"Suffering"

1 0 0
                                    

Tok.. Tok.. Tok. Humahangos na binuksan ni Lisa ang pinto ng kanyang inuupahang silid. Dumating kasi ang kanyang matalik na kaibigang si Jazz upang duon din manirahan kasama niya sa maynila.
"Bakit ngayon ka lang kahapon pa kita hinihintay"aniya sa kaibigan. " pasensiya na, nasiraan kasi ang sinakyan kong bus papunta dito"tugon ni Jazz.
Matagal nang pangarap ng dalawa ang magtrabaho sa maynila at dito na rin manirahan.Unang tinawagan ng kumpanyang inaplayan nila si Lisa. Paglipas ng isang buwan ay sumunod naman si Jazz sa kanya. Tuwang tuwa ang magkaibigan dahil sa wakas matutupad na rin ang pangarap nila.. Lumaki ang dalawa sa parehong lugar at parehong mahirap ang buhay na kinalakihan nila kaya ganun na lamang ang pagpupursigi nila na makapunta ng maynila. Dangan kasi at parehong magsasaka ang kanilang magulang. Sa murang edad ay natuto silang magbanat ng buto at magtrabaho sa bukid. Kaya gayon na lamang ang tindi ng pagnanais nila na makarating sa maynila at makapagtrabaho.. At dumating nga ang araw na yon.

Maagang nagising ang dalawa. Sabay silang nag almusal, naligo at nagbihis. Ito kasi ang unang araw na magkasama sila sa
Papasukan nilang kumpanya. Pareho silang janitress  ang trabaho.  "Wow excited na akong pumasok" sabi ni Jazz. "Nakikita ko nga. Kanina kapa kasi nakatayo diyan sa pinto"tugon ni lisa. "Well, well, well ito na ang katuparan ng aking mga pangarap."tuwang tuwang saad ni Jazz. Nangingiti nalang si Lisa sa kinikilos ng kaibigan.. Sa kabilang banda masaya rin siya para dito. Matagal na kasi nilang hinintay na dumating ang araw na ito. "Oh siya manila girl lumabas kana at isasarado ko na ang pinto" nakangiting saad ni Lisa.. Sabay silang naglakad palabas ng bakuran ng inuupahan bahay ni Lisa. Nakarating ang dalawa sa kalsada at patakbong tumawid sa kabilang kalsada si Lisa at Jazz ng hindi nila napansin ang humaharurot na truck.

Brrrr.. Brrrr sigawan ang mga tao sa paligid at yun ang huling narinig ng dalawa bago sila mawalan ng malay.

Sobrang bilis ng mga pangyayari..Dumating ang ambulansya at mga pulis. Mabilis na isinakay sa ambulansiya ang dalawa at duon nilapatan ng paunang lunas dahil sa kritikal na kondisyon nila.Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa hospital at agad n ipinasok sa emergency room.Duon ay puspusan ang ginawang panggagamot sa kanila ng mg doktor. Ilang oras pa ang lumipas ay inilipat sa kanyang silid si Jazz na nuon ay wala pa ring malay. Puno ng benda ang kanyang katawan at my semento ang kanyang mga paa dahil nagtamo ito ng mga bali. Sa kabilang dako, si Lisa naman ay kasalukuyan paring nasa operating room dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa kanyang ulo.. Lumipas ang maghapon ay inilipat na siya sa ICU..

Kinausap ng mga doktor ang mga pulis tungkol sa kalagayan ng dalawa dahil kasalukuyan parin nag iimbestiga ang mga ito sa nangyaring aksidente. Tinignan ng mga pulis ang gamit ng dalawa upang malaman ang identity nila at makahanap ng impormasyon sa pamilya ng dalawa. Nakita ng mga pulis ang I. D ni Lisa at duon ay my contact no. Ng kanyang pmilya.. Gayundin si Jazz. Tinawagan ng mg pulis ang nakalagay na contact no. At duon ay nakausap nga nila ang pamilya ng dalawa. Isinalaysay ng mga pulis ang nangyari sa dalawa at ang malubhang kalagayan nila sa ospital.  Pagkatanggap ng tawag ay dali dali nagbihis ang tatay ni Lisa na si mang Ely upang puntahan ang kanyang anak. Ngmamadaling lumabas ng bahay si Mang Ely habang nakasunod ang kanyang asawa na si Aling Tere. Biglang tumigil sa paglalakad si Mang Ely na nakahawak sa kanyang dibdib.. Nagulantang ang kanyang asawa na si Aling tere ng bigla na lamang itong natumba..

" Tulong!!!  Mga kapitbahay tulungan niyo kami. Ang asawa ko. Tulong!!!  Parang awa niyo na tulungan niyo kami" sigaw ni Aling Tere. Maya maya pa ay dumating nga ang kanyang mga kapitbahay at sabay sabay na binuhat si Mang Ely at sinakay sa tricycle upang dalhin sa ospital..
Pagdating sa ospital ay agad na tinignan ito ng mga doktor.. Sa di kalayuan ay nakatayo si Aling Tere at kitang kita niya ang pag iling ng mga doktor hanggang sa takpan ng puting kumot ang kanyang asawa.. Dead on arrival ito ng dumating  sa ospital dahil  siguro sa layo ng kanilang pinanggalingan. Namatay nga si Mang Ely at kasalukuyang nakaratay ang kanyang labi sa munti nilang tahanan. Sa kabilang dako, nagngingitngit sa galit si Aling Tere kay Lisa. Ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang asawa. Paglipas ng isang linggo ay inilibing na si Mang Ely..

Pagkatapos ng libing, kinausap ni Aling Tere si Anne, nakababatang kapatid ni Lisa. " Bukas na bukas din ay lumuwas ka ng Maynila at dalhin mo sa ospital ang gamit ng ate mo.. " saad ni aling Tere.. Pagkahatid mo umuwi ka rin agad"dugtong pa nito. At gayon nga ang ginawa ni Anne. Maaga itong nagising kinabukasan at inayos ang gamit ng kanyang ate. Sumakay ito ng bus upang tumungo ng maynila. Lumipas ang maghapon at nakarating din ito sa ospital na kinaroroonan ng kanyang ate..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Suffering"Where stories live. Discover now