I Still Love You...

8 0 0
                                    

Sabi nila, masarap ma-inlove.
Siguro nga totoo yun.

But I think most of the time, you end up getting your heart broken.

Masarap magmahal kung mahal ka rin ng taong mahal mo.

Pero paano kung hindi?

Paano kung pinaasa ka lang niya?

Paano kung pinaramdam niya lang sayo na gusto ka niya pero hindi naman talaga?

I smile everytime I remember our memories together.

How you hold my hand...
How you look at me straight in my eyes.

I can still fell your touch...
I can still see your smiles.

Naaalala ko lahat.

Yung mga pag akbay mo at pagsiksik mo sa akin para lang makatabi mo ako sa upuan.

Yung lalapitan mo ako pagtapos na yung basketball game nyo tapos aagawin mo yung iniinom kong slurpee. Ibabalik mo na lang sakin pag ubos na.

Yung pagchat mo tuwing gabi at yung biglang pag-hi mo sa text. Inaabot pa nga tayo ng madaling araw sa pag-uusap ng kung ano-anong bagay.

Never kang nahiya na kulitin ako kahit kasama ko mga kaibigan ko.

Pinakilala mo pa nga ako sa mga classmates mo para maging kaibigan ko din sila.

Akala ko talaga...

May papatunguhan yung friendship natin.

Ramdam ko kasi yung attention na binibigay mo sakin.

Kasalanan ko nga rin siguro dahil hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sayo.

You asked mo once and I said, " hindi ako magkakagusto sa bestfriend ko."

Ever since then, nagbago ka.

You started staying away from me.

Hanggang sa huling pagcha-chat natin, tinanong mo pa ako.

"Tingin mo ba okey lang makipagbalikan ako sa ex ko?"

I knew I was wrong..
I should have said no.
I should have confessed my feelings right there.

But I was too shy... too coward... too afraid to be rejected.

So I said yes.
That if you still love her, you should.

Simula nung nagkabalikan kayo, nawalan na tayo ng connection.

You stopped texting me.
You stopped leaving messages on my facebook account.

Nasaktan ako ng sobra.

Hanggang ngayon nagsisisi ako kahit na halos isang taon na mula nung nangyari yun.

If I could just turn the time back,
I will.

Kasi gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal.

Na hanggang ngayon umiiyak parin ako tuwing naaalala kita.

Na hanggang ngayon ikaw parin talaga.

Yesterday, we met again.

Akala ko okey nako.

Akala ko sanay na ko na wala ka.

Pero nung hinawakan mo yung pisngi ko at hinaplos saglit bago ka umalis para puntahan girlfriend mo?

Bumalik lahat.

Naalala ko na naman lahat.

Wala tayong sinabi na kahit na isang salita pero nabasa ko sa mga mata mo...

Alam kong namimiss mo rin ako.

Bakit ganun?

Hindi ba talaga pwedeng tayo na lang?

Alam kong hindi mo ito mababasa.

Pero kung sakali, I just wanna say that I still love you.

I do.

And it will be forever.

I Still Love You...Where stories live. Discover now