigla na lang dinaga ang dibdib ko. Tumingin naman siya ng masama sa akin nang hindi ko tinuloy ang dapat kong sabihin. Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita.
"I......love you too" nang masabi ko yun ay para bang gusto kong manakbo at magtago mula sa kaniya dahil sa labis na kahihiyan. Pero nang marinig niya ang aking sagot ay kaagad gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sa sobrang saya niya ay nagawa niya akong halikan sa aking labi at sa pagkakataong ito ay naging marahan ang kaniyang paghalik na para bang bawat galaw ay ramdam na ramdam namin ang isa't isa. Hindi ako nakontento sa aming paghahalika at nagawa ko pang hawakan ang kaniyang ulo para mas lalong mapalapit ang aming mga mukha. Habang kami ay naghahalikan ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na katok mula sa pinto. Kapwa kaming napatingin sa isa't isa bago kami tumigin sa pinto.
"Stay here" utos niya sa akin. Tumayo siya sa kama at ako naman ay nanatiling nakahiga. Tinakpan ko ng kumot ang aking katawan pero nagagawa kong sumilip sa kumot para alamin kung sino ang kumatok. Samantalang si Lance ay walang arte na naglalakad ng hubo't hubad sa kaniya kwarto. Napahawak ako sa aking noo nang makita ko ang bakas ng aking pagkabirhen sa kaniyang ari. Nagsuot lang siya ng bathrobe bago niya binuksan ang pinto.
"Now what?" bungad niya kahit hindi niya pa nakikita ang tao mula sa likod ng pinto.
"You only have 5 minutes to prepare dahil aakyat ngayon si tito para kausapin ka" rinig kong sabi ng taong kausap ni Lance. Medyo pamilyar sa sakin ang kaniyang boses at kung hindi ako nagkakamali ay mukhang yun ang pinsan niyang si Eisen.
"Haa... bakit daw?" natatarantang tanong ni Lance. Bigla rin akong kinabahan ng marinig ko yun.
"Sinabihan ko na tulog ka pero.." naputol ang kaniyang sinabi nang may lalaking nagsalita.
"Lance, kailangan nating mag-usap!" biglang sabi ng isang lalaki na ubod ng lalim ng boses.
"Si-sige dad, magbibihis lang ako" natatarantang sagot ni Lance.
"No need, dito na tayo mag-usap sa loob ng kwarto mo" tugon ng kaniyang daddy. Nang makita ko ang kamay nito na nakahawak sa pinto ay kumaripas ako ng pagtayo at muntikan na akong mapahiyaw sa sakit ng pwet ko pero nagawa ko pa ring pigilan. Maluha-luha akong nagtago sa ilalim ng kama na tanging kumot lang ang saplot sa aking katawan.
"Pero Dad magulo ang kwarto ko" pagtutol ni Lance.
"Kelan ba naging maayos ang kwarto mo?" tugon ng kaniyang daddy at mukhang nakapasok na ito sa loob ng kwarto ni Lance dahil rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa kama ni Lance. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga paa nila na nakatapat sa kama. Hinihiling ko na wag sumilip ang kaniyang daddy sa ilalim ng kama kundi mabibisto talaga kami.
"Bakit may dugo ang bedsheet mo Lance?" tanong ng daddy niya. Napamura ako sa isip-isip ko dahil hindi pa pala napapalitan ni Lance yung bedsheet. Napadasal ako na sana makaisip ng magandang dahilan si Lance para maging palusot niya.
"Ahhh kasi Dad" saad ni Lance na hindi pa rin makaisip ng isasagot sa tanong ng kaniyang daddy.
"Mukhang wala ka namang sugat...teka don't tell me?" natigilan sa pagsasalita ang papa niya at base sa kilos ng kaniyang paa ay parang iniikot nito ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto hanggang sa muling tumapat ang kaniyang mga paa sa harap ng kama. Sa sandaling yun ay napapikit na ako dahil malamang yun na ang sandaling mabubuko ang pagtatago ko.
"Don't tell me na may kasama ka ngayong babae? Where is she?" muling tanong ng daddy niya.
"Ahh Dad na sa banyo po....naliligo. Tama, naliligo siya ngayon" nauutal na sagot ni Lance. Rinig ko ang pagtapik ng daddy ni Lance sa kaniya habang sinasabing.
"Manang mana ka sa Daddy mo! Virgin pa tong nauwi mo" natatawang sabi ng kaniyang daddy. Hindi malaman ni Lance kung tatawa ba siya sa mga sinabi ng kaniyang ama.
"Anyway, hindi na ako magtatagal dito para hindi ko kayo maistorbo. I just came here to inform you that I will be attending a business meeting sa macao at mawawala ako ng 2 weeks" kwento ng kaniyang ama at bigla silang napaupo sa kama. Umurong ako ng kaunti paatras dahil yung inuupuan nila ay may umbok na tatama sa ulo ko.
"And I'm so happy to hear na gumaganda daw ang records mo sa school. Nag-improve ang attendance at scores mo. Malaking improvement......dahil ba yan sa babaeng kasama mo?" dugtong pa niya at parehas kaming dalawa na nag-aantay ng isasagot ni Lance.
"Opo dad, Mas lalo akong ginanahang pumasok sa school dahil sa kaniya" sagot ni Lance at ako nama'y hindi mapigilang mapangiti at tila nakalimutan pansamantala ang nararamdamang sakit.
"Well that's great. Kung maganda ang influence niya sayo ay gustong gusto ko siya para sayo. 11:30 pa naman ang flight ko bukas. I'm expecting na makilala siya bukas sa pagsabay niya sa atin ng breakfast" nanlamig ang aking katawan at tumagktak ang aking pawis nang marinig kong sabihin yun ng kaniyang ama.
"Pero dad" pagtutol ni Lance pero tumayo na sa kama niya ang kaniyang daddy.
"Gumising kayo ng maaga at please wag kalimutan gumamit ng protection!" ang tanging sinabi ng daddy niya bago lumabas ng kaniyang kwarto. Sa pagkakataong ito ay hindi namin alam kung papano ilulusot ang problema na to. Matapos niyang mailock ang pinto ay kaagad akong tinawag ni Lance para makalabas na sa aking pinagtataguan. Nagulat pa siya nang hawakan ko ang kaniyang paa bago ako makalabas sa ilalim ng kaniyang kama.
"Kabado na nga ako sa sinabi ni daddy tapos gugulatin mo pa ako" reklamo niya habang inaalalayan niya akong makalabas sa ilalim ng kaniyang kama. Muli kong naramdaman ang pananakit ng pwet at balakang ko. Sinubukan kong umupo pero hindi ko kaya ang kirot kaya naman nahiga ako pero mas naging malala ang sakit kaya dumapa na lang ako sa ibabaw ng kaniyang kama. Habang hirap na hirap ako sa sakit ay itong si Lance ay parang gago na pinagmamasdan ang kabuoan ko.
"Ready for round 2?" sabi niya habang dinidilaan ang pang-ibabaw ng kaniyang labi. Sa inis ko ay binato ko siya ng unan sa mukha.
"Gago, halos di na ako makagalaw sa sakit dito tapos puro kalokohan pa yang nasa isip mo" tumawa siya habang pinupulot ang unan sa sahig. Nang makalapit siya sa akin ay hinalikan niya ang aking noo.
"Biro lang" sabi niya matapos niyang humalik.
Wala akong ideya na ganito pala kalambing si Lance kapag nagmamahal. Ibang iba ang pagkakakilala ko sa kaniya nang una kaming magkita. Sino ba naman ang mag-aakalang hahantong sa ganito ang relasyon naming dalawa. Nagsimula sa magkaaway at ngayon ay parehas na naming iniibig ang isa't isa. Kahit ako ay hirap paniwalaan na nangyayari to ngayon pero hindi talaga natin mapipili ang taong mamahalin natin dahil may pagkakataon na mahuhulog an gating damdamin sa taong hindi natin inaasahang mamahalin natin.
"Anong iniisip mo?" tanong niya sa akin habang nakahiga siya sa tabi ko at nakaunan sa kaniyang ulo ang kaniyang mga kamay.
"Ahh wala...napaisip lang ako kung papano natin malulusutan yung daddy mo" wala sa isip kong sabi. Nnag mapagtanto ko ang sinabi ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba dahil bukas nga pala kami kakain ng breakfast kasama siya.
"Oo nga pala" sagot ni Lance sabay hawak sa ulo niya na para bang hirap mag-isip.
"Papano mo sasabihin na hindi ako babae?" ang tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin habang nag-iisip. Tila kahit anong gawin niya ay parang walang pumapasok sa kaniyang isipan na magandang palusot. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang ngumiti sa akin.
"May taong makakatulong sa atin" masaya niyang sabi at imbes na masiyahan ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa naiisip niya.
"Sino?" mabilis kong tugon.
"Bago yan mag-shower na muna tayo!" tumayo siya mula sa kama at naghanap ng mga damit na maipapahiram sa akin.
"Ikaw na lang, hindi ko kayang tumayo at maglakad sa banyo" reklamo ko dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin humuhupa ang sakit. Kung laging ganito ang mararamdaman ko sa tuwing magtatalik kami ni Lance ay hindi ko na uulitin pa to kahit magpumilit pa siya.
"Sino naman nagsabi sayo na maglalakad ka sa banyo?" pumuwesto siya sa paanan ko at sumenyas na sumampa ako sa likuran niya. Noong una ay ayoko talaga pero hindi ko na rin matiis ang panlalagkit ng katawan ko lalong lalo na yung dugo na tila natuyo na sa hita at singit ko. Wala sa loob ko na sumampa sa kaniya habang tinitiis ang kirot ng aking balakang.
"Uyy, sinasadya niyang ikiskis sa likod ko si junjun" pang-aasar niya sa akin sabay tawa.
"GAGO!" bulyaw ko sa kaniya at tumawa pa siya lalo habang patungo sa banyo at nakasamapa ako sa kaniyang likuran.
Habang nasa banyo ay limitado pa rin ang aking mga galaw. Halos nakasandal lang ako sa pader habang tinutulungan ako ni Lance hugasan ang aking katawan. Wala naman siyang ginawang kalokohan dahil pakiramdam ko ay naaawa rin siya sa kalagayan ko. Halos siya na nga ang magpaligo sa akin dahil maging sa pagsabon ng aking katawan ay hirap ako. Nang matapos kaming maligo ay siya pa mismo ang nagpunas sa katawan ko. Para akong bata na nakaupo sa upuan habang pinapatuyo niya gamit ang blower ang buhok ko. Hindi niya muna ako pinahiga sa kama dahil papalitan niya daw muna ang bedsheet. Habang tinatanggal niya ang bedsheet ay nagtaka ako kung bakit niya nialagay sa puting plastic ang bedsheet ang buong akala ko ay itatapon na niya ito pero nang tanungin ko siya ay sabi niya remembrance daw ito. Hindi talaga nauubusan ng kapilyuhan itong si Lance. Nang makasigurong maayos na ang higaan ay inalalayan niya akong maglakad palapit sa kama. Tumanggi ako sa pagsampa sa kaniya dahil hindi naman kalayuan ang kama sa inuupuan ko.
"Dahan-dahan lang babe baka makunan ka" sabi niya at kahit na nanghihina ako ay nagawa ko pa rin siyang masuntok sa braso na saktong masasaktan siya sa walang humpay na pang-iinis niya sa akin. Magkahalong tawa at pananakit ng braso ang kaniyang naging reaksyon nang makaupo ako sa kama. Marahan niyang hinimas ang kaniyang braso na nagsimulang mamula. Bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko pero hindi pa rin ako humingi ng tawad.
Nang masigurado niyang nasa magandang kalagayan na ako sa kaniyang kama ay nagpaalam siya sa akin para tawagin ang taong makakatulong sa amin. Napaisip ako kung sinong tao ang mapapapunta niya ngayong oras sa loob ng kwarto nya. Kahit na marami siyang kaibigan ay malamang tatanggi ang mga yun sa hihingin niyang pabor. Habang nag-iisip ay bigla kong naalalang magtext kay Ate Pritz. Nataranta ako nang makita ko na marami siyang text messages at missed calls. Tatawag na sana ako pero nabasa ko sa pinakahuling message niya na mag-iingat daw ako at huwag maging pabigat kay Lance. Mukhang naipaalam na ni Lance kay ate yung pagpunta ko dito sa bahay nila.
"Grabe, idadamay mo pa talaga ako sa kalokohang to?" bulyaw ng taong biglang pumasok sa kwarto ni Lance. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang may biglang papasok sa kwarto niya. Tila nagkagulatan pa kaming dalawa nang makita namin ang isa't isa.
"Huwag mong sabihin na siya yung babaeng tinutukoy ni tito?" sabi ng kaniyang pinsan na si Eisen habang nakaturo sa akin. Tumango naman si Lance habang nakangiti sa kaniyang pinsan.
"Mukhang mapapalayas na rin ako sa bahay na to" sabi ni Eisen habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.
"I'll do everything you want, just...just please help us out!" pakiusap ni Lance. Umirap si Eisen kay Lance at saka huminga ng malalim bago siya tuluyang sumagot.
"Fineeee!" tugon niya na may halong pag-angal.
Naupo sa tabi ko si Lance at nagawa pang umakbay sa akin. Hindi pa ako sanay na may ibang taong nakakakita sa aming dalawa kaya sinasaway ko si Lance pero hindi niya inalis ang kaniyang kamay. Mas lalo naman akong nailang nang maupo si Eisen sa upuan na nakatapat sa kama ni Lance at yung kaniyang mga ngiti sa akin na makahulugan ay mas lalo akong hindi napalagay. Para bang yung mga ngiti niya ay may alam siyang tinatago kong sekreto at nakasasalay sa pananahimik niya ang magiging reputasyon ko. Hanggang sa magsimula siyang magsalita at sabihin sa amin ang balak niyang plano. Bawat salitang binabanggit niya ay tila napapaatras ako at napapailing dahil hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.
"Hindi ko kayang gawin yan!" mabilis kong pagtutol.
"kayang-kaya mo yun! Naalala mo noong nagkaroon ng festival sa school tapos nag dress-up ka bilang isa sa mga maids" pagsuyo sa akin ni Lance pero mabilis akong umangal.
"Papano mo?" ngunit bago pa man ako makapagsabi ay nilagay nya ang daliri niya sa aking labi para hindi ako makapagsalita.
"Honestly, na love at first sight ako sayo nang makita kita noon" nakangiti niyang sabi. Naiinis ako sa kaniya kung bakit niya ako pinipilit gawin ang bagay nato at naiinis ako sa sarili ko kung gaano ako kabilis na napapapayag sa mga gusto niyang mangyari. Hindi na ako nakasagot at mukhang yun ang naging hudyat sa kanila nang pagpayag ko kaya naman hinalikan ako ni Lance sa ulo.
"Jusme, get a room!" angal ni Eisen.
"We're in my room" mabilis na sabat ni Lance.
"Owww sabi ko nga" sagot naman ni Eisen na tila pinipigil ang sarili sa pagtawa dahil napahiya siya.
"Wala bang plan b?" hindi ko mapigilang itanong.
"Ito na yung best option natin. Sa tuwing nasa bahay si tito ay laging nirereport ng guard kay tito ang sino mang lumalabas at pumapasok ng gate. Kung si Lance ay nahihirapang makatakas, papano pa kaya kung dalawa na kayo? Sa pagkakaalam ko nagtatrabaho ang ate mo kay tito. Masasabit ang ate mo sa gulo kapag nahuli kayo ni tito na tumatakas dito kasama si Lance. Iisipin ni tito na bad influence ka sa kaniya lalong lalo na ngayon na mataas na ang expectation niya kay Lance dahil sa improvement ng mga grades niya" paliwanag ni Eisen. Masasabi kong malaki ang punto niya at mahihirapan din kaming makatakas dito. Hindi naman kami secret agents na makakaiwas sa cctv at bantay na guards. Ayoko ring idamay si Ate Fritz sa gulong to.
"Pano kung magpasok na lang tayo ng babae na gaganap na girlfriend ni Lance" sabi ko at mabilis namang umiling si Lance bilang pagtutol niya.
"Gaya ng paghahanap ng babaeng magpapanggap na girlfriend ni Lance ay mahihirapan din tayong ipasok yun dito. Sabi ko nga kanina lahat ng mga pumapasok at lumalabas ng bahay ay nirereport kay tito. Sa tingin mo hindi siya magtataka kung bakit may pumasok na babae sa bahay ng disoras ng gabi? At sa pagkakaalam niya ay nasa loob na ng kwarto ni Lance ang babaeng inaasahan niyang girlfriend ng anak niya? Mas maghihinala si tito at mas lalo tayong mahihirapang magpaliwanag" sumuko na ako sa Plan B dahil lahat na ata ng option na sasabihin ko ay may butas para kay Eisen.
Dahil wala na kaming maisip na ibang plano ay pumayag na rin ako sa planong naisip ni Eisen. Siya na daw ang bahala sa pag-aayos sa akin para magmukha daw akong babae bukas. Mariin niyang habilin na huwag na huwag akong magsasalita dahil hindi ko rin kayang mag-ipit ng boses. Sila na daw ang bahala ni Lance na magpapaliwang kay tito kung bakit hindi ako makapagsalita. Mukha namang excited ang lokong si Lance sa ideya ni Eisen at para bang tuwang tuwa pa siyang ipapahiya ko ang sarili ko sa harap ng kaniyang ama kinabukasan.
Nang magpaalam si Eisen ay kaagad naman kaming nagpasiyang matulog ni Lance. Bago kami mahiga sa kaniyang kama ay binigyan niya ako ng pain reliever at gamot para sa aking lagnat. Kahit na nakainom na ako ng pain reliever ay nahihirapan pa rin akong makatulog dahil sa kirot na nararamdaman ko. Ilang beses akong kinamusta ni Lance sa pakiramdam ko pero laging "okay lang ako" ang sinasagot ko sa kaniya. Napagpasiyahan kong matulog nang nakadapa pero pinagbawalan ako ni Lance dahil mahihirapan daw akong huminga. Lumapit siya sa akin at hiniga niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Hinatak niya ang aking binti at dinantay sa ibabaw ng kaniyang hita. Naglagay naman siya ng unan sa pwetan ko para hindi tuluyang tumama sa foam ang pwet ko. Huli niyang hinatak ang aking kamay para ipayakap ako sa kaniyang katawan. Sa ginawa niyang yun ay naging komportable ang aking paghiga. Hindi ako nahihirapang huminga o nakakaramdam ng ngalay.
"Saan mo natutunan to?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ito ang unang pagkakataong ginawa niya ito sa ibang tao. Sa dami ba naman ng mga naging girlfriend niya.
"Turo sa akin ni Eisen, para daw hindi ka mahirapan" nagulat ako nang sabihin niya yun. Ibig sabihin may karanasan na ang pinsan niya?
Hindi ko na inusisa pa si Lance sa bagay na yun dahil mas nanaig sa akin ang antok nang maging komportable ang aking paghiga. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Lance dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya ngayon. Sa paghigpit ng kaniyang pagyakap sa akin ay mas lalo akong nakaramdam ng antok kaya naman mabilis akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...