Truth or Dare

62 15 33
                                    

Anlakas ng kalabog ng dibdib ko, sobra akong kinakabhan kyaaahh! Wag sana sakin, please wag sana sa--

"SUZUKAAA!!!sayo tumapat!" shocks! bat sakin? lagot kasali pa naman dito si crush.

Ay btw naglalaro kami ngayon ng truth or dare, walang teacher so naisipan namin na maglaro. Malakas ang loob ko kanina pero ngayon? Na-uh nanginginig na ang kamay ko, bakit pa kase sumali si crushhh!

"Ano Suzy? Truth or Dare?" tanong ng kaklase ko, ghaadd alam nilang crush ko si Cooper at alam kong di sila titigil hangga't di ako napapaamin. Kaya napagdesisyunan ko na...

"DARE! oo t-tama dare nga" narinig kong tumawa si Ara, bespren ko, aisshh alam nya siguro na abot langit na ng kaba ko ngayon. Tiningnan ko sya ng masama ngunit imbis na tumigil ay lalo pa syang natawa. Malakas lang ang loob nyan kase di sya kasali, nakooo kung sumali sya ibubulgar ko rin na may crush sya sa kaklase naming si David, tss mamaya ka sakin.

"Dare? Mmmmm Okay! I dare you too..." Okay na ang dare, Im sure mas okay pa yun kesa sa Truth" I dare you na umamin kung sino crush mo HAHAHA"

"Whaaatt?! That's unfair! Bawal yun! Edi para narin yung truth" sunod-sunod kong sabi, aba di ako papayaggg nasa harapan ko pa naman si Cooper, na nakatingin sakin ngayon, kyaahh please don't mah love, matutunaw na ako hahaha

"I'm sorry Suzy but di na pwedeng baguhin, saka agree naman lahat sa dare diba guys?" Agad namang nagsitanguan ang mga kaklase ko
"Oo"
"Ok nayaann!"
"Sagutin mo na Suzy"
"Sinong crush mo?"
"Yieeehhh" sabay sabay nilang sabi. Aigoo I shouldn't have join this game in the first place, mukhang ito na ang katapusan ko

"Oo na eto na sasagot na! " irita kong sabi na nakapagpatahimik sa kanilang lahat. Tiningnan ko sila lahat at halatang inaantay nila ng sagot ko. Hoo here goes nothing!

Good luck Suzy!

"Uuuhh ano crush ko? W-walaa oo wala, wala akong crush hehe" kahit magmukha akong tanga di ako aamin! Over my dead gorgeous body!

"Ano ba yan ang kj, crush lang naman eh"
"Oo nga parang yun lang naman" ano? Kj? Grabe bakit pa naimbento ang salitang 𝑝𝑟𝑖𝑣𝑎𝑐𝑦 kung di rin lang pala magagamit? Diba? Diba?

Nagpakawala ako ng isang buntog hininga.

"Huwag nyong pilitin ang ayaw, para san pa ba ang salitang privacy at sikreto kung sasabihin din pala?"
Yes tama yan Cooper...wait, Cooper? Mataman ko syang tiningnan, magkatulad ang nasa isip namin! We're really meant to be. Yes po opo! Si Cooper the only one cooper lang naman ang nagsalba sa akin sa bingit ng kamatayan.

"Oo tama si C-cooper!" Bakit ba diko masabi ng diretso pangalan nya aishh

"Tss nako nako alam nyo bagay kayo ni Cooper Suzy, parehas kayong weirdo at kj" Sabi ni Claire na sya ko namang ipinula, kyaahh bagay daw kami hihi enebe baka maniwala na ako hahaha

"Okay dahil ayaw mo rin naman sumunod, edi wag ka na lang sumali" saad naman ni Jonah, sobrang prangka talaga neto pero mas okay narin yun atleast matatakasan ko na ang hot seat

"My pleasure HAAHAHA kbye guys" kumaway ako sabay takbo palabas, punta muna ako ng canteen, makabili ng maiinom, I really need something cool now, kase nag aapoy na ang pisnge kooo!!!.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may humikit sakin, napasandal ako sa pader ng itulak nya ako, inis kong tiningnan ang lapastangang humiklas sakin ngunit bigla akong nanlambot ng makita ko kung sino iyon...

s-si Cooper! Umatras ako ngunit wala na talaga, inilapit pa nya ang kanyang mukha. Ano bang problema netong lalaking ito? Parang may nagkakarerang kabayo sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ghaadd...Lumiko ako sa kaliwa para tumakas pero hinarang nya ang isa nyang braso, lumiko ako sa kanan ngunit hinarang pa nya ang isa pa nyang braso, omoo pano na to???

"B-bakit p-pano a-anong ginagawa m-mo?"
Lalo pa nyang inilapit ang kanyang mukha at ng isang dangkal na lang ang aming pagitan ay nagsalita sya, I can smell that minty breath of his, "Yung kanina"

eh?kanina?

"H-huh?" yung sa laro ba ang tinutukoy nya?
Napapikit ako sa distanya namin, sobrang lapit kaya namin saka diko sya matingnan ng diretso, baka manghimatay ako ng wala sa oras. "Yung sa laro ba? Salamat nga pala sa pagsalba sakin kanina, I nearly die out there"

"I didn't do it without an exchange" mungkahi nya at tumawa ng bahagya, seriously? Why do you have to be this f*cking gorgeous crushh!!! Pero wait, exchange? Ano naman?

"Uh ano namang kapalit?" Honestly speaking, am I only the one uncomfortable? Like yung pwesto namin guys goshh.

"Look at me" matigas nyang sabi, iminulat ko ang mata ko and look at him, kyaah sobrang lapit na naminnn, pinagtitinginan narin kami ng mga nadaang estudyante pero mukhang walang pake itong si crush.

I met his gaze and the world stops for a while, panandalian akong nahigop ng kanyang mga mata, parang may hipnotismo ang kanyang mga tingin, kahit laging nakakunot ang noo nya, it doesn't affect anything, well meron, that is lalo lang syang naging attractive. His nose, ang tangos, and his lips, that damn kissable lips, shet pigilan nyoko mahahalikan ko talaga ito haha joke pero seroiusly, bakit sobrang gwa--

"Done checking?" Oh my gosh! Nakalimutan kong kaharap ko nga pala syaaa akala ko panaginip lang.

I cleared my throat. "So anong kapalit ng pagtulong mo sakin?" Medyo nakapag adjust na ako sa position namin haha o diba nakapal na mukha ko, tutal makapal narin naman mukha ko, umamin na kaya ako sa kanya? Mmm bukas na la--

"Let's go out" natigil ako sa pagpapantasya ko ahhh let's go ou-- out?

Say whattt??!!

Baka naman oa kalang, baka naman go out, sa labs kayo mag-usap ikaw talaga dakilang assumera
"Ahhh you mean sa labas tayo mag-usap? Bat ngayon mo lang yan naisip eh kanina pa tayo sikat sa posisyon natin, tingnan mo oh ansama makatingin nung isang babae, yung isa pa, ayun pa, saka a--"

"No! Damn! Why do you have to be so dumb! What I mean is go out, for a date" nagulat ako sa biglang pagtaas ng kanyang boses

"I'm sorry, ang manhid mo kase, diko alam kung natural o nagpapanggap ka lang" sabi nya sa medyo malumanay na tono

Umayos na sya ng tayo at ako rin, ghad mangalay din haha date lang pala eh, wait wait waitt...D-date?
Agaaiinn??!! Napaawang ang bibig ko my gosh did I hear it right?

"I'm sorry come again? I didn't quite understand" narinig ko naman eh di palang maabsorb ng utak ko

Napa face palm sya, halatang naiinis na sya ngunit kapagkuwan ay huminga ng malalim at tumingin sa akin, hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at humugot ng hinga

"Yung kanina sa laro, di dapat talaga kita pipigilan kase gusto ko rin malaman kung sino ang crush mo, but nakita ko na napepressure ka na so I saved you. Sinundan kita pagkalabas mo, I didn't know what to do pero, shit crush kita Suzy! Naiinis ako sa tuwing may kasama kang lalaki, di mo alam lagi kitang sinusundan sa pag-uwi mo, sinisigurado kong nakauwi ka ng ligtas, crush? Silly me, mali pala, I like you At umaasa ako na ganun karin oh wait let me rephrase that, wala akong pake kahit di mo ako gusto, because I'll do everything para maging akin ka" nakatingin lang ako sa kanya, pakiramdam ko hihiwalay na lahat ng laman loob ko, my ghaadd is this for real??

"Saturday, 7:00 pm, I'll pick you up" sabi nya habang naglalakad palayo. Heto ako nakatulala parin, di makapaniwala sa nangyari.

Who knew that dahil sa game na yun dun ko pala malalaman na crush din pala ako ng crush ko? Na diko na pala kailangan umamin at umasang magugustuhan nya rin because he already did.

"SUZUKAA!"
"SUZY ano ba! Bumangon ka na malelate ka na naman"
napatalon ako at nahulog sa kama, ouch, walang sumalo.

Ang lahat ng yon, lahat lahat... PANAGINIP LANGGG!!! WTF!!!

"Waaahhhhh bakeeetttt???!!!! HUHUHUHU"

*A/N: Hihi sorry guys sa biglang pagpalit hahaha wag nyo sana akong kamuhian pero that's reality HAHAHA

Mes Histoires CourtesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon